bc

I am his...Stranged Wife

book_age18+
554
FOLLOW
4.3K
READ
BE
stepfather
blue collar
drama
bxg
childhood crush
actor
civilian
like
intro-logo
Blurb

Nikka Guzman is a popular international model of Korea.

When she returned to the Philippines,

Makikita pa ba nya ang pamilyang iniwan niya ng dahil sa kanyang pangarap?

May babalikan pa ba siyang PAMILYA?

George Nieva a man who waits for the woman he left for a dream.

Pero, sa paghihintay nya sa babaeng minamahal, may umalok sa kanya ng trabaho na maging isang sikat na artista, tinanggap niya ang alok hanggang sa makalimutan nya ang babaeng hinihintay niya at natukso siya sa ibang babae.

-----

Mabubuo pa ba ang pamilyang nagkalayo?

Tuluyan nang maghihiwalay?

Trust, Love, Patience and Sacrifice

Ang mga salitang iikot sa kanila.

Copyright 2022 © Xyrielle

All Rights Reserved

No Copy Stories

No Plagiarism

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

chap-preview
Free preview
1
After 17 years Babalik ako nang may karangalan nakuha sa ibang bansa kaso ang kapalit naman nito ang pagkawala ng communication ko sa pamilya ko. "Hindi ka ba masaya na babalik ka sa bansang sinilangan mo?" tanong ng kaibigan kong modelo. "Masaya ako.." sagot ko na lang sa kasamahan ko. "Parang hindi naman, friend wala ka na sa industriya ng pag-momodelo naging instructor ka na lang nila." tukoy nito sa mga kasama naming modelo. Pagkatapos ng kontrata ko sa agency kung saan ako naging modelo kinuha nila akong instructor para sa mga baguhan. "Sinabi mo na ba sa magulang mo na nakabalik ka na sa Pilipinas?" tanong nito habang kinukuha namin ang mga maleta sa umiikot na machine. "Wala na ang magulang ko ang nabubuhay na lang ang mga kapatid ko," sabi ko na lang at kumuha ako ng cart bago nilagay ang maleta. "Kung nag-asawa ka lang noon paniguradong may kasama kang uuwi sa Pilipinas," biro nito sa akin hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Ang pamilya ko lang ang nakakaalam ng totoong status ko. Wala akong pinagsasabi sa iba kahit sa naging kaibigan ko dahil bawal 'yon sa kontrata namin na hindi pwedeng mag-asawa o maka-buntis ang modelong lalaki at mabuntis kami dahil aalisin na kami ng trabaho. "Alam mong bawal 'yon noon," sagot ko. "Ay, oo nga nasa kontrata natin na bawal ang lupit nila sa atin ah? Bitter lang ang peg?" sagot nito sa akin at hindi na lang ako nagsalita. "Marinig ka ng mga modelo at ng producer na kasama natin baka isumbong tayo," saway ko at siniko ko siya. Inirapan niya lang ako at nauna nang lumakad sa amin palabas ng arrival area. "Nakasagap din ng hangin nang Pilipinas, 2022 na! Nanghihiyang ako sa beauty natin, friend hindi man lang tayo nadiligan ng mga boys mabuti na lang ang pagiging instructor natin hindi na nila pinapakialaman ang buhay natin nakalaya din tayo." sagot nito sa akin. "Tara na," tawag ko. Pumunta kami sa nag-aabang na van na nirentahan ng agency. "Alam mo pa ba ang bahay ng mga kapatid mo?" tanong pa rin nito sa akin. "Nakausap ko sila sa video call nang nag-iimpake tayo baka dun ako tutuloy sa kapatid ko nagsabi naman ako sa kasama natin," sabi ko at sumandal ako sa sandalan ng upuan sa loob ng van. Naalala ko ang pinag-usapan namin ng nakaka-tanda kong kapatid. "Ate, kamusta ang mga anak ko?" tanong ko kaagad sa kapatid ko. "Mabuti naman sila kaso, malayo na ang loob sa amin ng mga pamangkin ko gago kasi ang asawa mo at ang pamilya niya siniraan ka nila sa mga anak mo." inis nasagot ng kapatid ko naiiyak ako sa nalaman ko. "Anong pin-gsasa-b-" utal kong sabi sa harap nang kapatid ko. "May iba ka ng pamilya dyan at iniwanan mo daw ang mag-aama mo dahil sa iba hindi ka kasi tumatawag o nag-text sa kanila ng mahigit isang dekada! Alam mo naman ang utak buwaya ang pamilya ng inasawa mo kaya ganyan sila sa'yo, Nikka maawa ka na sa sarili mo tama na! Sila naman ang isipin mo ang mga anak mong dalaga't-binata na." banggit ng kapatid ko sa akin naka-titig lang siya sa akin. "Kina-kamusta ko sila sa'yo, oo may mali ako bawal sa kontrata ang magkaroon ng pamilya kaya tinago ko sila para sa kanila ang ginagawa ko pero hindi pala 'yon kinaganda...uuwi na ako huli na ito hindi na ako babalik sa Korea tama na ang isang dekadang wala ako sa piling nila.." umiiyak kong sagot sa kapatid ko. "Tama, Nikka galit man ang mga anak mo sa'yo sabihin mo ang totoo sa kanila huwag na sa asawa mong babaero!" sagot ng kapatid ko at sinabi nitong pinasok ng asawa ko ang mundo ng showbiz nang matapos ako hindi nila ma-kontak noon. "Ate..." tawag ko sa kapatid ko. "May karapatan ka sa mga anak mo, at huwag mo na isipin ang asawa mong babaero!" galit nasabi ni ate sa akin. Hindi na nagsalita ang ate ko nang tanungin ko siya kung ano ang trabaho ng asawa ko. "Saan ka daw ihahatid ni manong driver tulala ka na naman, friend?!" tawag nito bumalik ako sa realidad napabaling ang tingin ko sa katabi ko. "Sa bahay ng kapatid ko," sabi ko na lang narinig ko na inulit ito ng kaibigan ko. "Sasamahan kita sa bahay ng kapatid mo at parang wala ka sa sarili mo," banggit nito sa akin hindi na lang ako nagsalita. Umalis na ang van na sinasakyan namin mula sa hotel hinatid nila ako sa Batangas kung saan nakatira ang kapatid ko. Huminto ang van sa isang puting gate na kung saan nakatira ang kapatid ko nagtanong pa kami sa dinadaanan namin maraming nagbago sa nakalipas na labing pitong taon. "Ma! Si Nikka!" tawag ng bayaw ko nang makita niya ako na bumaba sa van. Lumingon ako sa bahay at napangiti ako na hindi na sila naghihirap kahit mahirap sila nakaya nilang umahon na walang tulong ko halos. "Aalis na ako, Nikka kailangan kong bumalik baka masita ako ng boss natin," paalam nito sa akin binaba ng driver ang tatlong maleta ko at nagpasalamat ako. "Ingat kayo," sagot ko na lang sa kanila at umalis na sila sa gilid ko. "Nikka!" dinig kong tawag ng kapatid ko dahilan para lumingon ako. "Ate..." tawag ko na lang at napa-atras nang muntik na kami matumba. "Bakit mukha ka pa ring bata kahit forty two ka na? Nagpa-surgery ka ba?" tanong nito sa akin natatawa ako sa hitsura niya. "Kahit kailan wala akong binago sa hitsura ko, ate maniwala ka man o hindi kilala mo ako life style 'to saka sa tagal na hindi ako nadiligan tuyot na ako." biro ko at kinuha ng bayaw ko ang mga maleta ko. "Welcome back, Nikka.." umiiyak nitong sabi at niyakap niya ako ng mahigpit. Maraming taong lumapit sa amin at sinita ito ng bayaw ko. "Kapatid ba talaga ni Rica 'yan?" dinig namin sa mga kapitbahay nila. Pumasok na kami sa loob ng bahay at pinakilala niya ako sa mga anak niya. "Kaunti lang ang nadala ko, ate na pasalubong." panimula ko sa kapatid ko at kinuha ang isang maleta na puno ng pinaglumaan kong damit at ibang matatamis na pagkain. "Okay lang, tita kaysa wala naman kung ano ang meron dyan kuntento na po kami." banggit ng pamangkin ko sa akin natuwa ako sa sinabi niya. Tinapik ko na lang ang kapatid ko at nginitian ang mga pamangkin ko. "Kilala ka nila dahil sinabi kong model ka at nakikita ka pa nila sa international fashion show noon," sagot naman nito sa akin tumingin ako sa mga pamangkin ko. "Kilala kaya nila ako?" bulong ko na lang napatingin sa akin ang ate ko. "Kilala ka nila, Nikka dahil nung limang taon sila sa amin pina-alaga ng asawa mo ang mga anak mo hanggang makapagtapos elementary kilala ka nila sabi ko nga sa kanila, huwag sila magtatanim ng sama ng loob sa'yo dahil para sa kanila ang ginagawa mo kaso naging sarado ang isip nila dahil sa sulsol ng biyenan mong hilaw at hipag mong hilaw naiinis ako sa kanila akala mo kung sino." kwento niya sa akin sumimangot siya bigla sa akin. "Magpa-lamig muna kayo, Ma naman baka i-maritess tayo ng mga kapitbahay natin sa kanila alam mo naman malakas ang mga tenga nila." sabat ng bayaw ko sa asawa niya. "Wala akong paki! Mabuti nga kahit ganyan ang anak nitong kapatid ko madalas nandito sila kasi laging wala ang ama at para silang katulong kung tratuhin ng lolo at lola nila isama mo pa ang kapatid nito kaya nga kinukulit kitang umuwi ka na dito sa Pilipinas dahil sa mga anak mo." kwento niya pa rin sa akin natahimik naman ako sa natutuklasan ko wala pa akong pahinga nito pero parang pagod na pagod na ako. "Ano??? Apo at pamangkin nila ang mga anak ko kadugo nila ito halos!" sigaw ko sa kanila natahimik naman ang kapatid ko sa pagsigaw ko. "Gumaganti sila sa pag-iwan mo sa asawa mo," sabat niya. Umiiyak ako nang umiyak sa nalaman ko sinabi ko sa kanila na wala akong kalaguyo o binuong pamilya sa ibang bansa. "Alam naman niya ang sitwasyon ko tumatawag ako sa kanya ng limang taon sinasabi ko sa kanya ang lahat ng nararanasan ko pero ito ang ginanti niya? Nasa kanya ang kalahati ng ipon ko para sa mga anak ko nagamit niya ba-ito para sa mga anak namin?" tanong ko sa kapatid ko. "Baka, kaya nasa amin ang mga anak mo noon dahil sa pera mo dahil kapag hawak niya o ng pamilya niya ubos kaagad ito naalala ko may inabot siyang 100k sa akin para daw sa pag-aaral ng mga anak nyo dinadagdagan na lang niya kapag may sobra sa pera niya bilang trabahador sa isang groceries store," bulalas niya sa akin. "Tama, naalala ko 100k 'yon hindi na ako napag-bigay dahil nawala 'yong wallet ko nun ilang buwan kaya hindi na ako naka-kontak sa kanila humingi lang ako ng tulong sa kakilala kong manager sa Pilipinas at na-kontak kita, ate nasabi mo nun nagbago na ang asawa ko mula nang mawalan ako ng kontak sa kanila naibigay mo ba sa kanya ang pera para sa mga anak namin nun?" tanong ko naalala ko 'yon bigla. Tumingin sa akin ang kapatid ko at inutusan na iligpit ng asawa niya ang mga maleta ko at tumulong ang anak nila na dalhin ito sa kwarto ng anak nilang bunsong babae. "Ate? Naibigay mo ba?" tanong ko nang wala na ang pamilya nito sa tabi namin. "Oo, 'yon ang ginagamit nila ngayon para sa pag-aaral nila sa high school at señior high ng mga anak mo hindi ko sinabing mula sa'yo ang pera lahat ng binibigay mo sa akin na para sa anak mo nilalaan ko sa pag-aaral nila ako at ang asawa mo ang guardian nila sa school." sagot nito sa akin. "Eh, bakit katulong ang turing sa kanila ng pamilya ng asawa ko?" tanong ko naman. "Inaasikaso naman ng asawa mo ang dalawa nyong anak kahit may iba na siya celebrity na ang asawa mo, ano! Kaya mas humangin ang pamilya niya dahil medyo kilala ang asawa mo, ano ba-Vhan Nieva ayon! Siya ang asawa mo screen name niya 'yon." tukoy niya sa akin inaalala ko ang pangalan na narinig niya noon. "Vhan Nieva?" tanong ko. "Oo, commercial model muna siya bago sumali-sali sa pageant contest at bago siya maging actor." kwento nito sa akin at tumingin siya. Ibig sabihin, nakasama ko na siya sa isang fashion show noon natatandaan ko siya kaya pala tumitingin siya sa akin noon dahil siya ang asawa ko? Ang laki ng pinagbago niya mula noon hindi ko siya nakilala. Si Karen Diaz ang isa sa sumunod sa aming batch na co-model ko sa pag-momodelo palagi sila noon magkasama at iba ang tinginan sa isa't-isa. "Bakit?" tanong niya. "Alam ba ng industriya ng showbiz at nang agency kung saan siya naging model na may asawa at anak siya?" tanong ko. "Hindi lang ako sure, Nikka dahil na-kwento ng anak mo na pinapakilala silang 'anak-anakan' pero totoo anak naman talaga nito, bakit?" tanong nito sa akin. "Kukuha ako ng abogado para sa costudy ng mga anak ko kahit matatanda na sila ina pa rin nila ako at sila naman ang mag-dedesisyon kung saan sila mananatili," sabi ko iniisip ko ang kapakanan ng dalawa naming anak. "Gusto ko nang magpahinga, ate.." sabi ko at nagpaalam na akong pupunta sa kwarto. "Sige, gigisingin na lang kita mamayang gabi," sagot nito sa akin. Hindi na ako nagsalita at nagpunta na ako sa kwarto ng pamangkin ko para magpalit ng damit. Nasanay na ako na kahit naka-pangbahay ang suot dapat maganda pa din ang dating ng damit sa akin. Humiga na ako sa kama at sumagi sa isip ko ang asawa ko na matagal na pala akong niloloko nang hindi ko alam. Mali din kasi ako hindi ko pinag-sikapan magkaroon ulit kami ng communication kahit magkita na pala kami noon at nagkita ulit. Kamusta na kaya ang mga anak ko? Huminga na lang ako at pumikit para matulog. Makalipas ng ilang oras nakarinig ako ng mga boses mula sa labas kaya sumilip ako nang magsuot ako ng bra at tinali ang mahaba kong buhok. "Tit-" putol ng isang babae nang makita ako para akong nakaharap sa salamin. Naka-titig lang ako sa kanya hindi pwede ako magkamali. "Uuwi na lang po ako sa kabila, tita may bisita pala kayo." sabi ng babae- ng anak ko. "Genikka, anak-ako ito ang Mama mo," naiiyak kong tawag sa panganay kong anak nang hindi tumitinag sa pagkakatayo ko. Nakatalikod na ang anak ko sa akin na kanina nakaharap nang makita niya ako tumalikod siya kaagad. "Wala akong ina na iniwan lang kami para sa iba-" utal nito sa akin naririnig ko ang hikbi niya. "Wala akong iba kundi kayo lang, anak ang mali ko hindi na ako nakipag-communicate dahil sa takot na baka wala na akong babalikan dito..." amin ko napatakip ako ng bibig nagpipigil akong humagulgol ng iyak sa harap ng pamilya ko. Naramdaman kong niyakap ako ng kapatid ko. "Mama.." tinig ng isang boses mula sa harap ng panganay ko. Napatingin ako sa boses na 'yon at nakita ko ang pangalawa kong anak na nakatitig sa akin. Buwan lang ang pagitan nila nang mag-iisang taon pa lang ang anak ko nalaman naming buntis ulit ako isang beses lang kami nagtalik para sa anniversary namin pero may nabuo kaagad masaya kami noon nagkaroon lang problema ng magkaroon ng sakit ang papa ko kailangan kong magkaroon ng malaking pera para sa pang-opera nito. Tinanggap ko ang alok ng kilala kong manager nang dati kong mino-model noon teenager pa ako sinabi ko ito sa asawa ko at pumayag siya kahit nag-dadalawang-isip ako nun dahil takot ako. "Para sa atin naman itong gagawin mo, Ma hindi para sa pamilya mo lang pumapayag ako para sa kinabukasan ng mga bata," sabi ng asawa ko noon sa akin. "Pero..." pigil kong sabi sa asawa ko. "Babalik ka naman maghihintay kami, Ma promise magiging good boy ang asawa mo." sagot nito sa akin. "Baliw ka, kahit ayoko para sa pangarap ko at pangarap natin para sa kanila aalis ako, Pa hintayin mo ako huwag kang maghahanap ng iba." sabi ko. "Promise, Ma." sagot ng asawa ko. Ang pangako niya nasira nang dahil sa tukso naiintindihan ko naman 'yon pero dapat sinabi niya sa kapatid ko na makikipag-hiwalay na siya sa akin noon pero hindi niya ginawa. "Riko!" tawag ko at bumitaw sa akin ang kapatid ko patakbong yumakap sa akin ang bunso ko. Genikka Prancess Guzman Nieva, ang panganay ko. Geriko Francis Guzman Nieva, ang bunso ko. "Mama, miss na miss na kita kami ni ate.." banggit ng anak ko napalingon tuloy ako sa anak kong panganay. "Nandito na ang Mama mo, Genikka, napaka-tampuhin mo napag-daanan namin na 'yan noon sa Papa namin pero tignan mo kami sa lolo mo okay kami dahil sabi niya para sa inyo ang ginawa ng magulang mo." tawag ng bayaw ko sa anak ko. "Saka, hindi na aalis ang Mama nyo dito tignan nyo nga parang magkapatid lang kayo tignan mag-iina ba kayo?" biro ni ate sa amin. "Saan ka naman nagmana, ate?" tanong ko. "Kay Mama, sa'yo kasi pinaghalong mukha ng magulang natin at nakuha nating dalawa ang tangkad ni Papa 'yon lang ang lamang ko kumain na kayo dito paniguradong gugutumin kayo sa pagbalik nyo sa kabila," sagot ni ate sa akin sinaway na siya ng asawa niya. Napabaling ang tingin ko sa mga anak kong nakatayo pa rin. "Kumain na tayo, anak mag-kwento kayo sa mga buhay nyo sa akin kahit may boyfriend o girlfriend na kayo papayagan ko kayo basta alam kong hindi kayo masasaktan o mananakit." biro ko at niyakap ko ang bunsong anak ko na namumula ang mukha. "Humarap ka na sa Mama mo, Genikka miss ka nyan sobra kina-kamusta niya kayo palagi ibigay nyo sa ang cellphone nyo sa isa't-isa para may communication na kayo." sabat ni ate sa amin bumitaw sa akin ang anak ko at bumalik sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Nang bumalik ako naiyak ako nang tumitig ang dalawa kong anak sa akin. "Kamukha mo talaga si Mama, ate nagpa-retoke ka, Mama?" tanong ng anak ko. "Kahit kailan hindi ako nagpa-retoke maniwala man kayo o hindi, kung ano ang bigay niya sa akin tanggap ko 'yon hindi ko kailangang ipa-ayos ang mukha ko." sagot ko. "Ano ang trabaho mo ngayon, Ma?" tanong ng anak ko. Nag-bigayan na kami ng cellphone number sa bawat isa pero sinabi kong huwag nilang sasabihin sa kabila na may communication na kami. "Instructor na ako ng mga bagong modelo kung saan ako nakapag-trabaho noon kasi bawal ang makipag-relasyon o mabuntis at magbuntis ng babae kaya tinago ko ang status ko sa kanila ginamit ko noon ang dati kong documents kaya natanggap ako," sabi ko sa mga anak ko. "Kaya nawalan kayo ng kontak sa amin?" tanong ng anak kong panganay. "Nawala wallet ko noon kaya hindi ko na kayo na-kontak, anak humingi lang ako ng tulong sa dati kong manager para ma-kontak ang tita mo na dati niya ding alaga noon at dun nalaman kong may ibang babae na ang ama mo." sagot ko sa dalawa kong anak. "Ah, si tita Karen ten years old ako nun at eleven na si ate nun nang ipakilala niya sa amin si tita Karen mabait lang naman 'yon kapag kaharap si Papa kapag hindi ito kasama iniirapan niya kami kahit hindi niya sabihin duda siyang anak-anakan kami ni Papa nakita niya ang picture ni Papa na katulad ko payat lang si Papa sa picture." kwento ng anak ko sa amin. "Hindi naman kasing mapagkakailang tatay mo ang babaerong 'yon," sabat ni ate sa amin. "Magka-hawig kami ni Papa pero iba pa rin ang mukha niya sa akin, tita." sagot ng anak ko kumakain lang ako at nakikinig sa kanila. "Hindi ba mahirap 'yon sa inyo, Mama na wala kayong komunikasyon sa amin?" tanong ng anak ko. "Mahirap, anak pero dahil sa pinapadalang picture ni ate napapanatag ako na okay kayo." sagot ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.0K
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook