CHAPTER 08 Agad ito lumapit sa akin, bago ako kinausap napansin ko ang pagkainis sa muka nito. " Hindi ko akalain na ganung katagal makikipag usap ang CEO ng EMERALD CAMPANY sayo" Nagtaka naman ako sa sinabi nito na parang may ibig iparating, hindi naman ako agad nakasagot dahil hindi ko parin maintindihan ang pinuponto nito. Nagsalita pa ito na medyo ikinagulat ko. " Alam mo bang ikaw palang ang kauna unahang babaeng taga squatters, na nakapasok sa loob ng office ng isa sa bigating negosiyante at kilalang top richest business Man industry, bukod sa akin, ikaw palang ang kinausap nito ng mahigit sa isang oras." Pagdidiinan nitong sabi na halata sa boses nito ang pagkairita at inis sa akin. Aba! malay ko ba kung nabighani siya sa ganda ko, kaya siguro ninais nitong makausap ako. Hais