Maagang bumangun si Jovelyn para mag ayos ng sarili, dahil ngayon ang araw ng pag punta niya sa Emerald building para kausapin si Jian tungkol sa hindi nito pag sipot sa nasabeng kasunduan nilang dalawa. "Manong malayo paba ang Emerald building?" Aligaga nitong tanong sa driver ng taxi, minabuti nalang niya mag taxi pagkababa niya ng jeep, para mabilisan siya makarating sa Company. " Malapit na po ma'am" Sagot naman ng driver. Bahagya pa siya nag ayos ng suot at buhok at inihanda ang sarili sa muli niya pagharap kay Jian. Nakahinga naman siya ng maluwag ng matanaw na nga niya na malapit na siya sa building. Lakad takbo ang ginawa niya papasok ng building dahil hinahabol niya ang oras na maabutan niya ito. Agad siya dumeretso sa counter kung saan nakatayo ang staff ng building.