SUMALUBONG ang sinag ng araw sa mukha ko nang magmulat ako. Kung isang panaginip ang lahat ng ito ay hindi ko na nais pang magising. Nakapalibot pa rin sa baywang ko ang dalawang bisig ng asawa ko. I smiled. Ganito pala ang feeling ng gigising na may kayakap. Parang hindi ko na makita ang sarili ko na hindi kasama o katabi man lang ang lalaking nagmulat sa akin sa lahat ng bagay na ngayon ko lang naranasan. Marahan akong kumilos subalit lalong humigpit ang yakap niya sa akin na tila ayaw niya akong mahiwalay sa kanya. Mahina siyang umungol ng pagtutol nang sinubukan ko sa pangalawang pagkakataon. “You’re not going anywhere, babe,” bulong niya sa akin. Pinatakan niya ng halik ang buhok ko pagkatapos samyuin. “You can’t go anywhere without me.” Ramdam ko ang pagngiti niya. “You promised