CHAPTER TWENTY SEVEN- THE TRUTH CHARLES FLASHBACKS He’s been kneeling for almost half a day at namamanhid na rin ang kanyang mga tuhod pero wala na siyang pakialam. Totoo nga ang sinasabi ng marami, when you ask for something impossible, you’ll end up praying to God and it’s not a big deal for him because he’s a devoted Christian. “Please God, help my brother. Sila na lang ang meron ako. Gagawin ko ang lahat just save him, I’m begging you.” “Kuya…” napalingon siya kay Cara na tulad niya ay hilam rin sa luha ang mata. Naupo ito sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. “Hindi ka dapat nandito. You should rest. Alam mo namang bawal sa iyo ang mapuyat o malungkot nang husto.” “I can manage. I’ve been trying to calm myself down pero hindi mawala sa isip ko ang mag-alala para