“T-teka ma, ano ‘to? Bakit mo binibigay ‘to sa akin?” Gulat na tanong ni Sandy sa ina. Isinuot nito ang isang gold necklace sa kanya.
“Anak, sayo yan, remember? Ibinigay iyan nang lolo Lucio mo noong five years old ka pa lang, pero I decided na itago dahil bata ka pa noon, baka mawala mo lang.” Sabi ni Loreta sa anak. Inayos nito at lagpas balikat na buhok nang anak at ihinarap sa salamin.
Hinawakan nya ang kwintas. Hindi nya alam pero pakiramdam nya ay mayroong hindi magandang mangyayari nang hawakan nya ito. Napalunok sya. “Ah, eh ma, bakit bininigay mo na ito sa akin ngayon?”
“Ano ka ba. Syempre sayo yan. Ang tagal ko nga lang na naitago iyan, nawala na sa isip ko habang lumalaki ka.” Nakangiting sabi ni Loreta.
Nagkibit balikat na lamang si Sandy.
“Huwag mong iwawala yan, yan na lang ang ala-ala na naiwan ni Itay bago sya mamatay.” Paalala ni Loreta bago iwan ang anak sa kwarto.
Hinubad ni Sandy ang kwintas at pinagmasdan na maayos. Simple lang ang disenyo nito, may diamond sa gitna nang pendant. What’s so special with this necklace aside from the fact na galling ito sa paboritong lolo nya? Itinaas nya ito, sinipat. Pinaikot at pinisil-pisil. Pakiramdam nya talaga ay may hindi magandang mangyayari.
Muli nya itong isinuot. Lalo nya tuloy na miss ang lolo nya. Fourteen years old sya nang mamatay ito dahil sa isang car accident, at naaalala nya na nangako ito na dadalhan sya nito nang pasalubong. Ngunit sa hospital nya na ito muling nakita.
Palagi sila nitong naglalaro nang kung anu-ano. Bagamat may katandaan na ang lolo nya ay nagiging malakas ang lolo nya pagdating sa pakikipaglaro sa kanya. How she wished na hindi ito maagang kinuha sa kanila.
--------------------------------------
Judy is definitely sexy and charming. Iyon ang unang pumapasok sa isip ni Sandy tuwing pinagmamasdan nya ang kaibigan. Bukod pa sa may sinabi din ito sa klase ay mayaman si Judy. Anak ito nang isang mayor sa isang probinsya at nag-iisang anak ito.
Pakiramdam nya ay nagmumukha syang katulong nito kapag magkasama sila nito. Hindi sya kasing charming at kasing sexy nito. Bagamat matangkad din sya ay simple lang ang ayos at itsura nya.
Lagpas balikat ang buhok nya na palaging naka lugay. Iniiwasan nya kasi na mag tali dahil nagpa fly-away ito sa gilid. Hindi sya ganoon kaputi ngunit hindi rin naman sya maitim, ngunit kung tatabi sya kay Judy ay parang napaka itim nang tingin nya sa sarili nya.
Pero alam nyang hindi sya naiinsecure dito, she admire her. Napaka down to earth nito at humble, hindi katulad nang iba nilang kaklase na kala mo sobrang ganda at yaman. She always dazzled. Kapag biyernes ay maari silang magsuot nang civilian at talaga namang pansinin kung mag damit si Judy.
Samantalang sya, ang favorite attire nya ay ang skinny jeans at simpleng blouse o printed shirt na tiniternuhan nya nang kanyang paboritong chucks. Kumportable sya sa ganoong ayos, at hindi din sya maarte sa katawan. Wala syang pakialam kung ang tingin nang iba nyang mga kaklase ay wala syang taste o baduy sya.
She seldom care kung ano ang sasabihin nang iba, basta masaya sya at wala syang natatapakan na tao o nagagawang masama. Masayahin sya at may kalakasan sya tumawa. Naiinis sya sa mga kaklase nya na kimi tumawa, halatang pinipilit magpaka elegante. She hate pretending, na sya namang nakikita nyang ginagawa nang karamihan sa mga kaklase nya.
“Sandy, I want you to invite on my debupt party next week. Here’s the the invitation, sana pumunta ka.”Nakangiting inabot ni Judy ang isang envelope kay Sandy.
Kinuha iyon nang dalaga. “S-sigurado ka?”
Tumawa si Judy. “Oo naman. Ikaw talaga. Nasa invitation na ang lahat nang details, please come.”
Nginitian nya na lang ito. Binuksan nya ang envelope. Sa isang five star hotel gaganapin ang party, formal attire, at hanggang alas tres nang madaling araw ang party.
Napangiwi sya. Alam nya na kailangan nyang magsuot nang gown, ang she hates wearing one. Hindi sya umattend nang JS prom nila noong highschool dahil hindi sya komportable na magsuot nang gown at sapatos na de takong.
Hanggang pag-uwi ay problemado ang dalaga. Agad nyang sinabi sa mama nya ang pagimbita sa kanya nang kaklase nya pag-uwi nya.
“That’s nice, anak. This time, inoobliga kitang umattend sa debut party na iyan.” Sabi ni Loreta. Pinilit nya itong sumali sa JS prom noong highschool pa ito ngunit tigas nang iling nito.
Umiling si Sandy. “Mama naman. Alam mo namang-“
“Oo, alam ko.” Sansala ni Loreta sa anak. “At hindi magandang idea yan. Ikaw lang yata ang babaeng kilala ko na ayaw magsuot nang gown! Hindi normal iyan, anak.” Sabi pa nito.
Nag make face ang dalaga. “Hay nako. Don’t tell me, iniisip mo na tomboy ako? Ugh!” Umikot ang dalawang eyeballs ni Sandy.
Umiling si Loreta. “Wala akong sinasabing ganyan. I just find it a bit abnormal.” Nagkibit balikat na lamang ito.
-------------------------------------------
“They found her. My God.” Napatampal sa noo nya si Don Renato nang maibaba na nito ang telepono.
Agad na lumapit si Donya Lyn sa asawa. “Really sweetheart?” Halatang masaya ito.
Tumango si Don Renato. “Yes, somewhere in Pasay. Maghanda ka na sweetheart, were going there now. Ibinigay na sa akin ni Harvey ang address.” Tukoy nito sa may-ari nang detective agency kung saan sila umupa nang mga detectives upang mahanap ang apo ni Lucio Ronquillo.
Hapon na nang marating nila ang lugar kung saan nakatira ang anak at apo ni Lucio Ronquillo.
Pinagbuksan nang pintuan nang kotse ang mag-asawa. May kasikipan ang lugar kaya hindi sa mismong tapat nang bahay sila bumaba. Naglakad sila nang kaunti.
Lahat nang tao roon ay nagtinginan sa kanila. They knew they look so elegant, at marahil ay nagtataka ang mga ito kung bakit sila napadpad doon.
“Loving the attention, sweetheart?” tudyo ni Renato sa asawa.
“Oh shut up, sweetheart. Just walk.” Halatang iritado na sabi ni Lyn. Hindi ito sanay sa mainit na lugar, kaya madali itong mairita.
Nang marating na nila ang bahay nang mga ito ay kumatok ang kasama nilang driver. Agad na bumukas ang pinto. Matapos nilang magpakilala ay agad silang pinapasok ni Loreta.
“Ano ho bang maipaglilingkod ko sa inyo Mr. and Mrs. Santillan?” Magalang na tanong ni Loreta matapos paupuin ang mga ito. Tumanggi ang mga ito nang inalok nya nang merienda. Day-off nya noon at isinama ni Lorena ang mga anak nya sa bahay nito kaya sya lang ang naroon.
“Hindi na kami magpapaligoy pa, Mrs.Roxas. Alam mo naman siguro na matalik na magkaibigan ang papa mo at ang papa ko noong nabubuhay pa sila, at hindi rin lingid sayo na ang papa mo ang nagligtas sa papa ko.” Simula ni Don Renato.
Mataman naman na nakikinig si Lorena, bagamat bahagyang kinakabahan. Ngayon nya pa lamang nakita o nakausap nang personal ang kahit na sino sa mga Santillan.
“Well, ganito kasi iyon. Bago mamatay si papa, nag-iwan sya nang isang last will and testament. Ipinapahanap nya kayo nang anak mo sa amin.. and then..” Liningon ni Don Renato ang asawa, as if saying na ito na ang magtuloy nang pagpapaliwanag sa babae.
Ngumiti si Lyn. “Ah, o-oo. And then, may kondisyon kasi ang papa na ano, parang kailangan magpakasal ang panganay na apo nang papa mo at ang anak naming lalaki.” Dahan-dahang sabi nang Donya.
Nangunot ang noo ni Loreta. “A-ano po? Kasal? Si Sandy ko?” Ulit ni Loreta.
“T-teka, ganito kasi iyon. Siguro naman ay kilala mo o naririnig mo na ang Clandestine International Corporation hindi ba? W-well, dahil ang anak namin ang nag-iisang apo ni papa, he is supposed to be the only heir of Clandestine..”
“A-at ano ho ang kinalaman nang anak ko sa mana na yan?” Naguguluhan pa rin na tanong ni Loreta.
“Mapupunta sa kamay nang ganid kong kapatid ang Clandestine kapag hindi naipakasal ang anak mo sa anak namin. I know, we sound selfish pero hindi ko hahayaan na mapunta sa kapatid ko ang kumpanya na pinaghirapan nang papa ko.”
“Roberto is such a sick bastard. He has illegal businesses, may mga ebidensya kami and I’m afraid na sisirain nya lang ang Clandestine. We know it’s too much and too sudden, pero matagal na naming kayong ipinapahanap. Lumipat kayo nang tirahan mula nang mamatay ang papa mo.” Paliwanag si Renato.
Napa-awang ang labi ni Loreta. Hindi nya pa masyado maabsorb ang mga sinabi nang mag-asawa.
“Ah, hindi ho ba at parang napaka bata pa nang mga anak natin upang mag-asawa? I mean, disi-otso pa lang ang panganay ko. I bet, mga ganoong edad lang din ang anak nyo.” Sabi pa ni Loreta. Sa loob nya ay tinatanong nya ang kaluluwa nang papa nya.
Tumango ang mag-asawa. “My son is turning twenty in two months time. At iyon ang pinaka importanteng parte. Papa wants our children to be wed before my son reach twenty years old, or else ay mapupunta ang Clandestine kay Robert. God.” Tila devastated na paliwanag ni Lyn.
Lalong rumehistro ang pagkalito at pagkabigla sa mukha ni Loreta.
“A-ano?!” Pakiramdam nya ay maloloka sya.
Malungkot a muling tumango ang mag-asawa.
“Oh my God. Baby pa ang anak ko..” Bulong ni Loreta.
“Don’t worry, sa oras na pumayag kayo ay hindi kayo magsisisi. We can be a family, at matagal na naming tanggap na ganito ang kapalaran nang anak namin dahil kay papa.” Sabi pa ni Lyn.
Umayos nang upo si Loreta. “P-pero, I doubt kung papayag sa ganoong set-up ang anak ko. Alam kong hindi sya papayag. Ni hindi pa nga sya nagkaka boyfriend.”
Nagkatinginan ang mag-asawa. “T-talaga?”
Tumango sya.
“Can we see her? Kami na lamang ang kakausap sa kanya at magpapaliwanag.” Sabi nang Donya.
“N-naku, wala ho sya ngayon dito. Nasa bahay sya nang kapatid ko. But you can see her. Sya ang pinaka matangkad sa picture na yan.” Itinuro ni Loreta ang isang framed picture na naka display sa wall nila.
Tumango si Lyn. “Good. So ano sa palagay mo? Sa oras na pumayag ang anak mo, you do’t have to stay here. I mean, sa mansion na kayo titira. Don’t get me wrong, hija. Alam kong nakaaangat rin kayo noon.”
Yumuko si Loreta. Tama ang sinabi nito. May kaya sila noon bago ma bankrupt ang bangko na pag-aari nang pamilya Ronquillo.
“H-hindi ko ho maipapangako na papayag ang anak ko. M-maganda ho sana ang offer nyo, at alam ko rin ho na gaganda ang kinabukasan nang anak ko, kahit may asawa na sya kung ang anak nyo ang mapapangasawa nya.” Ngumiti si Loreta.
“Good. Sya nga pala, we need to see the necklace your father gave her when she was young. Ang sabi ni papa ay pareho raw iyon nang kwintas nang anak namin. Ipinasadya daw nila iyon upang ibigay sa mga apo nila, at umaasa na magiging isang pamilya talaga tayo.” Sabi ni Renato.
“N-nako, suot ho ni Sandy ang kwintas.”
“G-ganoon ba? Sa uulitin, maari naman siguro, hindi ba?”
Tumango si Loreta.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang mag-asawa. Tsaka nakahinga nang maluwag ang babae nang maisara nya ang pinto matapos lumabas ng mga ito.
Agad nyang naisip si Sandy. Tiyak na tututol ito. Pero tiyak nya na ang kinabukasan nito kapag nagkataon. Yayaman ito, at alam nyang gaganda ang buhay nang anak nya. Sigurado din naman sya na hindi naman pangit ang anak nang mga ito dahil kapwa may itsura ang mag-asawa, lalo na at Koreana si Donya Lyn.
Sumakit ang ulo ni Loreta kakaisip. Agad syang nagsaing at nagluto nang ulam para sa hapunan. Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya habang nakasalang pa ang niluluto nyang ulam.
Ilang sandali pa at umaapoy na ang halos kalahati nang kusina nila, ngunit tulog na tulog na si Loreta..