EA’s POV “EA.” Napatingin ako kay Wilma pagkatapos niyang mai-lock ang pintuan ng master's bedroom. “Wilma, salamat at narito ka ngayon.” Nakangiti akong tumayo mula sa wheelchair at niyakap siya. Siya ang make up artist na naging kaibigan ko. Kinuha siya ni Papa para gawin ang mga kolorete ko. Siya rin ang nag-aayos ng mga ito kapag kailangan nang ayusin. Tinuruan niya na rin ako para isuot 'yun mag-isa kaya kahit wala siya, kaya kong ayusin ang mukha ko. Ipanakilala ko siya bilang therapist ko at personal assistant ko. Mahirap mag-isa sa isang estrangherong lugar. “Ano ka ba? Ayos lang iyon. Halika, ayusin natin iyang mukha mo.” Pumunta kaming dalawa sa banyo para tulungan akong linisin ang mukha ko. Maghapon lang ako sa kuwarto dahil ayoko munang isuot ang mga kolorete ko. Nagpapa