Episode 1—Simula
Xiancie grew up in a remote village. She grew up a simple woman and a simple life. No friend, no neighbor. She also did not even attend elementary school. Sometimes she asks her mother, why they live in a secret place.
But her mother's constant response was, "This is the right place for us. Quiet and peaceful."
Labis-labis ang kalungkutan ni
Xiancie, nang biglang pinaslang ang ina niya na walang kalaban-laban. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kalupit ang mga tao sa kanila.
Kahit nasa liblib na lugar sila nakatira ay nagawa pa rin silang sugurin ng mga tao.
"Salot! Sunugin iyan!"
Halos naninig sa takot si Xiancie at hindi maka labas-labas sa kaniyang pinagkublihan. Sapu-sapu ang bibig niya upang hindi makalikha nang ingay.
Tinandaan niya ang mga mukha ng nagpqpahirap sa kaniyang ina.
"Ibabalik ko sa inyo ang ginagawa ninyo sa aking ina! Isinusunpa ko iyan!" pabulong na wika niya.
Matapos sunugin ang kaniyang ina sa harap nang bakuran nila ay iniwan na lamang ino nang basta-basta. Nang matanto niyang wala ng tao ay saka pa lang siyang lumabas at nilapitan ang sunog na katawan ng kaniyang ina.
"Ma, bakita nila ito ginawa sa iyo? Wala naman tayong ginagawa sa kanila!"