VINCE’s POV
ANO RAW?!?!?!
Nabibingi ako! Woooh! Nabibingi ako!!!
Hindi niya naman sinabing halikan ko siya, 'di ba? 'Di ba? 'Di ba?!
“EA, 'wag ka namang magbiro nang ganyan,” natatawa kong sabi sa kanya. Pero, f**k naman. Mukhang tama nga 'yung narinig kong sinabi niya.
“I'm not joking! Sige, prove to me na hindi mo ako ikinakahiya. Prove to me na may isang salita ang mga Ordoñez. Halikan mo ako. KISS ME!” Nginuso pa niya ang namumutok niyang bibig na pinakapal ng braces niya.
Oh, no! What to do? What the hell am I going to do?! Lord! Take me now!!!! Kung busy si Lord, sige payag na ako sa demonyo. Lucifer! Take me now!!!!
Nanginig ang buong katawan ko. Namamawis pati ang mga palad ko. Bumabaliktad na naman ang sikmura ko. Kaya ko ba? Kaya ko bang halikan ang mukhang alien na babaeng ito?
TJ! JACOB! HARRY! APOLLO! HELP ME!!!
Nasaan kayo ngayong kailangan ko kayo? Mga walang silbi kayong kaibigan! Tang-ina, dude! Hahalikan ko siya?! As in ididikit ko ang aking red manly lips sa mga labi niyang makakapal?! Madidilaan ko 'yung braces niyang may tinga pa yata ng karne?! Matitikman ko 'yung la-la-la-way niya?! EEEWWW! Just EEEWWW!
“Oh, akala ko ba patutunayan mong hindi mo ako ikinakahiya? Bakit nakatanga ka pa dyan? Kiss me now!”
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.
“A-a-ah..!” Shittt!
“So, ikinakahiya mo nga ako? Huhuhu!” Umiyak na naman siya. Damn! Weakness ko pa naman ang mga babaeng umiiyak. Paano ba ito?!
“Oo na! Oo na! Hahalikan na kita!!” taranta kong pagpapatahan sa kanya.
Agad naman siyang tumigil sa pagngawa at nakangiti nang bumaling sa akin.
“Totoo na 'yan, ha?” Nangingislap ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
“Oo!” Napalatak ako. Bakit ba pakiramdam ko ay nauto ako ng babaeng ito?
“Talaga?” Sumigla pa ang boses niya. Pakiramdam ko ay hinang-hina na ako.
“Oo nga!” Kulit!
“Promise?” parang bata niyang tanong. Hay, buwiset. Ansarap niyang sapakin. She was even grinning at me.
“Swear to God! I hope you die!”
“Ano?!”
“I hope I die if I lie.” Wooh!
“Sige. Why don't you just close your eyes? 'Di ba, the best things in this world are those that are not seen?” pang-uudyok pa nito sa akin.
Oo nga, 'no? Bakit 'di ko naisip iyon? May konting laman din pala ang utak ng babaeng pangit na ito.
“Okay!” Sige, ii-imagine ko na lang na si Anne Curtis ang kahalikan ko. O kaya si Angel Locsin. O kaya ay si Marian Rivera!
I held her face. Magaspang siya, dude. I closed my eyes. C'mon Vince, si Anne iyang hahalikan mo. Tapos si Angel. O kaya si Marian. Concentrate, Vince! Kaya mo 'yan! Kayang-kaya mo 'yan!
Unti-unti kong iniyuko ang ulo ko palapit sa mukha niya. Nararamdaman ko na ang ilong niya sa gilid ng ilong ko. I can do it! I will do it! Para sa business. Para kay Daddy. Para sa iyong pride at p*********i. Do it, Vince! Just f*****g do it nang matapos na!
Smack lang! Tama, smack lang ang gagawin mo! Smack lang. I chanted inside my head.
I put my lips on her lips.
Smack lang! Sma--------!
Oh, God! When our lips met, I forgot about Anne. I forgot about Angel and even Marian.
I even forgot that chant in my head na dapat smack lang ang gagawin ko.
When our lips met, para akong napunta sa ibang mundo at nabalot ng kakaibang init. Hindi ko ma-explain pero when our lips met, I lost all my senses. Para bang 'yung mga labi ko lang na nakalapat sa kanya ang buhay.
Nakalimutan ko na kung sino ang kahalikan ko.
Nakalimutan ko na kung asan ako.
I even forgot my f*****g name!
Para bang ang pinakaimportante sa akin ngayon ay ang ipagpatuloy pa ang paghahalikan namin.
I made my tongue open her lips and let it dive inside her mouth. f**k! Her lips are the sweetest I have ever tasted! When our tongues met, napaungol ako dahil sa sensasyong unti-unting bumabalot sa buong katawan ko. I was drowning! Nalulunod ako sa halik niya. My soul was shouting for more. I want more! I was burning and yearning for more!
I deepened the kiss. Napapaungol na ako sa sarap at sa satisfaction na nararamdaman ko as I player inside her mouth. I feel like I have tasted heaven by just merely kissing her.
Mas lalo akong ginanahan when she moaned inside my mouth. It gave me chills, dude!
I was literally eating her mouth when I heard an applause. I forced my self to stop what I was doing para mapatay ang istorbong iyon.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog. Nanlaki ang ulo ko nang makitang sina Dad iyon at si Mr. Castillote.
“Balae! Tuloy na tuloy na!” Tumatawang nakipag-high five si Daddy sa malapad ang ngiting ama ng kahalikan ko kanina.
Bumaling ako sa taong nasa harap ko na nakaakap pa sa leeg ko ang mga braso. Agad akong lumayo dahil nakaramdam ako ng pangingilabot.
Oh, f*****g s**t!
I kissed her! I enjoyed kissing her!
Naningkit ang mga mata kong tumitig sa kanya. Now, na-discover ko na hindi siya isang pangit na alien kundi isa siyang pangit na MANGKUKULAM!
Fucking s**t! KINULAM NIYA AKO!