NAGLAKAD ako papuntang balkonahe ng hotel room na kinuha ni Papa para sa akin. Pagkabukas ko ng isang malaking sliding door ay agad akong hinipan ng malakas at preskong hangin. Bigla akong napangiti at nilanghap ito. Nandito kami sa isang beach resort sa pangasinan at pakiramdam ko ay natakasan ko ang lahat ng problema dahil sa mala-paraisong ganda ng tanawin. Mula sa itaas ay natatanaw ko sa ibaba ang mga tao na halatang nasisiyahan sa pagligo sa dagat. “Alison,” agad akong lumingon at nakita si Papa na nakasilip sa bukas na pintuan, “mamayang gabi ang presentation ni Thunder sa business proposal niya. I want you to be there, okay?” tumango ako at ngumiti. Isinara na ni Papa ang pintuan at narinig ko ang mga yapak niya na parang paalis na. Tumingin ulit ako saglit sa kahabaan ng dagat