33 – Attraction “S-So this is where you eat?” Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Thadeus nang bumaba kami sa gilid ng kalsada kung saan may mga street food vendor. “This is where you buy those kwek-kwek and isaw?” “Yes,” tugon ko sa kanya. “Sure akong hindi ka pa nakakapunta rito.” “Hindi pa talaga, and I don’t think I’ll ever be in this place if it weren’t for you and Eros,” aniya. “Well, gano’n talaga ‘pag mayayaman. But let me tell you this, iba ang sarap ng streetfood,” paninigurado ko sa kanya bago ko binalingan ang anak ko na kanina pa atat na atat na kumain. “Let’s go, Eros?” Nauna na kaming lumapit, kaya wala nang nagawa si Thadeus kundi ang sumunod. Kita ko kung paano niya igala ang tingin sa paligid; kung paano siya umiwas sa mga taong nagkukumpulan sa harap ng tindero. “Mo