NATHAN "Ang lalakas ng loob n'yong tanggapin ang hamon, hindi naman pala kayo marunong maglaro ng basketball. Tsk," pahayag ko sa limang henyong nakatayo ngayon sa harap namin. Yes, hindi lang ako ang narito sa gym. Kasama ko rin ang mga gago kong kaibigan. Sino pa ba? Ang mga Blue Orions. Sila lang naman ang gago sa buhay ko. Ang lapad pa naman ng ngiti ko kahapon nang pumunta sa 'min si brother-in-law at sabihing kailangan niya ng tulong ko. "Anong ginagawa mo rito, bata?" bungad kong tanong nang pagbuksan ko ng pinto si Miller. "Sabi mo kapag kailangan ko ng tulong, tutulungan mo 'ko, 'di ba?" Noong una, nagtaka pa 'ko sa sinabi niya, pero unti-unti rin akong napangisi. "Oo naman. Sino ba ang babae at kelan mo balak ligawan?" "Hindi iyon ang kailangan kong tulong mula sa 'yo, Kuy