NAKA-KUNOT ang noo ni M habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko. Ang kanyang kanang kamay ay nakasapo sa kanyang ulo na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko sa kanya.
“What the actual fvck, Alison? You had s*x with your twin sister’s boyfriend?” I shrugged my shoulders and smiled.
“What? It’s just s*x. People tend to do it nowadays.” I reasoned out.
“Tell me, are you smitten by him?” I shook my head in disbelief and laughed sarcastically.
“Bakla, I just told you. There’s no feelings involve. Aliyah didn’t want to have s*x with him and we’re just helping each other for our needs. Walang lalabas na kahit na ano kung hindi ka magsasalita. Atsaka, wala naman akong balak na makipag-s*x sa kanya habang buhay. Eventually, we will stop this kind of relationship.”
“Eventually. Paano kung nalaman ni Aliyah na may ganyang klase kayong relasyon ng boyfriend niya? Or worst, paano kung malaman ni Tito Alejandro? Alam mo naman na mainit lagi ang tingin sa ‘yo ng Tatay mo. Kailan ba ang eventually na ‘yan? Kapag nahulog ka na sa kanya o ‘di kaya ay nahulog na siya sa ‘yo? I’m telling you exactly, Alison. Stop this before everything gets complicated.”
Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Sa totoo lang ay naisip ko rin ang posibilidad na ito. Kapag nalaman ng pamilya ko siguradong kamumuhian na nila ako. Pero hindi naman ako tanga para ipaalam pa.
“Relax, M. I know what I am doing. Leave it to me, okay?” hindi na sumagot si M. Nakita ko na lang na napailing siya.
“Bahala ka Alison. Basta, ayokong tumatakbo ka sa akin isang araw na umiiyak dahil sa lalaking ‘yan.” marahan akong humalakhak at tumango.
“That won’t happen, M.”
Halos ilang oras din kaming nagku-kuwentuhan ni M tungkol sa mga bagay bagay bago ako nagpaalam sa kanya at nagpasyang umalis na.
Umarkila na lang ako ng taxi hanggang sa SM Aura at agad na humanap ng puwesto para do’n hintayin si Youan. Mayamaya lang ay tumunog ang cell phone ko at nakitang tumatawag si Youan.
Without wasting so much time, I quickly slid my Iphone’s screen into answer button.
“Where are you?” agad na tanong niya.
“I’m already here.” Sagot ko naman.
“Can you please go out? I’m in front of Serendra building. Kulay itim ang kotse ko. BMW.” Napabuntong hininga naman ako.
“Ano? Paglalakarin mo pa ako?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Tss. Lumabas ka, dadaanan na lang kita.”
Iyon naman ang ginawa ko. Hindi ko ibinaba ang tawag at agad na lumabas ng Mall. Iginala ko ang mata ko at medyo nagulat pa nang may humintong kulay itim na BMW sa harap ko at bumusina ito.
Mabilis ko namang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Sinulyapan ko si Youan na seryosong nakatingin sa kalsada at nakakunot ang noo.
“You look so grumpy.” Saad ko.
Imbes na sumagot ay tumingin lang siya sa akin. Bahagya pa akong napasandal sa upuan ng kotse niya nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong inilagay lang niya ang seatbelt.
“You look… tense.” Nakangising saad niya.
Gamit ang kanang kamay ko ay sinuklay ko ang buhok ko at agad na tumingin sa kalsada pero agad din akong napatingin sa kanya nang dumampi ang malambot niyang labi sa pisngi ko.
“Damn. I can’t wait to bed you. I miss your smell.” Hindi ako nakasagot lalo na’t hinalikan ulit niya ako sa kaliwang braso.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kilabot sa ginawa niya.
“Magmaneho ka na, You.” Saad ko.
Agad naman niyang ginawa ang sinabi ko. He’s right hand is on my legs whenever he has the time to do so. Marahan pa niya itong hinahaplos at pinipisil kaya kahit na hindi malakas ang air-con sa kotse ay parang giniginaw ako.
“Do you want to eat first?” Marahan naman akong tumango.
“I can cook for us if you want.” Pagpe-presinta ko na ikinagulat niya.
“You know how to cook?” ngumisi ako at marahang tumango.
“Looks can be deceiving, Del Valle.”
Marahan siyang tumango at ngumisi. Mayamaya lang ay hinawakan niya ang kaliwang kamay ko gamit ang kanang kamay niya habang nagmamaneho siya. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.
Nakita kong ipinasok niya ang kanyang sasakyan sa isang gusali at agad na humanap ng pwesto sa parking lot. Nang sa wakas ay naiparada na niya ang kotse ay sabay kaming bumaba rito.
Magkahawak kaming naglakad papuntang elevator, papunta sa pad niya. Nang makapasok na kami sa loob ay saka lang niya binitawan ang kamay ko.
“Are you sure we’re safe here? Baka biglang pumunta dito si Aliyah.”
“She didn’t know this place. Hindi rin alam ng pamilya ko na may condo unit pa ako rito maliban sa condo ko sa Serendra.”
“Okay, what do you want me to cook?” pagiiba ko sa usapan.
“I actually want some pork adobo. Can you do it?”
“Sisiw, Del Valle. Gulay, baka gusto mo?” napangiwi naman siya sa itinanong ko.
“Jesus. I don’t eat veggies.”
“Kung ako ang magiging asawa mo hindi pwede sa akin ‘yan.”
Kumunot ang noo ko nang matahimik siya. Saka ko lang napagtanto ang sinabi ko. Ngumisi naman ako at agad na inayos ang mga kailangang gamitin para sa iluluto.
“It’s actually a good thing that Aliyah’s your girlfriend. Masunurin siya. Hindi marunong humindi.” Dagdag ko.
Nagsimula ko nang hatiin ang karne ng baboy na kinuha ko sa pridyider niya. Pagkatapos ay ang mga pampalasa. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang titig niya sa akin.
“Stop staring like a maniac, Del Valle.”
“I am.”
Bahagya akong napangiwi sa isinagot niya pero idinaan ko na lang sa tawa. Nang matapos na ako sa lahat ng hinihiwa ay inumpisahan ko nang iluto.
“So, Aliyah didn’t want to have s*x with you, right?” pagsisimula ko ulit ng usapan matapos ang ilang sandaling katahimikan. Ngumisi naman siya at marahang tumango. “Why?” nagkibit siya ng balikat.
“Ang sabi niya ay gusto niyang gawin iyon pagkatapos ng kasal.” Napahalakhak ako sa sinabi niya.
“Funny. I guess she’s really into you,” umiling ako at ngumisi dahil sa kakaibang sakit sa loob na naramdaman mula sa sarili kong salita. “She’s a saint.” Sarkastikong dagdag ko pa.
“Stop being sarcastic.”
“Can’t help it. Anyway, why don’t you marry her, then?”
“I told you, I’m not yet ready for that kind of commitment.”
“That’s why you planned to have s*x with other girls. It’s just happened that I was there.”
“Like I said, I’m just a man.”
“Twisted Ideas, You. If you really love her then you can wait. That’s the real essence of love anyway. Waiting. Tell me the truth, do you really love Aliyah?”
Sa totoo lang ay kinabahan ako sa sarili kong tanong. Saglit din siyang nagisip bago umiling.
“I like her.”