MUNTIKAN na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang pagkatok ni M mula sa labas ng banyo niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang kaba na kanina ay nararamdaman ko ngayon ay napalitan na ng takot. Matinding takot. “Ali, ano na?” pagtawag niya mula sa labas. Pinagmasdan ko ulit ang tatlong pregnancy test kit na nakalapag sa lababo ng banyo at may pare-parehong resulta. Dalawang kulay pulang guhit. “Ali, ano na kasi? Halos isang oras ka na riyan sa loob!” Bumuntong hininga ako bago kinuha ang tatlong pregnancy test kit gamit ang kamay ko na nanginginig. Pinihit ko ang saradura ng pintuan at gusto kong tawanan ang sarili ko dahil muntikan ko na itong hindi mabuksan dahil sa panginginig ng mga kamay ko at sa panghihina. Siguro kung iba ang sitwasyon ay nagawa ko nang tawanan ang s