HINDI ko magawang iangat ang mukha ko. Nakatutok lang ang paningin ko sa sahig habang nakaupo sa mahabang sofa sa sala. Alam ko kung paano magalit sina mama at papa. Sa pagkakatanda ko ay nai-lock ko ang pinto ng silid ko subalit walang kahirap-hirap na nakapasok ang mga magulang ko kung saan nasaksihan ang milagrong ginagawa naming ni Vince. “Babe, don’t be afraid,” bulong sa akin ni Vince na tila hindi apektado sa nangyari. “Ano ka ba?” Tinanggal ko ang kamay niyang ipinatong sa hita ko. “Wala ka man lang bang pakialam? Nadatnan tayo nina mama at papa sa ganoong tagpo ‘tapos parang wala lang sa iyo?” Madiin ang bawat salitang sinabi ko bagama’t mahina ang boses ko. Nasa paligid lang ang mga magulang ko, hindi nagsasalita dahil hinihintay na makababa si Lolo Ramon. “It’s normal for the