Disclaimer
No part of this book may be reprinted or reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Warning:
Bawal po sa bata lalo na ang mga 17 years old pababa..may mga scenes at salita na para sa 18 pataas/matured content. Ito ay romance, spg, comedy at poligamy Kung hindi niyo cup of tea ay move on na lang po sa ibang novel.
Aya (POV)
"Anak gising ka na, naka luto na ako ng agahan natin. Gising na para may panahon ka pang mag lakad papunta sa School ninyo." Mahinang sambit ng Nanay ko.
"Opo Nay." Sagot ko na inaantok pa.
Napatingin ako sa aming orasan na nakasabit sa aming dingding mag alas sais na pala ng umaga kaya agad akong bumangon at pumunta na sa aming maliit na banyo para maligo. Napangiti ako dahil nilagyan na ni Nanay ang balde ng mainit na tubig kaya umaasok asok pa.
Kahit hirap na hirap ako sa aking pag aaral ay pinag bubuti ko para sa aking napaka mabuting ina. Kung pwede lang ay ayoko nang pumasok pero ilang buwan na lang ay matatapos na ako ng high school.
Mabilis akong naligo at nagdamit buti na lang ay sa loob na nang bahay namin ang aming banyo. Dahil sa tangkad ko ay masisilipan ako kung sa labas pa dahil halos kalahati na ng katawan ko ang banyo na pinagawa ni Nanay sa mga kapitbahay namin na lalake.
Maganda ang Nanay ko kaya maraming nag kakagusto sa kanya. Lumaki ako na hindi nakagisnan ang aking ama. Ang sabi lang niya sa akin ay ayaw ng pamilya ng Ama ko sa Nanay ko kaya lumayo siya para sa ikatatahimik ng lahat pero hindi niya alam noon na nagdadalang tao siya at ako iyon.
Sinangag na kanin ang pagkain namin at may natimpla nadin na kape na gawa ng sunog na kanin. Masarap naman ito kaya napadami ako ng kain. Wala pa man din akong baon kaya hindi pwedeng hindi ako kakain sa umaga.
"Anak, gusto mo bang i pusod ko ang buhok mo para makita ang maganda mong mukha." Sabi ng nanay ko na tumabi sa akin.
"Huwag na po Inay." Sagot ko na tumayo na dahil mag lalakad pa ako papunta sa School namin. Ang baon ko ay tubig lang kaya medyo mabigat ang aking bag. Pinunu ko na ito dahil ayokong pumunta sa gripo ng School namin mula noong pinagkatuwaan nila ako doon.
"Nay alis na ako." Paalam ko sa king nanay na nag wawalis sa aming bakuran.
"O sige Anak, ingat ka sa pag lalakad lagi ka sa gilid." Laging paalaala ng Nanay ko dahil muntik na akong masagasaan noon.
Habang nag lalakad kasi ako noon ay biglang may gumulat sa akin mula sa aking likuran na ka klase ko.
"Aya pumagitna na sa daan!" Malakas na sambit niya sa aking likuran kaya nagulat ako at pumagitna naman ako sa daan. May malaking sasakyan noon na paparating at napakalakas ng busina kaya doon ako nagising ng pagkagulat kaya agad kong pumagilid. Sobrang iyak ko noon sa takot, buti at nakita ng guro namin kaya napagalitan ang gumulat sa akin. Pero hindi sila tumigil sa pang gugulat sa akin hanggang ngayon dahil grupo sila at napahiya sila noong napag sabihan sila ng aming guro.
Mula noon ay umiiwas na ako sa aming mga ka klase, kung may tao sa aking likod ay halos patakbo ang lakad ko para hindi nila ako masabayan. Buti na lang at mahahaba ang aking mga biyas kaya hindi sila maka abot sa akin.
To be continue