CHAPTER SIXTEEN- THE PROPOSAL Marahan niyang sinipa si Kaloy na nakaupo sa bandang unahan niya bilang hudyat na magsisimula na ang kanilang plano. Agad naman nitong na gets ang ibig niyang sabihin kaya kunwari itong nagpaalam para umihi na agad naman sinundan ni Nerius na kunwaring naiihi na rin. “Ang ganda ng langit.” sabi niya habang nakatingala sa langit kung saan ay unti-unti nang lumilitaw ang mga bituin.. “Parang gusto kong kumuha ng mga pictures para mas marami akong back up photos na puwede kong magamit sa magazine in the future. Puwede mo ba akong samahan, Nana?” naglalambing na niyakap niya ang braso nito. “Sige ba. Magaling akong kumuha ng mga litrato.” Game naman nitong sabi. Siya naman ay pasikretong kumindat kay Mang Kardo bago hinila palayo si Nana Vicky. Good t