10 – Right Back At You Biglang bumilis ang tibók ng puso ko pagkadikit na pagkadikit ng palad ni Thadeus sa balat ko. The little volts of electricity travelled to my core, igniting a small ball of fire inside me. Unti-unting nag-init ang pisngi ko kaya agad akong umiwas ng tingin dahil baka namumula na ang aking pisngi. Pilit ko mang pigilan ang reaskyon ng katawan ko ay hindi ko magawa. Kusa itong nag-react na tila ba’y nakikilala ang init na nagmumula sa lalaki. “Don’t look away,” bulong niya. Titig na titig siya sa akin kaya mas lalo akong nailang. His eyes are really dangerous. Pakiramdam ko’y malulunod ako kapag tumitig ako pabalik. “Lorraine,” matigas niyang tawag. “I said, don’t look away,” ulit niya at pilit akong pinaharap sa kanya. Halos mag-isang linya ang kanyang mga kilay sa