Chapter 25

1754 Words
KENNETH'S POV Sobrang gaan sa pakiramdam na ngayon ay nasa akin na ulit si Allison at sa ilang beses na may nangyari sa amin ay hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa. Hindi ko na rin siya hahayaang mapunta ulit kay CJ. Mahal ako ni Allison at ayon ang alas ko laban kay CJ. Hinayaan ko lang na paikutin kami ng lalakeng iyon pero ngayon ay magbabayad siya sa ginawa niya sa amin ni Allison. Suntok nalang siguro sa buwan na magbago si CJ dahil ang demonyo ay demonyo pa rin hanggang sa huli. Siya man ang unang nakaangkin kay Allison ay wala na akong pakialam pa dun ang mahalaga lang naman ay nasa akin na si Allison at ako ang mahal niya. Nagpresinta akong ihatid si Allison pauwi ng bahay nila. Tumutol siyang gawin ko iyon pero hindi ako nagpatinag. Wala na akong pakialam pa kung makita man ako ng kuya niyang botong-boto kay CJ o ang Mama niya. Kailangan kong magpakilala ng pormal sa kanila at hindi ako dapat matakot dahil kaya kong ipaglaban ang pagmamahal ko para kay Allison. "Kenneth, kinakabahan talaga ako." Kinakabahang sabi ni Allison nang nasa tapat na kami ng bahay nila. Hinawakan ko naman ang isang kamay niya at nginitian siya. "Huwag kang mag-alala, haharapin ko na ang kuya at mama mo. Dahil may nangyari na sa atin ay papanagutan kita. Hindi rin ako makakapayag na makalapit pa ulit sa'yo si CJ." Sabi ko. Wala naman siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga at tumango nalang. Inalalayan ko nang makalabas mula sa kotse ko si Allison at nang makalabas na kami ay kaagad naming nakita si CJ na nasa tapat ng gate na sobrang sama ng tingin sa akin at ang lalaking kahawig ni Allison na sa tingin ko ay ang kuya niyang si Robin na masama rin ang tingin sa akin. Kaagad silang lumapit sa amin. "Anong ginagawa mo dito? Bakit kasama mo 'yung girlfriend ko?" Galit na galit na tanong ni CJ at akmang hihilahin na sana niya si Allison nang bigla namang umiwas si Allison. "CJ, I'm breaking up with you. I'm sorry." Sabi ni Allison at bigla itong napayuko. Natigilan naman si CJ sa sinabi niya at umiling na parang hindi makapaniwala. "Is this some kind of joke? You're breaking up with me? At kasama mo pa talaga ang lalakeng 'yan?" Halos pasigaw na sabi ni CJ na ikinatakot naman ni Allison. "Ano bang ginagawa mo, Allison? Hindi ka na ba nahihiya sa ginagawa mo? Nasa harapan ka ng boyfriend mo tapos nagsama ka pa ng isang basura at walang silbi? Nakakahiya ka." Sabi naman ni Robin. Naikwento sa akin ni Allison na magbestfriend talaga noong mga bata palang sila ang Kuya Robin niya at si CJ at botong-boto nga ito para maging boyfriend ni Allison si CJ ganon rin daw ang kanyang ina. She said that her older brother and mother are always controlling her life at hindi niya magawa ang gusto niya dahil sa palagi siyang pinagtutulakan ng mga ito kay CJ. I thought that my parents are the worst but I'm wrong, mas malala pa pala ang kapatid at ina ni Allison. How can they treat Allison like this? Hinarap ko naman ang kuya ni Allison na si Robin. He really looks Allison a lot at halatang magkapatid talaga sila. "Is that how you treat your sister? Anong klaseng kuya ka? Bakit ba pinagpipilitan mo si Allison diyan kay CJ? Allison doesn't love him at hindi ibig sabihin na magbestfriend kayo ni CJ ay pati si Allison ay kailangan mong isakripisyo para dyan sa brotherhood's code niyo." Mariin kong sabi. Nagulat naman ito sa sinabi ko at tinitigan ako ng masama pagkatapos. "At sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan? Allison is my sister at wala kang pakialam para panghimasukan kami!" Sigaw niya sa akin at dinuro ako. Hinawakan naman ni Allison nang mahigpit ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Sinabi niyang tumigil na ako sa pagsagot sa kuya niya pero hindi ako nagpatinag. Hindi kailangan ni Allison pag-aksayahan ng panahon ang mga taong katulad nalang ng kuya niya at si CJ. They are controlling her life and she doesn't deserve this kind of treatment. Kung hindi man madepensahan ni Allison ang sarili niya laban sa kanila pwes ako ang gagawa nun para sa kanya. "Oo nga naman. Sino ka nga ba sa akala mo, Kenneth? Isa ka namang baduy at nerdy noon pero pinilit mo lang baguhin 'yang image mo para mapantayan mo ako. Kahit anong gawin mo ay isa ka pa rin namang talunan sa paningin namin kaya anong pinagmamalaki mo?" Mayabang namang sagot ni CJ na nasa tabi lang ng kuya ni Allison. Tumawa naman ako. "Sa ating dalawa ay ikaw naman talaga ang talunan, CJ. Nalaman ko na kaya naging kayo ni Allison ay dahil sa nagtangka ka raw magpakamatay nung naging kami na? Hindi mo matanggap ang relasyon namin at nagkunwari ka pang natanggap mo 'yon noon. Sinong niloko mo? That's your plan, right? 'Yung magkunwaring nagsuicide at baka nga kasabwat mo pa 'tong kapatid ni Allison." Nakangising sabi ko dahilan para mapahinto sina CJ at Robin habang si Allison naman ay nagulat dahil sa sinabi ko. "I-Is that true?" Gulat na tanong ni Allison kina CJ at sa kapatid niya at bigla nalang itong napaluha. Hindi naman makatingin ng diretso si CJ sa kanya at umiwas nalang ito ng tingin habang ang kuya naman niyang si Robin ay nanatiling tahimik at hindi makasagot. "Bakit hindi kayo makasagot? Totoo ba 'yon? Nagpanggap ka bang nagsuicide, CJ para lang kaawaan kita at maging girlfriend mo ako? at ikaw Kuya Robin, may alam ka ba rito?" Halos pasigaw nang sabi ni Allison sa kanila. Hinawakan ko naman ang balikat niya at pilit siyang pinapakalma. Tumingin naman si CJ nang seryoso kay Allison at tumango ito. "Yes. I did that dahil hindi ko matatanggap na kay Kenneth ka lang mapupunta. Nagplano kami ni Robin na palabasing nagsuicide ako para kaawaan mo ako at ako ang magiging boyfriend mo. I did all of those stupid things because I love you, Allison! Hinding-hindi kita kayang ibigay sa ibang lalake dahil sa akin ka lang!" Desperado nang sabi ni CJ at akmang hahawakan na si Allison nang bigla akong humarang sa harapan niya. "The game is over, CJ. Hinding-hindi niyo na mapapaikot pa sa mga kasinungalingan niyo si Allison at ngayong nandito na ulit ako sa tabi niya ay hindi ko hahayaan na kontrolin niyo pa ulit ang buhay niya." Sabi ko. "What did you just say?" Bigla namang sumama ang tingin ni CJ sa akin at akmang susuntukin na niya ako nang napigilan ko ang kamao niya. "Lumaki ka talagang basagulero, ano? Para kang kapatid ko pero mas malala na ang tama diyan sa utak mo same as Allison's brother. Kung hindi niyo kayang intindihin at unawain ang sitwasyon at gusto ni Allison ay mas mabuti pang umalis na siya dito." Sabi ko. "At sino ka sa akala mo-" Hindi na natapos pang magsalita si Robin nang bigla nalang nagsalita si Allison. "Kuya Robin, alam niyo kung gaano ko kayo kamahal ni Mama kaya kahit labag sa loob ko ang mga gusto niyo para sa akin ay sinusunod ko 'yon dahil mahal na mahal ko kayo at ayokong madisappoint kayo sa akin pero this time, sobrang nasaktan niyo na ako pati ang damdamin ko. Nakipagsabwatan ka pa kay CJ para lang paikutin ulit ako. Did you really treat me as your little sister just for once? Do you also love me as your sister? Pero bakit ganito, kuya? Kung kapatid mo talaga ako ay bakit mo ako ipinagtutulakan at pinipilit sa isang bagay na ayoko naman talaga?" Tanong ni Allison habang napapaluha ito. Napahinto naman si Robin sa mga sinabi niya at napalunok ito. Tumango-tango nalang si Allison at ngumiti ito ng malungkot. "I get it. Kapatid mo nga ako pero kahit kailan ay hindi mo ako itinuring na ganon. Tama nga sila, I need to leave from this house. Hindi habangbuhay ay kaya niyo nalang akong kontrolin nila CJ at Mama." "At saan ka naman pupunta? Doon sa tatay nating may iba nang pamilya? Makikisiksik ka pa doon kasama ang asawa at anak niya?" Sarkastiko namang tanong ni Robin. "She will stay in my pad." Sabi ko dahilan para mapatingin sila sa akin. "Are you crazy? Anong karapatan mong ibahay si Allison?" Gigil na gigil namang tanong ni CJ. Ngumiti naman ako. "Bakit hindi, CJ? Allison loves me and I love her too at hinding-hindi ko siya hahayaang makalapit pa ulit sa inyo. Simula ngayon, tapos na kayong kontrolin at paikutin ang buhay niya." Sabi ko. Bigla namang tumawa si Robin sa sinabi ko at bumaling ito kay Allison. "Ano Allison, sasama ka talaga sa lalakeng 'yan at iiwan mo na kami ni Mama?" Tumango naman si Allison. "Yes. I need to do this for myself. Hindi ko kayo gustong iwanan ni Mama pero hindi ko na kaya pa ang mga ginagawa niyo sa akin." Malungkot namang banggit ni Allison. Ngumisi nalang si Robin at napailing. "Is that what you want? Fine! Pero 'wag mo nang i-expect na ituturing pa rin kita bilang kapatid ko dahil diyan sa pagsama mo sa lalakeng 'yan. Kunin mo na lahat ng gamit mo sa loob ng bahay at gusto kong wala akong ibang makikitang maiiwang gamit mo diyan. Lets go, CJ. Pumasok na tayo sa loob. Ayoko nang makita pa ang mga pagmumukha nila dito." Sabi niya at kaagad na itong pumasok sa loob ng bahay nila. Sumunod naman si CJ sa kanya na sobrang sama pa rin ng tingin sa akin. Nang kaming dalawa nalang ni Allison ang naiwan ay bigla nalang siyang humagulgol ng iyak dahilan para yakapin ko siya at aluin. "Don't worry, Allison. Nandito lang ako sa tabi mo at hinding-hindi kita pababayaan." Sabi ko at hinagod-hagod ang likuran niya. Tumango naman siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita pa. I want to get Allison in her situation like this. Hindi ako papayag na basta-basta nalang siyang manipulahin ni CJ, ng mama o ng kuya niya. She had her own life at ngayong kasama na niya ako at nasa tabi ko na siya ay hindi ko siya pababayaan at iiwanan. I really love her so much to the point na naobsess na rin ako sa kanya dahil sa sobrang tindi ng pagmamahal ko sa kanya. Yes, I'm obsessed for love and taking care of Allison and I will do everything for her even if it takes my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD