30 – Warmth Nakatitig lang ako ngayon sa engrandeng kisame ng bahay ni Thadeus. I still couldn’t believe that I was able to stay in such a gorgeous, modern house. Parang nandito na lahat ng kailangan namin—hinid na namin kailangan pang pumunta ng resort at mamasyal. Maybe because this house was built on top of a hotel. Huminga ako nang malalim bago binalingan ang anak ko na nakayakap kay Thadeus. Eros is clingy in nature—malambing, sweet, at caring. Madali siyang napapalapit sa mga tao, lalo na sa mga kakilala ko. Kaya hindi na ako nagtaka na mabilis niyang nakapalagayan ng loob si Thadeus. Pero isa rin sa naiisip kong dahilan ay dahil baka nakakaramdam ng lukso ng dugo ang anak ko sa ama niya. Hindi ko mapigilan ang pagbigat ng aking dibdib habang pinagmamasdan ang anak kong payapang