Chapter 2

1177 Words
Kasalukuyang napasandal si Hecthor Dela Vega sa kanyang couch habang pinapaikot niya ang bola ng basketbol sa kanyang hintuturo. Being on paid leave was not his idea of a good time. But more like a torture. Akala pa naman niya na ma e-enjoy niya ang kanyang vacation leave na mag-isa pero mali pala siya. Nami-miss din niya minsan ang sumuong sa panganib. Thirteen years na siya bilang alagad ng batas pero kailanman hindi siya nakaramdam ng pagkabagot, ngayon lang na wala sana siyang dapat alalahanin dahil on vacation leave siya pero sobra na siyang na bored sa ikalawang araw pa lang. Ngunit malaki nalang ang kanyang pagkagulat ng may malakas na kalabog siyang naririnig, kasabay non ang pagyanig sa buong kubo niya. Lindol! Iyon agad ang pumasok sa isip niya, subalit may nakakasilaw na liwanag na tumama sa mukha niya na parang headlight ng sasakyan. Nang malinaw na niyang naaninag ito, front bumper nga ng kotse ang nakikita niya. Pusang gala! Sino kaya ang nakapasok sa kanyang lungga? Naalarma siya dahil walang sinumang nakakaalam sa sekretong lungga niya out of nowhere bukod sa mga kaibigan niyang agent din. And now someone was violating the safety zone he'd created. Sino kaya ang mapangahas na tao ang tumahak at sumira sa lungga niya? Kung kalaban man ito, humanda ito at hindi na ito makakalabas ng buhay. Agad naman niya na kinuha ang baril na ipinatong lang niya sa mesa. Ikinasa niya ito at pinaputokan ang sahig para lang mabigyan ng banta ang taong nakabunggo sa lungga niya. The wood creaked and splintered. Studs crumbled. At ang kaninang nakakasilaw na headlight ay bigla nalang namatay. Mahigpit naman niyang hinahawakan ang baril at inasinta ito sa gawi ng driver's seat. Nang medyo makalapit na siya sa kotse, doon lamang niya naaninag na babae pala ang trespasser. Pero hindi ito gumagalaw. Nawalan kaya ito ng malay sa pagkabangga? Sa nakikita niya hindi ito nakasuot ng seatbelt, which he found odd. Tsk, kaskaserang driver. Pero hindi siya dapat magpalinlang, baka taktika lang iyon ng kalaban. If she moved, patay kang bata ka. Dahan-dahan siyang lumapit dito at alerto lamang siya dahil hindi pa niya nasisiguro kung kalaban ba ito o hindi. "Iangat mo yang mukha mo." Alam niyang naririnig siya nito dahil nabasag ang windshield nito. Pero hindi ito tumalima sa kanya. Bagkus malakas niyang ikinasa ulit ang baril at itinutok ito sa ulo ng babae. Napaangat ito ng ulo at napasigaw sa takot. "Tumahimik ka!" naiiritang saad niya. Ang lakas kasi ng tili nito na parang makakasira sa eardrum niya. "A-ano?" "Wag na wag kang gagalaw." Nang akmang bubuksan na sana ng babae ang pinto, he lifted his foot and kicked it shut on her again. "Hey!" "Hep, hep, hep! Hindi ka nakikinig sakin. Stay right there." Tinampal naman ng babae ang kanyang noo. "Ano ba yang ginagawa mo?" "Setting the ground rules." Napataas lang ito ng kilay. "What?" "Pamamahay ko to." Nakikita niyang napapailing ito na parang hindi makapaniwala. "Hindi kita maintindihan." He didn't know what to believe. Ang lakas kasi ng loob ng babaeng ito at ginawang garahe itong maliit niyang pamamahay. Nakatingin naman ang babae sa itinutok niyang baril tas ibinalik ulit agad ang tingin nito sa mukha niya. "Sino ka ba?" "Huh! Ikaw pa itong may ganang magtanong samantalang ikaw ang sumira at nanggulo sa pamamahay ko?" "Ako..." sambit nito at nakita niyang napapalingon ito sa paligid. "Did I crash?" maang nitong sabi. Pero hindi bumenta kay Hecthor ang pag maang-maangan nito. "Uh yeah. Ano sa tingin mo?" "Nasaan ako?" "Nasa gitna ka ng bahay ko. Ngayon, sabihin mo sakin ang pangalan mo." "Pia Lozano." Iwinasiwas niya ang hawak na baril nang magsimulang gumalaw ang babae. "Stay right there." "Kailangan kong gumalaw." "Nasaktan ka ba, Pia?" Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "Ewan, hindi ko alam." May pagka pilosapa din ah! Hindi iyan ang inaasahang sagot niya. "Simple lang naman ang tanong ko. Oo o hindi?" "Hindi masyado." Oo o hindi lang eh, dinagdagan pa nito. Bagama't na cha-challenge tuloy siya sa babaeng ito. "Anong ibig mong sabihin?" "Namamanhid na kasi yong mga paa ko." Oo nga naman Hecthor, nabunggo kaya ito. Kalaban man ito o hindi, nangangailangan pa rin ito ng medical na atensyon. "Okay, bumaba ka na diyan sa kotse ng dahan-dahan." Yumuko ito saglit saka nag-angat ng mukha. "Hindi ko maigalaw ang isang paa ko." Nag-aalala naman siya bigla sa babae kaya agad niya itong pinagbuksan ng pintuan sa kotse. Nakita niyang naipit pala ang isang paa nito at medyo nasugatan rin ang paa nito. "Ako na ang maglalabas sayo diyan." Malakas niyang hinawi ang bagay na nakaipit nito saka inalalayan ito pababa ng kotse. "Here you go." Hands shaking, hair hanging in front of her eyes, she turned to the side and got one foot out of the car. On her first attempt to get up her knees, her legs wobbled and every inch of her trembled, but she managed to stumble to her feet with him for support. "Thanks." sambit ng babae. "Ayos ka lang?" tanong niya nang tuloyan na itong makababa sa kotse. "I think so. Medyo kumirot lang ang ulo ko. Pano ba ako napunta dito?" "Iyan din ang itatanong ko sayo." Iginiya niya ito sa kanyang couch at pinaupo. Pinagmasdan naman niya ng maigi ang babae. Mukhang nasa middle twenties ang edad nito. Balingkinitan ang katawan at may maamong mukha na hindi mo matutukoy kung santa ba ito o santita. Ano kaya ang kailangan nito, tubig lang o ambulansya? Pero hindi talaga niya maaalok ang pangalawa. Nasa isang liblib sila na lugar na malayong-malayo talaga sa sibilisasyon. Kung tutuosin nga, pwede naman siyang magbakasyon sa isang mountain resort o kaya beach resort, pero mas pinili pa rin niya ang sekretong lungga dahil dito niya palagi natatagpuan ang kapayapaan at malayo sa kapahamakan. "Sabihin mo sakin kung pano ka napunta dito." demanda niya. "Dito?" "Saan pa nga ba?" "Ano kasi..." napakurap-kurap ang mga mata nito. "Ano?" "Kailangan ko munang--" akma itong tatayo pero pinigilan niya ito. "Hindi mo kasi maiintindihan eh." Tinapik niya ito sa balikat. "Sige na ipaliwanag mo na sakin." "Kailangan kong tumawag ng pulis." "Bakit?" "May nangyari kasing aksidente." Iyon yata ang hinding-hindi niya papayagan. Sekreto nga niya na lungga ito eh, at may ibang tao pa siyang papupuntahin?. "Nakatulog ka ba sa iyong pagmamaneho?" "Hindi." mariin itong napapailing. "May kasama ka ba diyan kanina sa kotse mo?" Sinipat nito ang kanyang bulsa at tila may hinahanap ito. "Nandito lang yon kanina eh." Watching her move, he still couldn't tell what was happening. "Ano bang hinahanap mo?" "Cellphone ko. Kailangan kong makatawag ng pulis." "Pia, makinig ka sakin." Bigla nitong tinampal ang noo. "Naalala ko na. Nahulog ko pala ito." "Hindi na mahalaga yon." saad naman niya. Napahinto ito bigla at tinitigan siya. "Anong sinasabi mo?" "Mabuti pang sabihin mo nalang sakin kung anong nangyari sayo bago ka napunta dito." Nakita niyang napapalunok ito. "May nabundol akong tao." Iyon nga ang kinakatakutan niya. Hindi lang pala ang kawawa niyang kubo ang biktima nito, ang matindi ay tao pala ang una nitong biktima. "So, there was a car accident?" "Magmanman ka lang sa paligid mo." "So malapit lang dito mo siya nabundol?" "Not exactly." "Aksidente lang ba ang pagkabundol mo sa kanya? Kailangan ba niya ng tulong?" "No." parang wala sa sariling sagot nito. "Pia?" "Sa palagay ko patay na siya." nanginginig na sambit nito. Hecthor had no idea who the "he" was or what was happening, pero sa tingin niya kailangan pa rin niyang pakalmahin ang babae, kaya sinubokan nalang niya. "Hindi naman siguro." She stared him down. "Sana nga hindi." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD