CHAPTER 03

1344 Words
Chapter 03 Kinaumagahan maaga ako bumangun para asikasuhin ang asawa ko pero pag gising ko wala na sa tabi ko ang asawa ko. maaga atang umalis pero ala-singko palang naman. Sabagay kainan kase iyun kaya maaga sila nag luluto, at ang sabi niya marami daw ang kumakain duon, pinagtratrabahuan niya, hindi nalang ako nag aksaya pa ng konti segundo sa pag iisip, dahil nakatatak na nga sa isip ko ang mga sinasabi ng asawa ko na hindi dapat ako mag hinala ng kung ano ano dahil hindi daw maganda iyun sa mag asawa, at pag sisimulan lang daw ito ng hindi magandangpagkakaintindihan. Kaya lahat ng mga sinasabi nito ay sinusunud ko naman, kahit na minsan may kakaiba akong napapansin,minsan parang takot itong lapitan ako at umiiwas pa. Naalala ko na naman yung pag aaway namin nung kagabi, hindi naman masyadong matatawag na away dahil pag nag simula na itong mag salita tumatahimimik naman na ako. masakit sa akin yung binibitawan niyang salita na masyado daw ako na ngingialam sa mga pang personal niyang mga gamit, hindi porket kasal kami, puwede na daw ako mangi alam sa mga gamit niya, bigyan ko naman daw siya ng privacy para sa sarili niya. sabay biglaang hablot nito sa phone at ini off pa, nakita ko pa siya itinago ang cellphone nito sa ilalim ng unan niya, ayaw na ayaw niya na nahihiwalay ang phone niya sa kanya. At natulog na. Habang inaalala ko iyun hindi maalis sa isip ko na isipin na parang hindi asawa ang trato niya sa akin, parang ibang tao. Bigla naman ako napangiti ng ma-alala ko na naman ulit yung isa sa Character sa story na binasa ko, sana naging ganun nalang yung asawa ko, kagaya nung male lead sa story. Lakas talaga ng tama ko sa lalaking iyun, ano na kayang nangyare sa story nila?, totoo kaya na may mga taong super yaman sa buong mundo at sa larangan ng business!, at totoo din kaya yung mga top 10 super reach Man in tha world? may ganun kaya!, minsan kasi maypagka delulu ako sa mga binabasa ko sa mga novela, lalo na sa mga Character. Sana pala mayaman nalang ako at nakapag asawa ng mayaman hindi yung ganito na nag titiis sa hirap ng buhay at kakapiranggot na pera na iniiwan sa akin ng mister ko lalo na yung nalaman niyang may maliit akong pinagkukunan ng pera. Natapos ko na ipag handa ng agahan ang kapatid ng mister ko malapit kami sa isat isa, at parang kapatid ko narin ang turing ko sa kanya bata pa ito nasa 16 years old lang, at pinapaaral namin siya. Nandito lang ako Palagi sa bahay at sunud sunuran sa mga gusto ng mister ko, at ayaw din niyang naglalabas ako at kung saan saang mag pupunta gusto niya nasa bahay lang ako palagi. At isa pa sobrang layo ng bahay namin sa syudad in short city, yung may mga matatayong na building, basta city yun na yun. At isang oras din ang biyahe bago makarating sa baba, kasalukuyan kasi kami nakatira sa tay tay Rizal malayo sa syudad. kaya lang ang ikinalulungkot nagiging ignorante na ako at ulti mo pag tawid na nakalimutan na, madalang lang kase ako makapunta ng City eh, ang huli kong pang natatandaan 1 year ago ata ng huli ako nakababa at kung susumahin mga 4 years na ata akong hindi nakakapunta sa maynila. Napasandal nalang ako dahil sa sobrang napagod ako sa paglilinis ng buong bahay laba linis ang ginagawa ko sa araw araw, na kakaumay narin pero wala akong magagawa dahil pamilyada na ako, na alala ko pa nga yung sinabi ni mama na nanay ng asawa ko ang pagkakaruon daw ng pamilya ay yun daw ang isang gawain na kahit kailan hindi hindi mo matatakasan dahil may responsibilidad kana sa asawa mo. kaya tanging pagbuntong hininga nalang ng malalim ang nakayanan ko. Tinignan ko naman ang laman ng Gcash ko at dumating na nga ang 2500 na suweldo ko, bigla ko na alala na mag punta muna ng City dahil may bibilhin ako sa Supermarket. Agad ko na tinapos ang gawain ko sa loob ng bahay, at agaran na naligo, at nag ayos ng sarili. Hindi ko alam pero parang may kung anong nagtutulak sa akin na magpunta sa Syudad ngayong araw, kabit labag ito sa gusto ng husband ko. Agad na sumakay ako ng habal habal na motor, mapuntang terminal kung saan ang sakayan ng jeep papuntang City na kung tawagin Maynila. Ng makarating na ako, tuwang tuwa ako dahil makalipas mg 4 years ay ngayon lang ulit ako nakatapak sa syudad at nanlalaki ang mga mata kong nakatingala sa nag tataasan na mga building, napatingin muna ako ng relo, at pasado alas-otso palang ng umaga, agad ko naisipan na mag punta sa Mall para makapamasyal. Dahil nga ignorante na ako at nalito dahil sa sobrang lawak ng hallway na kalsada na kung titignan ko mula sa kinatatayuan ko parang dalawang kalsada ang laki nito, at natanaw ko naman ang mga sasakyan na nakahito sila, kaya mabilis ako naglakad patawid, ng makarating ako sa gitna ay nataranta na ako ng magsimula ng umandar ang mga jeep, kotse truck buss at ang iba pa, nakaramdam ako ng takot ng mga oras nayun dahil ramdam ko na parang sasagasahan ako. Ng mapansin ko okay naman na tumawid dahil wala nang masiyadong sasakyan ang kaya dali dali akong tumawid, ng bigla nalang ako mapahinto sa gitna ng muntik na ako nabangga ng isang maganda at mukang bago pa na toyota na kulay itim na sasakyan, buti at agad ito nakapreno, lumabas bigla ang isang nakauniform na lalaki na naka polo na grey at slack na pantalon, na kung susuriin ay parang driver lang ata, " Maam magpapakamatay po baka kayo, may pedestrian po duon sa unahan. Bakit po dito nyo naisipang tumawid sa edsa?" Medyo naiirita nitong pagkakasabi sa akin. Mabilis ako tumayo kahit paika-ika ako dahil sa natamong kung gas gas sa tuhod, Nataranta ako ng mapansin kong ako lang pala ang dahilan ng matinding traffic sa kalsada,at panay na sila sa busina. "Maam okay lang po bah kayo?" tumango lang ako agad, at mabilis na tumabi, natakot narin akong tumawid ulit at baka tuluyan na nga akong mabangga, Ng tumabi na ako agad napako ang mga mata ko sa backseat ng kotse, hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako napatingin duon, sakto naman nakabukas ang tinted na windshield ng kanyang sasakyan at natanaw ko ang isang lalaking naka upo at deretso lang tingin sa Kalsada, side view lang ang nakita ko sa muka nito, pero mapapansin parin ang taglay nitong kagwapuhan, agad ko napansin ang matangos nitong ilong at ang shape ng panga niya, at ang adam apple nito at bukod duon ang mapapansin morin sa Aura nito na parang walang pakialam sa paligid, at parang masungit at suplado ata. At mabilis nadin sila umalis, ako naman itong naiwan na naman sa gitna ng kalsada, at na nginginig na nakatayo habang ina antay mag stop at makatawid na muli pabalik. Napaisip ako agad kanina tungkol sa nangyare. Buti pa si manong driver kinausap ako. Pero yung gwapong lalake kanina parang wala lang sa kanya na may muntik na silang mabangga, ngitignan nga ako wala eh, at nanatili lang itong tahimik at parang malungkot. Napasimangot nalang ako dahil sa kapalpakan na ginagawa ko at katangahan ko, Oo edsa pala ito nakalimutan ko bakit hindi ko na alala?. Lumipaspa ilamg segundo ng muling magsihintuan ang mha sasakyan, ay agad na ako bumalik kung saan ako nakatayo para mag hanap na ng jeep na sasakyan ko papuntang Mall. Saglit muling na alala ko na naman yung lalaking nakasakay sa sasakyan, na parang kilalang ko yung lalake kanina, parang nakita ko na siya pero hindi kolang matandaan kung saan. At yung mga eksena na bigla bigla nalang nagpapakita sa utak ko parang medyo may hawig siya duon, at pati side view ng mukha nito. Sinu kaya yung lalaki na palagi ko na lang na alala at anung connected niya sa akin?.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD