*
*
*
Tinawagan ko agad ang secretary ko para papuntahin na ito sa office ko. She look like a ignorant girl at may kapareho siya na labis labis kong ipinagtaka lahat ay pareho sila ulti mo sa kilos at pananalita nito. but how?
Bigla ako Napapisip kung papano nga ba nito mababayaran ang lahat ng mga nabasag kanina sa Mall. well wala naman talagang kaso sa akin dahil kaya ko naman ayusin iyun, but why me? hindi naman ako ang nakabasag lahat ng iyun, pina investigate ko narin ang presyo ng lahat na nabasag nito, umabot lang naman ng 80 thousands, alam kong wala itong ganung kalaking halaga kaya paano niya kaya ito mababayaran. bakit pa kasi may mga taong tatanga-tanga at ignorante. Naupo nalang ako sa habang inaantay ang pagdating nito para kausapin.
kasalukayan lang ako nasalabas ng office nung secretary habang inaatay muli ang paglabas nito, kinakabahan na ako bukod sa malapit narin mag alas tres ng hapon ay nagugutom narin ako. Wala pa kasing akong agahan at pananghalian, kaya damang dama kona ang pagkalam ng sikmura ko.
Napaayos ako ng pagkakaupo ko ng biglang lumabas ito ng kanyang office,
" Come follow me!" Kaya agad narin ako tumayo at sinundan ko siya sa paglalakad ,himinto kami sa parang maliit na room, at nakita kong may pinindot siya sa gilid nito. Bumukas naman iyun, napatnga pa ako ng pumasok ito sa loob, samantala akong naiwan lang sa labas na nakatulala lang at may pagtataka,
Napaigtad nalang ako ng bigla itong magsalita,
"Ano tatayo ka nalang ba dyan, faster at kanina kapa inaantay ng ng CEO ihahatid lang kita sa labas ng office nito, ayusin mo ang pakikipag usap mo sa kanya" Paala pa niya,
Napansin ko naman na may pinindut itong number 10, at nagsara na nga yung stainless na Automatic nag bubukas sara pag may pinipindot, Ganun nalang ang gulat ko ng may maramdam akong pag yanig na parang paakyat at kulang nalang umakyat na ang sikmura ko, medyo mabilis ang pag akyat nito at napahawak nalang ako sa may long na stainless sa tabi, napansin ko naman ang kasama kong babae na parang okay lang sa kanya at hindi manlng natakot, grabe din naman itong mga mayayan may hagdanan pala na ganito?!. ang galing naman, napaangat ako ng tingin ng tumunug ito, kasabay ng pagbukas ng Automatic na pinto. Agad naman na ito lumakad at sumunud na din ako. Dito ay nagsimula na akong kabahan ng mapansin kong sobrang tahimik dito, at wala kang makikitang mga empleyadong pakalat kalat. Lumiko kami sa kanan , at tumambad sa amin ang Automatic na naman ulit na pinto pero doble pa ang laki nito kesa duon sa isa kanina.
" nandito na tayo sa Office ni Sir Chua, ayusin mo lang ang pakikipag usap at lahat ng tanong nito sagutin mo ng maayos, hwag kang sasagot ng pabalang at wag mong gamitin yang pagka ignorant mo sa aharap niya.
Mas lalo naman akong kinabahan at nanlalamig na ako ramdam korin ang panginginig ng tuhod ko, ang dami ng sumasagi sa isip ko, at naglalaro, pano pala kung matanda na ito at paano kung may gawin itong masama sa akin sa loob ng kwartong iyan, walang makakarinig sa akin dahil parang alam ko na nasa 10 floor pala itong office niya, sinong tutulong sa akin?.
May pinindot ito sa gilid, inabangan ko ang pagbukas ng pinto pero sarado parin, teka akala ko kusa yang bubukas gaya nung sinakyan namin kanina halos magkapereho lang sila ng style pero mas hamak na mas maganda ang style nito.
Nagulat nalang ako ng bigla niya itong tinulak at duon ko lang napansin na pay dooknob pala ito. Siya muna ang unang pumasok, para maalis naman ang kaba na nararamdaman ko kinuha ko ang headphone ko sa bag at inilagay ito sa tenga ko yung single lang at walang wire kung baga. Nagpatugtug pa ako ng musika para pakalmahin ang nadarama kong takot at kaba dahil dama ko na talaga ang pagbilis mg t***k ng puso ko na kulang nalang lumabas na sa dib'dib ko at magtatakbo. Sinu ba naman kasi ang hindi kakabahan at matatakot, hindi basta basta ang mga nabasag ko, at wala akong pambayad nun, muli ako napabalik sa sarili ko ng mag salita ulit ang babae,
" Ms Fuentes pasok na" hahakbang na sana ako ng muli nan itong nag salita,
" Don't stare at his face too long Ms Fuentes" napatango nalang ako at yuko napaisip ako na bakit kaya hindi ko puwedeng titigan ng matagal ang mukha ng CEO nila, ay siguro ang pangit mukang chaka siguro, sige yuyuko lang ako, bahala na. Pumasok na ako sa loob.
Nakayuko lang ako na katayo sa tapat ng pinto, saglit pa ako nagulat pero hindi nagpahalata ng mapansin kong kusang nag sara na agad ang pintouan nito, naramdam ko naman ang kaba at pagbilis ng puso ko.
Bigla ako napaigtad ng mag salita na ito, parang may kung anung paro paro sa tyan ko ng marinig ko ang malamig nitong boses, pero hindi parin ako nag aangat ng tingin dito, teka bata pa ang boses nito, So hindi pa pala matanda ang CEO ng EMERALD CAMPANY, ang baritono naman ng boses nito ang sarap pakinggan, pero bago paman ako makapasok ay pinatay ko na ang speaker ng headphone ko, mahirap na.
" Maupo ka Ms Fuentes!" mahina nitong sambit na malambing, pero habang nakayuko ako nag iikot na ang dalawa kong mga mata saan ba ako mauupo, duon lang naman ang may bakante sa harapan ng table niya sa side may upuan duon, Mabilis ako lumapit sa kinaroroonan ng upuan, nagdalawang isip pa ako umupo duon at inantay kolang ito ulit mag salita,
" There!" tipid nitong sabi ulit kaya agad na ako naupo na nanatili paring nakayuko, first time ko makaharap ng ganitong mga katataas na mga tao, kaya na nginginig talaga ang mga kamay at tuhod ko.
" Pwede bang humarap ka sa akin, Ms Fuentes?!. look at me, hindi naman ako pangit para hindi mo ako tignan" malamig nitong sabi na maypakaseryoso na ang boses. No choice ako kaya mabilis ko siya ninignan.
Agad nagtama ang mga mata namin, at sa titig palang nito sa akin para na akong kinakain, at ang mas lalo pa nagpa uwang ng bibig ko ng makita ko ang napakagwapo nitong mukha na parang walang kasing kapantay ang taglay nitong kagwapuhan, mula sa almond hunters eyes nito at matangos na ilong medyo makapal na kilay at malaporseno nitong kutis at dumagdag pa ang hair style ng gupit ng buhok nito na halos bumagay sa kanya lahat perfect na ata may lahi ba itong koreano artista ba ito? Grabe naman ang kagwapuhan nito ang lakas ng karisma niya. Napalunok nalang ako ng laway ng wala sa oras habang nakatitig lang sa mukha nito, na ngunot pa saglit ang noo ko ng bigla ako napaisip na parang nakita ko na ito, pero hindi kulang matandaan kung saan ko siya nakita, siguro sa tv, kasi sikat ito panigurado.
Agad ako napabalik sa diwa ko ng muli itong mag salita,
" Ganyan kaba palagi?" Napakurap kurap lang ako ng mata ko habang nakatunganga sa kanya.
" H..huh!?" Ayun nalang ang lumabas sa bibig ko at nauutal pa ako.
" I mean. Always stunned!" Sabi nito ulit,
Patay anak ng kabayo naman oh, nako ang lalim naman ng pag english paka nitong gwapong lalaki nato, hindi ko maintindihan yung stunned eh, ano bayun?
Nginitian ko nalang siya dahil wala akong maisip na isasagot dito nahihiya rin raman akong tamungin dito.
" I see!" mahina nitong sabi, na ngunot naman ang noo ko anu yung nakita niya, kaya agad ako napatingin sa suot ko baka nabobosohan na ako nito, kasi sabi niya I see, di ba sa tagalog ng I see, nakita ko?.
"a..ano po yung nakita nyo Sir?" Utal ko pang tanong ewan ko ba bakit gusto ko malaman yung nakita niya, Bumuntong hininga lang ito t'saka perteng sumandal sa sandalan ng kanyang upuan, at muling kinatitigan ako ulit, yung titig na parang mawawala ka sa katinuan mo saglit. Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya mabilis ako ng iwas ng tingin sa kanya.
Nako Sir hwag kang makatitig ng ganyan. nako sinasabi kona, pag ito umandar itong kalibugan ko, ako na mismo ang mangrarape sayo dito sa loob ng office mo. Mapakla akong ngumisi at sinuguro ko naman na hindi nito napansin ang ginagawa kong pag ngisi konte,
" Never mind" Tipid nitong sagot ulit sa tanong, bakit ang liit ng mga salita nito, pero hindi siya masungit,
" Let's prosceed sa totoong topic, bakit kita pinapunta dito Ms Fuetes, Do you know how much everything you broke!" Deretsahang nitong sabi na this time ang sungit na ng mukha niya at matalim akong tinitigan , nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa sinabi niya,
" hi..hin..hindi po Sir" Nauutal ko pang sagot dito, napansin kong napapikit ito ng mata sabay kagat ng labi sa ibaba, inferness ang gwapo niya sa ginagawa niya sarap kagatin ng labi niya ayiihh. Parang nagpipigil ata ito ng inis, kasi naman bakit hindi ko mapigilan ang hindi mautal?!
" Okay, everything you broke is only worth 80 thousand!" Seryoso nitong sabi na ikinasamid ko talaga at nanlalaki ang dalawa kong mga mata,
"Ha??!" Hindi na ako nautal pa, dahil sa pagkagulat ko ng malaman kong ganun kalaking halaga pala lahat ng nabasag ko. Pansin ko naman ang pagkagulat nito ng sumigaw ako, at napailing nalang ito.