Unang araw na magkasabay na papasok si Sandy at Aled. Alas syete pa lamang ay kumatok na sa pinto nila ang driver ni Aled. Nasa late thirties na ang edad nito at seryoso rin ang mukha.
“Magandang araw senyorita. Nasa kotse ho si senyorito at hinihintay na kayo.” Bati nito sa dalaga.
Nailang sya nang tawagin syang senyorita nito. “Ah ano, mister, pwede bang Sandy na lang ang itawag mo sa akin? Hindi ako sanay eh.”
Umiling ito. “Pasensya na po senyorita, pero hindi ko ho kayo mapagbibigyan.” Sabi nito at ngumiti nang bahagya.
Nagkibit balikat na lamang sya. Matapos magpaalam sa mama nya ay kinuha ng driver ang bag nya at inalalayan sya hanggang sa makasakay sya nang kotse. Agad nyang naramdaman ang lamig dulot nang aircon.
Magkatabi sila ni Aled sa likuran. Sa unahan nila ay mayroon pang itim na kotse ka kagaya rin nang sinasakyan nila. Naroon ang apat na bodyguards na kasama araw-araw ni Aled tuwing pumapasok ito at umuuwi.
Napahikab sya. Naipit sila sa traffic at halos kinse minutos nang hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Sinusulyap sulyapan nya ang katabi, at kagaya nang dati ay walang makikitang reaction sa mukha nito. Umingos sya.
“Is there a problem with my face?” Bigla ay tanong ni Aled matapos umingos ni Sandy. Diretso pa rin ang tingin nito. Napaka sarap sanang pakinggan ang boses nito, ngunit imbes ay lalo lamang naiinis si Sandy sa lalaki.
Napa-awang si Sandy nang magsalita ito. “Ah, eh..” Na offguard sya sa tanong nito. “Wala.”
“Then stop staring. Nakakairita.” Matigas na sabi nito.
“Whatever.” Mahinang sagot ni Sandy.
Habang papalapit na sa St.Bernard ay lalong hindi mapakali si Sandy. Ano ang mangyayari kapag nakita nang iba na kasabay syang bababa ni Aled sa kotse? To think na tatlong araw din syang hindi nakapasok dahil nagpatahi pa sya nang uniform at nag-usap pa nga ang mama nya at ang mga magulang ni Aled.
Papasok na sila sa gate nang university at biglang nakaramdam nang pag-punta sa cr si Sandy dahil sa kaba. Kagaya nang inaasahan ay maraming babae pa rin ang nagkakalat sa parking lot, halatang inaabangan ang pagdating ni Aled.
Bumaba sa naunang kotse ang mga body guard at sabay na binuksan ang magkabilang pinto nang kotse na kinalulanan nila Sandy at Aled. Sabay silang bumaba at inabot sa kanila ang kanya-kanya nilang bag.
Nakayukong naglakad palayo si Sandy. Nagbubulungan na ang mga babaeng nag-aabang sa pagbaba ni Aled. Alam nyang sya ang pinag-uusapan nito at kung ano ang relasyon nya sa lalaki. Si Aled naman ay tuloy tuloy lang din na naglakad, ni hindi man lang sya nilingon.
Magkaiba ang building nila kaya magkaiba ang daan nila. Nagulat sya nang bago sya sumakay sa elevator ay may mga babaeng humabol sa kanya. Napapikit sya. Hindi nya alam ang sasabihin sa mga ito.
“Hey miss.” Tawag nang isa.
Nilingon nya ito. “Yes?” Tanong nya.
Pinalibutan sya nang mga ito. Sa tingin nya ay humigit kumulang sa walo ang bilang nang mga ito. Nakauniform ang mga ito kagaya nang uniform nya, maybe higher year.
“Ah, we saw you na bumaba sa kotse ni Aled kanina. If you don’t mind, pwedeng malaman kung bakit kayo magkasama?” Sabi nang isa. She look wicked, literally.
“Hindi ko rin alam.” Sagot nya.
Tumaas ang kilay nang mga ito sa sagot nya.
“If you don’t mind, malelate na ako sa klase.” Agad syang sumakay sa elevator nang bumukas iyon. Naiwang naka nganga ang mga babaeng pumalibot sa kanya.
Nagpasalamat sya nang marating nya na ang classroom nila. Patakbo syang pumunta sa upuan nya at agad na naupo.
“What is going on?” Gulat na tanong ni Renz sa kaibigan. Kalat na halos sa buong university ang pagpasok nila nang sabay ni Aled at pagbaba nya sa kotse nito.
“Hay Renz. Hindi ko alam na magiging ganito ka kumplikado ang lahat.” Tila nalilito na sagot nya.
“Baliw ka na ba girl?” Exaggerated na tanong nito.
Hinampas nya nang kamay nya ang braso nito.
Tumawa si Renz. “Joke lang girl. Ikaw naman kasi. Napakamisteryosa mo. Magugulat na lang ako, jowa mo na si Aled Santillan. My gosh, the hottest guy in the campus. I hate you for that.” Kunyari ay inirapan ni Renz ang kaibigan.
“Hindi ko jowa yun no. Pinagkasundo lang kami nang mga lolo naming mag bestfriend pala noon . Hay nako naman.” Parang maiiyak na bata na sabi nya.
“Wow, bongga. Sya pala yung soon to be husband mo. Pero kung ayaw mo, edi kung ayaw mo, huwag kang pumayag. Hindi ka naman na siguro mumultuhin nang lolo mo.” Ngumunguya nang mani na sabi ni Renz.
Umiling-iling sya. “You don’t understand. Sa kasunduan na iyon nakasalalay ang mana ni Alejandro, at ang future ko.”
Nanlaki ang mga mata ni Renz. “Oo nga pala, no.
“Yes, kaya go with the flow na lang ang drama ko. Ayoko lang nang ganito. Girls are chasing after me asking kung ano relationship ko kay Alejandro. It sucks!”
“Ang hirap nga nyan girl. Instant celebrity ang beauty mo. Bongga!” Pumalakpak pa si Renz.
“Bongga ka dyan. Alam mo naman na may sarili akong mundo eh. Hindi ako sanay sa atensyon at kung anu-ano pa.”
“Yun na nga, it’s your time to shine!” Pagkumbinsi ni Renz dito. “Cheer up, girl. Para kang namatayan samantalang mapapangasawa mo ang pinaka hot na lalaki sa campus. Hay.” Tila nananaghinip na sabi ni Renz.
“Renzo Martin, tumigil ka nga. Nang-iinis ka pa lalo eh.”
“Kailangan sasabihin talag real name ko? Bongga nga.” Tila inis na sabi ni Renz.
“Ikaw naman nanguna dyan eh.”
“Inaasar na kita sa lagay na yon? I’m stating a fact, a reality! So, imbitado ba ako sa kasal mo?” Tanong pa ni Renz.
Sa inis ni Sandy ay kinurot nya ito sa hita at napasigaw naman ito sa hapdi.