27 – Let the Act Begin “Mommy, ang daming pagkain!” manghang sabi sa akin ng aking anak nang lumapit ito at may dala-dalang friend chicken sa magkabilang kamay niya. May sauce rin ng spaghetti sa magkabilang gilid ng bibig niya. “So yummy!” Tanging pagngiti lang ang nagawa ko habang pinagmamasdan ko siyang kainin ang lahat ng pagkaing gusto niyang tikman. Sa kaloob-looban ko ay hindi ko mapigilan ang pagbigat ng pakiramdam ko dahil nalulungkot ako at naaawa sa anak ko. Ginawa ko naman ang lahat para maibigay sa kanya ang mga pangangailangan niya at maiparanas ang mga magagandang bagay na nararanasan ng ibang bata, pero kinakapos talaga ako dati. I worked myself almost 24/7 just to make ends meet. Halos hindi na nga ako kumain para lang may makain siya. Siyempre bilang ina, priority p