CHAPTER FOURTEEN- NEW BEGINNING “You should aim properly.” inis na turo niya kay Kaloy. Ilang beses na kasing sablay ang tira nito sa balon gamit ang dart. “Huwag mo kasi akong i-pressure, Marie. I can’t concentrate dahil para kang professor ko na masungit diyan sa likod ko.” “Stop talking and just do it.” “Oo na.” parang kanina lang ay okay na sila pero ngayon ay talo pa nila ang mga batang nag-aaway. Lihim na lang siyang nanalangin na ma bulls’ eye nito ang balloon dahil gustong-gusto talaga niyang makuha si Pooh. Muli itong inasinta ang kulay berdeng balloon sa bandang gitna. Higit ang hiningang hinintay niya na ihagis nito ang dart pero hindi pa rin nito natamaan “Fudge!” hindi niya napigilang mura. “Ano ba iyan, Kaloy. Ang galing mo sag anito noong bata pa tayo pero