CHAPTER 17 " Where have you been iho?" salubong ni Lorie kay Alex ng makita ito na palapit sa kanila. " Sorry po tita nagpahangin lang po ako saglit sa labas." sagot ng binata pero ang mga mata ay umiiwas sa kababata. " Hmmm hindi mo ba e welcome ang kababata mo anak? Aba eh sa pagkakaalam ko hindi naman kayo galit sa isa't isa ah." pambubuyo pa ni Darwin sa binata. He's a man pero hindi niya maiwasang pamulaan ng pisngi lalo at may kaputian siya. Ayaw man sana niyang tumingin sa gawi ng babaing mahal niya pero ayaw din naman niyang maging bastos kaya mas minabuti niyang tumingin dito. Pero bago na niya maibuka ang kanyang bibig para magsalita ay lumapit sa kanya ang batang parang matanda na nakapaywang na nga nakataas pa ang mga kilay. " Where have you been father?