CHAPTER 2

1064 Words
EA’s POV “EA...” lumingon siya sa kanyang ama. Kasalukuyan siyang nasa terrace ng kanilang mansyon nang lapitan siya nito. “Pa,” malambing siyang yumakap dito. “Iniisip mo na naman ba ‘yung lalaking iyon?” bakas ng galit ang tinig nito habang hinahaplos ang kanyang mahaba at kulot sa dulo na buhok. Hilig nitong gawin iyon. Sabi nito ay tila may magic ang kanyang buhok dahil habang hinahaplos daw ito ay natatanggal daw nito ang stress ng ama. Binibiro pa nga niya ito minsan na sana hindi na lang Eunice Adrienne ang ipinangalan sa kanya kundi Rapunzel mula sa pelikulang Tangled. “Hindi ko kasi akalain na aabot siya sa puntong ito, Pa. Wala naman akong nagawang malaking kasalanan sa kanya kundi ang mahalin siya.” “Anak, wala kang kasalanan sa nangyayari sa kanya. Sarili niyang desisyon kung bakit siya nagkakaganon. Masyado siyang na-obsess sa’yo na pati katinuan niya ay nakalimutan niya na. ‘Wag kang mag-alala, anak. Sisiguraduhin natin na hindi ka na muling malalapitan ng lalaking iyon. Naisaayos ko na ang lahat.” Ngumiti ito sa kanya at hinagkan siya nito sa noo. Two months ago kasi ay muntik na naman siyang kidnapin ni Franco. Buti na lang at maagap ang kanyang assistant sa pagtatago sa kanya. “So I need to marry that guy anytime soon?” “Oo hija, and you have to be careful once you are married to him. You wouldn't want him to turn into another Franco Estrella, would you?” She had goosebumps upon hearing that dreadful name. Sino nga ba si Franco Estrella? Si Franco ang kanyang childhood sweetheart, ang kanyang first love. Ang kanyang unang yakap at unang halik. Napakasaya niya rito noon dahil ibinigay nito lahat ng maiaalay nito sa kanya: pagmamahal, paggalang at pag-aalaga kaya naman wala na siyang mahihiling pa. Ngunit ang dating mabait na kasintahan ay nagbago simula nang magbago rin ang kanyang itsura at maging isang ganap na dalaga. Dumami ang mga lalaking humiling ng kamay niya sa kanyang Papa kahit na anong pagtatago ang gawin nito at ni Franco sa kanya. Franco wanted to marry her then but she was just 16 that time kaya namam masyado itong na-obsess sa kanya. Ayaw nitong nakikihalubilo siya sa iba. Ultimo mga babae niyang kaibigan ay pinagseselosan nito. Ayaw nitong pumasok siya sa eskwela sa takot na may maakit sa kanyang ibang lalaki. Halos ayaw siya nitong palabasin sa bahay nila. The angel she used to know slowly turned into a monster. Nagagawa na siyang saktan nito kapag umaayaw o sumusuway siya sa mga gusto nito. Her father knew of her dilemma. He tried to send her away from Franco pero napakaimpluwensiya ng pamilya nito dahil sa senator nitong ama. Lagi siya nitong nahuhuli. Nang huli nga ay muntik na siya nitong pagsamantalahan kaya labis-labis na ang naging takot niya rito. At kung hindi lang sa mga kaibigan ng kanyang papa ay matagal na siguro siyang nakakulong sa piling nito. That's why her father thought of this scheme. They hired some con artists to help them out of their plan. Her assistant was also a very good make up artist at nagawa nitong papangitin siya nang sobra. Akala nila ay titigil na si Franco kapag nakita nito ang itsura niya: isang pangit at imbalidong babae. Mahigit isang taon na nga siyang nagtitiis sa ganitong itsura at sa pagkukulong sa kanyang silid. Akala nga nila pagkatapos ng ilang buwang pagkawala ni Franco ay tapos na ang bangungot na dulot nito sa kanya. But they were wrong. Mas lalo itong naging mahigpit sa pambabakod sa kanya. Tila ba may alam ito sa kanilang mga plano. At natuwa pa ito sa pagpangit at pagiging pilay niya dahil wala na raw itong kaagaw sa kanya. At ngayon nga, nakaisip na ng paraan ang kanyang ama kung paanong permanente siyang makaliligtas mula sa kapangyarihan ni Franco and that is for her to marry another man who could love her and take care of her no matter what she looked or has become after the 'accident'. “Matulog ka na, anak. Bukas makikilala mo na ang mapapangasawa mo.” Itinulak na nito ang wheelchair papunta kanyang silid. Mahirap na at baka may nakasilip pa sa kanila. They don't want to confirm Franco's suspicions sa nangyari sa kanya. Nang masigurado niyang nakakandado na ang limang lock ng kanyang pinto ay mabilis siyang tumayo mula sa wheelchair. Mabuti nang manigurado kahit na ba sampung guards ang nakabantay sa mansyon. Trust no one, sabi nga ng ama. Dumiretso siya sa banyo para linisin ang kanyang mukha na puno ng kung anu-anong make up at ugat para lang pagmukhain siyang pangit. Tumatagal ang mga ito ng tatlong araw sa mukha niya at kaya niyang tiisin iyon kung iyon lang ang paraan para makawala siya kay Franco. Pero ngayong gabi, nais niyang bago siya matulog ay makita muli niya ang totong itsura niya: ang gandang tinabunan ng kolorete at mga pampapangit na mga bagay. Naghilamos siya ng mukha pagkaraan ng dalawampung minutong 'paglilinis' sa kanyang mukha. Inalis na rin niya ang kanyang braces na nagtatago ng kanyang mapuputi at pantay-pantay na set ng ngipin at ang contact lens na nagtatago ng light brown niyang mga mata. Nang maisaayos na ang lahat ay tumingin siya sa salamin. Siya mismo ay nagulat sa kagandahang nasa harapan niya - ang kanyang mahahabang pilikmata, ang mga light brown niyang mga mata na tila laging umiiyak, ang katamtamang tangos ng kanyang ilong at ang kanyang pulang labi at hugis pusong mukha. At ang kanyang light brown na buhok na sigurado niyang bukas ay magiging itim na at magaspang. Bumaba ang kanyang tingin sa kanyang tayong-tayong dibdib na mas malaki sa karaniwang dibdib ng dalagang Pilipina. Ang kanyang flat na tiyan at ang kanyang mahahabang mga biyas na paniguradong makukulong sa wheelchair nang mahabang panahon dahil sa kanyang gagawing pagpapanggap. Ang kanyang pinkish at makinis na kutis. Wala siyang kasing ganda. She is the epitome of a perfect woman. No wonder, baliw na baliw ang kalalakihan sa kanya lalong-lalo na si Franco. Mapait siyang napangiti. This beauty has never been a gift. It has always been and will always be a curse. Sana tama ang naging desisyon ng Papa niya. Sana ang lalaking kanyang pakakasalan ay siyang sagot sa mga panalangin nila. At kung siya man iyon, handa siyang ibigay lahat ng kagandahang meron siya sa lalaking magmamahal sa kanya nang tunay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD