ERICE I closed my eyes and took a deep breath. Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin dito sa rooftop. Agad din akong napamulat nang lumitaw sa isip ko ang guwapo at maamong mukha ni Van. At hindi ko rin napigilang mapangiti nang maalala ang nangyari last Saturday. Wala siyang anumang sinabi at hinayaan niya lang akong umiyak sa likod niya. After that, hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil sa nararamdaman kong hiya kaya halos hindi na rin kami nakapag-practice ng hapon na 'yun. Then last Sunday, hindi kami nag-practice dahil may importante raw siyang pupuntahan. I don't know, but a part of me kept telling me that it was just an alibi. Para bang alam niya na hindi pa rin ako okay kaya sinabi na lang niya iyon para hindi kami mag-practice. I think, he's being sensitive and con