ERICE Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayong Linggo ang huling araw ng practice namin ni Van para sa musical project. And so far, okay na naman ang practice namin kaya magre-record na kami ng video habang kumakanta. "Just relax and be comfortable. Let's enjoy the song." Iyan ang eksaktong sinabi ni Van kaya naman tinanggal ko ang hiya ko sa kanya at nag-enjoy. Hindi na rin ako naiilang tumingin sa kanya sa tuwing magkakaroon kami ng eye contact sa isa't-isa habang kumakanta. He smiled often when we sing together. Halatang nag-e-enjoy rin talaga siya sa pagkanta. He really loves music. Hindi na 'ko magugulat kung madi-discover ang G5 dahil talagang may potential silang maging singers. They have the talents and the looks. Nang pumunta ako sa studio ni Van, nai-setup na niya ang mga