Trinity's POV
Kevin texted me na 3pm kami magkikita sa may 7/11 store malapit dito. It's 12pm pa naman kaya may oras pa akong manood ng tv. Nagpunta ako sa may sala at naabutan ko doon sila David, Sam at Kyle na nanonood ng tv. Nang makita nila ako ay nginitian nila ako at nginitian ko rin sila. Lumapit naman ako at tumabi sa kanila. Tumingin ako sa tv at X-men pala ang pinapanood nila.
Nafocuse ako sa panonood ng X-men dahil sobrang ganda pala ng movie na 'to. The effects and sounds are amazing.
"Sobrang ganda pala ng X-men no?" Tanong ko sa kanila habang nakafocus pa din ako sa pinapanood ko.
"Oo. Sobrang ganda.."
"Ang ganda-ganda.."
"Super ganda.."
Nang lumingon ako sa kanila ay hindi naman sila nakatingin sa tv kundi sa.. akin.
"May dumi ba ako sa mukha?" Napailing naman sila at biglang nagfocuse na sa pinapanood namin. Weird, e?
Binalewala ko na lang 'yon at nagpatuloy nalang sa panonood. Sa susunod nga ay bibili ako ng cd na'to. Ang ganda pala nito.
"Trinity, Saan ka pala nag-aaral?" Tanong sa akin ni Kyle.
Napaharap naman ako sa kanya. "Sa YG Academy. Bakit?"
"Kilala mo si Gavin Daryl Buenavista di'ba?"
Si Gavin Daryl Buenavista, ang walanghiyang anak ni Mayor Buenavista na muntik na akong gawan ng masama last year. Ang jerk na 'yon!
"Sinong hindi makakakilala sa jerk na 'yon e, siya lang naman ang nag-iisang anak ng mayor natin sa lugar na 'to." Nangigigil talaga ako kapag naaalala ko ang ginawa sa akin ni GD pati ng mga kaibigan niya. Kung hindi lang talaga sila nakita ng mga guards noon na pinipilit nila akong ipasok sa isang bodega ng school para gahasain ay malamang na nagawan na niya ako ng masama.
Napatawa ng mahina si Kyle. "Mga katulad mo ang type ni GD kaya mag-iingat ka sa kanya. He has a motto that what he wants is what he gets."
That's true.
"Kilala mo ba personally si GD?"
"He's my cousin." Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Really?" He nodded.
"Pero bakit magkaiba kayo ng ugali? You're nice and he's a jerk." Totoo naman e! Magkaibang-magkaiba sina Harris at GD. Opposite ng kabaitan ni Kyle ang kabaitan ni GD. Si GD na walang ibang ginawa kundi kulitin at pagtripan ang buhay ko para lang mapapayag niya akong maging girlfriend niya.
"Ay, outcasted yata tayo dito pareng Sam, sila lang ang nag-uusap at mukhang nakakaistorbo pa tayo." Parinig ni David na obviously ay kami ang panaparinggan ni Kyle.
"Oo talaga! Nakakahiya naman sa atin pareng David." Parinig din ni Sam.
Kyle ignored them at ako naman ay natawa nalang sa kanila. "Pinsan ko lang naman si GD at hindi ko siya kapatid kaya magkaibang-magkaiba kami."
"May point ka, Kyle." He smiled. Ang gwapo talaga niya.
These guys are kind and well? Handsome.
**
2:45pm na and I'm heading to 7/11 para makipagkita kay Kevin. Nakabihis na ako't lahat-lahat nang bumaba na ako sa aking kwarto. Nakasalubong ko naman si Mason na palabas na din at bihis na bihis.
"Oh Trinity, saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin habang sabay kaming naglalakad papalabas ng bahay.
"Meeting a friend, Ikaw ba?"
"Bibili lang ako ng regalo para sa kinakapatid ko. Birthday niya kasi bukas."
Ang sweet naman niyang guy.
"Ang sweet mo naman." Napangiti siya sa sinabi ko.
"Magcocommute ka lang ba?" Tumango ako dahil hindi ko magawang makapagsalita dahil namesmerized na ako sa ngiti niya.
"Sumabay ka na sa akin. I have a car."
"Naku 'wag na, kaya-"
"Delikado para sayo ang magcommute." Wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako papunta sa kotse niya. He has a nice car at sige, siya na ang may magandang kotse!
"Saan ba kita ibababa?" Tanong niya ng nasa loob na kami ng magara niyang kotse.
"Sa may 7/11 lang." Sagot ko naman habang naglalagay ng seatbelt.
Pinaandar na niya ang kotse. Tahimik lang siyang nagdadrive habang ako naman ay nakatitig sa kanya. Ang gwapo din pala niya lalo na kapag malapitan. Si Mason yung tipo ng lalake na pang ideal type ng isang babae. He's gentleman and nice.
"I wanna make you smile.. whenever you say.. carrying you around when your arthritis is bad.. all I wanna do.. Is grow old with you.." He sang that lyrics then he faced me.
His voice is beautiful.
"Nandito na pala tayo." Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng 7/11. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at nagpasalamat sa kanya.
"Mason, thank you sa paghatid mo sa akin." Hindi niya ako sinagot instead ay tumitig lang siya sa akin na ikinailang ko.
"How can you turned to be a beautiful human being?"
"Ha?" Ano daw?
"Nothing. Mag-iingat ka," He smiled and I nodded absent-mindedly at lumabas na sa loob ng kotse niya.
Pumasok na ako sa 7/11 at nakita ko kaagad si Kevin na nakaupo sa isang table malapit sa glass wall.
"Kevin." Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
Oh Lord! Bakit parang mas lalo siyang gumagwapo? Pati tuloy 'tong mga babae sa loob ng store ay napapalingon sa kanya.
"I'm glad that you came. Let's go somewhere." Tumayo siya at hinila ako na papalabas.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang nasa tapat na kami ng kotse niya. May kotse din siya katulad ni Mason. Mga mayayaman nga naman.
"Sa bahay namin. Nagprepare ako ng dinner para sa atin, I just want to talk you freely.. you know? Getting to know each other." He smiled again that made me feel kilig and ano daw? He prepared dinner para sa aming dalawa? How sweet he is.
"Ganon ba? I'm in." Pinapasok na niya ako sa loob ng kotse niya at siya rin. Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko nang lumapit siya sa akin at siya na ang nagkabit.
"Ayoko na nahihirapan ka at ayoko na pahihirapan ka, kung maghihirap ka man ay gusto ko na sa pagmamahal ko 'yun." Bigla akong nagtaka sa sinabi niya at napatitig sa mukha niyang sobrang lapit sa akin habang siya ay busy pa rin sa pagkabit ng seatbelt ko.
"Anong sinasabi mo, Kevin?"
Nang matapos na siya sa pagkabit ng seatbelt ko ay napatawa siya ng mahina. "Line lang 'yon sa napanood kong drama." Napahinga naman ako dun ng maluwag.
"Akala ko kung ano na pero grabe naman ang line na yun, parang ang selfish pakinggan." At napatawa na rin ako.
Nginitian niya lang ako sa sinabi ko at nag-umpisa na siyang magdrive. Hindi ko maintindihan pero I feel something strange about him. Pakiramdam ko ay hindi ako safe sa kanya. Teka? Ano nga pala tong mga pinagsasabi ko? Ang bait-bait na nga sa akin ni Kevin tapos pinag-iisipan ko pa ng masama? Ang sama ko namang tao. Paranoid pa!
After 30 minutes ay narating na rin namin ang Mansiyon nila? Hindi ito bahay dahil sa sobrang laki nito. Napakayaman naman pala ni Kevin. Isa siyang rich kid kung tutuusin.
"Are you living here with your family?" Tanong ko nang makalabas na kami sa loob ng kotse niya.
"I'm living alone. I have no family." Napahinto ako sa sinabi niya.
He's alone in this mansion? Bigla ay nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"S-sorry, I didn't know that." Tinignan niya ako and he's still smiling.
"I already accepted my faith and God have a purpose." Tignan mo nga naman Trinity, he had a fear to God tapos kanina ay pinag-iisipan mo pa siya ng masama? Bad me.
Nagpunta kami sa veranda nila. Nakaready na nga ang dinner namin dahil may table, chairs, foods, drinks at candlelights pa. Para tuloy kaming nagdidinner date nito.
"Take a sit." Pinaupo ako ni Kevin sa katapat na upuan niya.
"Talagang pinaghandaan mo to?" Tanong ko.
He grinned "Para naman sweet ang ambiance natin."
Nginitian ko nalang siya dahil I feel awkward. Crush ko ang kaharap ko e.
"Kumain na tayo." Nag-umpisa na rin kaming kumain and after a minutes ay nag-uusap na kami.
"Talaga palang ang yaman mo, no? Ang dami mong business at your young age. Pautang naman!" Biro ko sa kanya at napatawa na rin ako.
"Baka naman mamulubi ako niyan Trinity, maawa ka naman.." Pagbibiro niya na mas lalo ko namang ikinatawa.
"Grabe ka sa akin, Kevin ah?" And we laughed. Napatigil siya sa pagtawa kaya napatigil rin ako.
"Bakit?" Then he looked at me seriously.
"Do you have a first love?" Para naman akong napako sa tanong niya.
I have a first love but he broke his promise to came back for me. He is the man that I still love until now even if the distance is our wall.
I tried manage to speak kahit parang maiiyak na ako sa tanong niya. These emotions doesn't fade whenever I remembered him. I miss him so badly.
"Y-yes." I manage to smile dahil anytime ay babagsak na ang mga luha ko.
"Where is he?" Tanong uli niya.
My emotions burst out at napaiyak na ako sa harapan ni Kevin. I can't hide my belongings to Jojo anymore. This is too much.
"H-he left me.. s-sabi niya babalikan niya ako p-pero.. ilang dekada na ang nakakalipas ay h-hindi niya pa rin ako binabalikan." Bigla ay nilapitan ako ni Kevin at niyakap.
"S-shh.. Don't cry.." At humagulgol na ako ng tuluyan.
Ilang taon ko nang hinihintay si Jojo, he knows that I just want to be with him kahit sa paglaki ko. I'll stick to his promises dahil mahal ko siya. Tinurndown ko na ang lahat ng mga manliligaw ko even Jerome na bestfriend ko pa para lang sa kanya pero tama pa ba itong paghihintay ko sa taong ni minsan ay hindi man lang ako nagawang kamustahin kung buhay pa ba ako? Sobrang sakit na kasi.
Kevin whisper something in my ear while he's still hugging me. "Just hate him, he's hurting you for almost decade. He doesn't deserve a girl like you. He's asshole and stupid for breaking a promises that he didn't mean to or maybe he don't love you. Forget him and hate him, Trinity."
Parang unti-unting pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Kevin lalo na sa sinabi niyang baka hindi ako mahal ni Jojo na mas lalo pa iyon nagpasakit sa puso ko.
Kevin kiss my hair and stroke it, "Hate him even more. You're suffering too much pain. Don't love him because he's just playing your feelings.."
Masakit man magsalita si Kevin pero totoo naman lahat ng mga sinabi niya, para akong tanga na naghihintay sa wala.
Huminto ako sa pag-iyak nang mahimasmasan na ako. "Tama ka, dapat magalit ako sa ginawa niya sa akin. I hate him from now on." Hinarap ako ni Kevin sa kanya and he kiss my temple.
"You do the right decision." Kinuha niya ang panyo niya sa bulsa at saka pinunasan ang mga luha ko.
"I don't want to see you crying again for that dumb man. I'm always here, hindi niya alam ang pakiramdam ng taong iniwanan."
Napatitig ako sa mukha niya, nakikita ko na seryoso siya sa mga sinasabi niya sa akin.
Tama ba talaga na kamuhian ko na si Jojo?
"Kailangan ko ba talaga siyang kamuhian?" He smile and then he held my hand.
He nod "Hate and forget is the way for you to be happy."
**
6pm na at kailangan ko nang umuwi. Tatanggihan ko sana ang pag-iinsists ni Kevin na ihatid ako pauwi pero talagang mapilit siya at sa huli ay nasunod rin ang gusto niya. Ayoko lang namang magpahatid dahil masyado ko na siyang naaabala but I found him na concern siya sa akin and i'm lucky to have a new friend like him.
Narating na namin ang bagong tinitirhan ko at lumabas na rin ako ng kotse niya.
"Salamat sa paghatid sa akin, Kevin." Sandali ay lumabas din ito sa loob ng kotse niya at nilapitan ako.
"Kevin!" Napaharap naman kami sa sumigaw ng pangalan niya. Si Arthur pala. Nilapitan niya kami at inakbayan si Kevin.
Nagtaka naman ako. "Magkakilala ba kayo?"
"Oo, siya 'yong isa mo pang makakasama mo dito sa bahay. Ah? Teka nga lang.. bakit magkasama kayo? Magkakilala na ba kayo?"
Mas lalo akong naguluhan kaya napatitig ako kay Kevin nang may pagtataka but he just smirk.
"I'm living here also,"
Yung Kevin? Siya nga pala talaga 'yon?
"Pero bakit.. hindi mo sinabi sa akin kanina na dito ka pala nakatira? E, di ba nakatira ka sa mansiyon niyo?" Lumawak lalo ang mga ngiti niya sa mga sinabi ko. Why he is always smiling?
"I just want to surprise you and see your reaction at doon naman sa bahay ko ay hindi ako dun nakatira, bumibisita lang ako doon paminsan-minsan."
At ako ay still shocked pa rin sa nalaman ko. Bigla ay hinatak ako nila Arthur at Kevin papasok ng bahay pero ang pag-iisip ko ay lutang na lutang pa rin.
Ibig sabihin ba ay Im living in this house with Kevin? Si Kevin na first crush ko?
I think I will get a heart attack.