Chapter 8 : Compromise

3067 Words
*Carmela's POV* "Ready ka na lumipat ng House? " Napatigil ako sa pagliligpit ng gamit ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nakasandal sa gilid ng nakabukas na pinto ko si Glaiza.  Gaya ko ay suot din nya ang  Uniporme naming mga Earth User.  At meron din siyang gintong badge sa kaliwang dibdib niya. Napabuntong hininga ko at tila nahahapong umupo sa kama ko.  Nagkibit balikat lang din ako kay Glaiza at tumingin sa ilang gamit na dadalhin ko sa paglipat ng Lumiere. Ang totoo ay hindi ko alam ang nararamdaman ko.  May parte ko ang kinakabahan sa gagawing paglipat ko.  Lalo na at ang tinuturing naming 'kaaway' ang makakasama ko ng ilang linggo. Pero hindi ko rin maikakaila na may maliit na parte ng kalooban ko ang nagsasaya sa nangyari. Lalo na at ako ang piniling maging prey ng taong buong akala ko ay kinalimutan na ko. Hindi ko na siya kailan man nakausap mula ng maaksidente ako.  At sa tuwing magtatgapo naman ang landas namin ay parating nilalampasan niya lang ako.  Ni hindi niya ko sinusulyapan ng tingin man lang, bagay na kinalungkot ko. Sinubukan ko naman siyang kausapin to the point na hinarangan ko pa silang magkakaklase para lang makausap siya.  Naalala ko pa ang kaba ko ng mga oras na yun , lalong lalo na ang bilis ng t***k ng puso ko. Pero sa kinadismaya at kinabigat lalo ng loob ko ay ng tangihan nya ang alok kong magusap.  Pagkapahiya,  tampo at galit ang naramdaman ko sa kanya pagkatapos nun.  Kaya kahit na nakikita ko siya ulit ay umiiwas na rin ako. Ilang buwan din ang lumipas at marami ng naganap sa Academy.  Gaya nalamang ng Team battle kung saan kalahok din siya.  At ang katatapos lang na Elemental Hunt. At ng manalo ang Tean Omega kung saan siya at si Kaeden ang nagsilbing Leader ng pangkat nila ay saka sila humingi ng kakaibang klaseng premyo. Yun ay walang iba kundi ang matandang tradisyon ng laro.  Ang hunter at prey.  Kung saan ang mga nanalo ang magsisilbing Hunter habang ang taong pipiliin nila mula sa kabilang House ang magsisilbing Prey. At sa ikinagulat ko ay ako ang pinili ni Tyrone. Hindi ko mapigilang mainis at madismaya nung una.  Lalo na at medyo nakakasanayan ko ng malayo sa kanya. Medyo natutunan ko ng itago sa loob ko ang nararamdaman ko sa kanya at halos napilit ko na ang sarili kong huwag umasa.  Pero kung kelan nagtatagumpay na ko ay saka naman siya gumawa ng ganitong bagay.  Hindi ko alam kung nanadya siya o ano. At gulong g**o na din ako sa kinikilos niya. "Mela? " untag sa akin ni Glaiza. Napakurap ako at tumingin sa kanya.  Nakasandal parin siya sa may pintuan at nakakunot ang noong nakatingin sa akin.  May pagaalala din akong nakita sa mukha niya. "Huwag ka masyadong magalala.  Hindi ka naman siguro pahihirapan ng Lumiere. " sabi niya. Marahil ay iyon ang inaakala niyang kinakatakot ko.  Lumapit siya sa akin at umupo sa kama katabi ko.  Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin. "At kung sakali man na mali ako...  Huwag kang magatubiling sabihin sa amin.  Sigurado kong hindi papayag sila Marius na madehado kayo. " Ngumiti ako sa kanya at talagang na touch ako sa pagaalala niya.  "Huwag kang magaalala.  Kaya naman namin ang sarili namin. " sabi ko sa kanya at umismid.  "At sa tingin mo ba ay basta nalang kami papayag na magpaapi sa Lumiere. Syempre lalaban kami." Ngumiti rin siya sa sinabi ko. "Sabagay.  Basta.  Magiingat ka dun ha. " Bahagya akong natawa sa sinabi niya.  "Ano ka ba...  Parang ang layo naman ng pupuntahan ko.  Isa pa...  Sandali lang naman kami doon.  Hindi mo mamamalayan ang oras at siguradong makakabalik agad kami dito." Nagkibit balikat siya.  "Ewan ko lang...  Mula kasi ng pamasok ako ng Academy,  kaaway na ang turing ng magkabilang House sa isat isa.  Kaya medyo nakakapag-alala ang arrangement ng Prey at hunter. " nagaalalang sabi niya. "Huwag kang magaalala.  Hindi naman siguro aabot sa kung anuman ang hidwaan ng dalawang House.  After all...  Sa iisang Academy parin naman tayo nagaaral. " pagaassure ko sa kanya. Nagbuntong hininga siya pagkatapos ay tumango.  "Sana nga... " sabi nalang niya. Tinulungan nya ko magayos ng gamit ko pagkatapos nun. At ng maayos ko na lahat pati ang silid ko ay saka kami lumabas. "Mauna na ko,  kailangan ko pa kasing dumaan sa Clinic.  Magkita nalang tayo bukas sa House." Paalam ko sa kanya. Sandali nya kong niyakap at nag-goodluck bago kami naghiwalay. Bitbit ang ilang gamit ay nagtunggo ako sa Administrator's building.  Medyo marami parin akong iniisip nun kaya halos hindi ko namalayan ng makarating ako sa harap ng pinto ng Clinic. Kumatok pa ko ng ilang ulit bago iyon itinulak pabukas. Sumilip muna ako sa loob at tinawag si Ms Kath.  Pero ng walang sumagot sa akin ay pumasok nalang din ako ng tuluyan.  Pinuntahan ko ang pinakadulong parte ng silid kung nasaan ang mesa ni Ms Kath. Pero maging doon ay wala siya. Kumunot ang noo ko at tiningan ang orasan sa dingding.  Napaaga pala ako ng dating.  Meron pa kong tatlongpung minuto bago ang takdang oras ng gamutan ko. Sa dami ng iniisip ko,  sa kaba at excitement na din sa mangyayari ay hindi ko na napagtuunan ang oras.  Nagkibit balikat ako.  "Tutal ay nandito narin ako.  Hintayin ko nalang sila. Irja. " tawag ko sa spirit ko. Agad nagliwanag ang pendant ko at tumalon iyon sa mesa ni Ms Kath.  Ng mawala ang liwanag ay nakita ko na ang maliit na Hedgehog ko. May kailangan ka Mela? Tanong niya sa loob ng isip ko at tumingala sa akin. Nakangiting umiling ako at umupo sa silya na nasa harap ng mesa.  "Wala naman.  Gusto ko lang may makausap. " sagot ko. Naramdaman ko ang pagkaamuse niya at nagpaikot ikot siya sa mesa. Bahagya akong natawa sa kanya.  Lalo na sa tuwing bibilog siya at palalabasin ang malakarayom na balahibo niya. Umikot pa siya ng ilang ulit pero sa huling pagikot niya ay natabig niya ang mala bolang crystal na nasa mesa ni Ms Kath. Mabilis na gumulong yun at nahulog sa mesa. "Naku!" Gulat na sabi ko at sinubukang saluhin iyon.  Pero hindi ko na nagawang abutan yun at diretsong bumagsak sa sahig. Napangiwi ako ng tumama yun sa lapag. Pero nakahinga ako ng maluwag ng hindi yun mabasag at gumulong lang hanggang sa ilalam ng kamang pinakamalapit sa akin. Tumalon si Irja pababa ng mesa at mabilis na hinabol ang bolang crystal sa ilalim ng kama. Mabilis din akong lumapit at lumuhod doon.  Pagkatapos ay niyuko ang ilalim para tingnan ang bola. Nakita ko si Irja na tinutulak pabalik ang bola.  Pero dahil narin sa laki niyon ay nahihirrapan siyang itulak iyon ng mabilis sa akin. Sinubukan kong abutin iyon pero masyado pa silang malayo sa akin. "Konti nalang Irja. " Sabi ko at nakita kong muling itinulak ni Irja ang bola.  Gumulong iyon at gahibla nalang ang layo sa daliri ko ng marinig kong bumukas ang pinto.  Kasabay nun ang pagpasok ng kung sino. Natigilan ako at nanlaki din ang mata ko. Naku!  Pasensya na Mela. Paumanhin ni Irja. Napangiwi ako.  At nagalinlangan magpakita sa sinumang pumasok. Huwag kang magalala.  Hindi naman nabasag.  Sabihin nalang natin ang totoo.  Mabait naman si Ms Kath.  Hindi naman siguro siya magagalit. Sabi ko sa kanya. Huminga muna ko ng malalim bago nagdesiyong magpakita na.  Pero natigilan ako ng may magsalita. "Tyrone. Hindi mo parin ba sinasabi sa kanya ang totoo? " tanong ng isang babae at base sa boses nun ay alam kong si Ms Kath ang nagsalita. "Wala naman po kong dapat sabihin. " Parang tumalon ang puso ko ng marinig ang boses ni Tyrone. At sandali ring tila huminto ang baga ko. Narinig kong huminto ang mga yapak nila di kalayuan sa akin. "Bakit ayaw mong sabihin na ikaw ang gumagamot sa kanya?  Na kapangyarihan mo ang nagdudugtong ng buhay niya? And for months nagtyatyaga at nagpapakapagod ka para masigurong gagaling siya." Sabi ni Ms Kath na kinanoot ng noo ko. Si Tyrone...  Siya ang.... Naguguluhang isip ko. Hindi ko rin magawang paniwalaan o intindihin man lang ang naririnig ko. Sandaling natahimik ang paligid bago sumagot ulit si Tyrone. "Ano sa tingin nyo ang mararamdaman ni Carmela kung malalaman nyang kaaway niya ang tumutulong sa kanya? " ganting tanong ni Tyrone maya maya. Doon na ko hindi nakatiis.  At bago ko pa maisip ang sasabihin ko ay kusa ng lumabas ang mga salita sa bibig ko. "Magpapasalamat parin ako sa kanya." Sabi ko at tumayo. Nakita kong marahas na napatingin sa akin sila Tyrone at Ms Kath.  Halatang hindi nila inaasahan na nandito na ko.  At lalong hindi nila inaasahan na maririnig ko ang paguusap nila. Nakita ko pa ang pagkabigla sa mukha ni Tyrone bago siya napakurap at nagiwas ng tingin sa akin. Nagpalipat lipat naman ang tingin ni Ms Kath sa amin bago ko siya nakitang bumuntong hininga.  "Carmela.  Mabuti at nandito ka na din. Gusto mo bang simulan na ang gumutan mo? " kaswal na tanong ni Ms Kath.  Sandali akong hindi sumagot sa kanya at nakatingin lang kay Tyrone.  Pero hindi na nya sinalubong ang tingin ko. Muli kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko.  Bago ako huminga ng malalim at tumango kay Ms Kath. Tipid na ngumiti naman siya at sandaling tiningnan si Tyrone bago pumunta sa cabinet kung saan niya nilalagay ang mga potion,  elixir at kung ano ano pang gamot na ginawa nila. Kinuha niya doon ang isang pamilyar na bote at lumapit sa akin.  Ibinigay niya iyon pero imbes na abutin ay tiningan ko siya ng diretso. "May iba pa po bang ginagawa yan bukod sa patulugin ako? " Kumunot ang noo niya sa tanong ko pero maya maya ay sumagot din siya.  "Wala. " "Kung ganun...  Pwede ko naman pong hindi inumin yan habang pinapagaling ako ni Tyrone? "  tanong ko na kinabaling sa akin ni Tytone. Nakita kong umangat ang gilid ang labi ni Ms Kath pero mabilis niya ding itinago iyon at sinagot ako. "Pwede naman. Wala namang mababago kung sakaling gising o tulog ka. " "Pero Ms Kath.... " mabilis na tutol ni Tyrone. Hinarap ko siya at mabilis ding nagsalita.  "Wala naman ng point na patulugin ako Tyrone.  Alam ko na ang ginagawa mo.  Kaya ano pang kinababahala mo? " tanong ko sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagsisikap niyang magisip ng ibang dahilan.  Kaya bago pa siya magtagumpay ay muli akong nagsalita. Tiningnan ko si Ms Kath sa mga mata.  "I refuse na inumin yan.  Kung pagagalingin nyo ko mas gusto kong gising ako." Nakita ko ang pagkaamuse sa mga mata niya bago niya nilingon si Tyrone. "I think wala ka ng choice kundi gawin ito ng gising siya. " Bumukas ang bibig ni Tyrone na animo magsasalita ngunit ng itinikom nya rin agad yun at tiningnan ako ng diretso. Matapang kong sinalubong ang tingin niya.  At ng makita nya na walang anuman sa sasabihin nya ang makakapagpabago ng desisyon ko ay saka siya napabuntong hininga at tumango. Sumibol ang galak sa puso ko at pinilit ko ang sarili kong mapangiti sa harap nila. "Good.  Then Mela,  maupo ka na sa kama.  Ng masimulan na ni Tyrone ang dapat nyang gawin. "Utos ni Ms Kath. Tumango ako at umupo sa kamang nasa harap ko.  Kumilos naman si Ms Kath at pupunta na sana sa mesa nya ng pigilan ko siya. "Sandali po. " "Hmm?." "Gusto ko lang pong ibigay to." Nahihiyang sabi ko sabay abot sa kanya ng bolang crystal na hawak ko.  Nagawa ko kasing makuha iyon bago pa man ako tumayo kanina. "Sorry po.  Nahulog ko.  Hindi ko naman po nabasag. " Ngumiti siya at kinuha ang bola sa akin. "Salamat. Sige na sumandal ka sa Headboard.  Para makapagsimula na kayo." Utos niya at tumingin kay Tyrone. "Tyrone? " Saglit na nagalangan si Tyrone bago lumapit sa akin.  Umupo siya sa gilid ng kama ko habang sumandal naman ako sa Headboard. Parang biglang nabuhay ang puso ko sa lapit niya at ramdam ko ang mabilis na pagtibok niyon. At ng iangat niya ang tingin sa akin at magtagpo ulit ang mga mata namin ay muntikan na kong mapasinghap.  Mabuti nalang at napigil ko ang sarili ko. Bigla rin akong tinamaan ng hiya sa paraan ng pagtitig niya. At kahit natetemp akong magiwas ng tingin ay hindi ko ginawa. Ayoko kasing palagpasin ang pagkakataong ito . Ang makita ulit ang mga mata niya at makasama siya ng ganito kalapit. Bumaling siya sa nga kamay kong nasa kandungan ko at marahan niyang inabot iyon. At sa unang dampi palang ng balat namin ay parang napaso na ko sa init ng kamay niya. Napahugot ako ng hangin mabuti nalang at hindi siya nakatingin sa akin kung hindi ay baka lalo lamang akong mahihiya sa harap niya. Itinaas niya ang kamay ko at hinawakan gamit ang dalawang kamay niya. Parang gumapang ang init mula sa mga kamay namin papunta sa buong katawan ko at ng muli niya kong tingnan sa mga mata ay parang gusto kong magsisi na hindi ko tinanggap ang pampatulog ni Ms Kath. Mas mahirap pala to!  Baka mamaya himatayin nalang ako bigla. Naramdaman ko si Irja na tumabi sa akin at nakita kong naglabas ng flare si Tyrone.  Binalot ng asul na liwanag nun ang katawan niya tanda na binuksan na niya ang pinto ng kapangyarihan niya. Nakita ko ding binalot ng liwanag ang magkahawak naming kamay at unti unti iyong gumapang sa braso ko hanggang sa balutin narin nun ang katawan ko. Naramdaman ko pa ang kakaibang lamig na dinulot niyon sa akin.  Lamig na nagpakalma kahit papaano sa nagwawalang emosyon ko at nagparelax sa katawan ko. "Just relax." Sabi ni Tyrone.  Napatingin ako ulit sa mga mata niya.  At nakita ko doon ang pagaalala niya. He looked at me tenderly.  At parang gusto ko maluha,  ngayon ko nalang kasi ulit nakita ang ganoong emosyon sa kanya mula ng magkita kami dito sa Academy. Huminga ako ng malalim at pipikit na sana para mas makapagconcentrate ng maayos ng magsalita siya ulit. "Don't " pigil niya sa akin. Kunot noong napatingin ako sa kanya.  "Just...  Keep your eyes open. I want to see them." Mahinang utos niya.  At halos tumigil ang puso ko sa sunod na sinabi niya.  "I want to see you. " "Tyrone... " nausal ko. Tipid na ngumiti lang siya at ng maramdaman kong naabot na ng kapangyarihan niya ang utak ko ay napasinghap ko.  Kakaibang lamig kasi ang naramdaman ko. Parang binalot nun hindi lang ag utak ko,  kundi pati narin ang buong katawan ko.  At dahil doon ay tila namanhid ang katawan ko.  Nagsimula akong magpanick at sinubukang bawiin ang kamay ko sa kanya. Hinigpitan naman niya ang pagkakahawak sa akin. "Mela.  Just look at me." Mariing utos niya. Nagfocus ako sa mga mata niya at maging sa pakiramdam ng mga kamay niya sa kamay ko. Mainit ang mga iyon.  Taliwas sa pakiramdam ng kapangyarihan niya sa loob ko. Itinaas ko pa ang isang kamay ko at hinawakan ang kamay niya.  Naramdaman ko ulit ang init niyon at nakadagdag iyon sa init na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kaming ganun. Pero sa kabuuan ng proseso ay hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya.  Ganun din siya at hanggang sa matapos ay nakatingin parin siya sa akin. Naramdaman ko ng alisin niya unti unti ang kapangyaruhan niya sa akin. Lumamlam din ang liwanag ng Flare niya hanggang sa tuluyang mawala iyon kasabay ng pagkawala din ng liwang sa mga kamay namin.  Unti unti ding nanumbalik ang init ng katawan ko  at bahagya akong nakahinga ng maluwag. Ibinaba niya ang kamay ko at marahang binitiwan iyon.  Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang katawan ko kung hindi pa niya ko hinawakan sa magkabilang braso. "Ayos ka lang? " tanong pa niya. Hinimas din nya ang braso ko para mainitan ako kahit papaano.  Pero ng makita niyang hindi parin nabawasan ang panginginig ko  ay hinubad niya ang blazer niya at pinasuot sa akin. Pumaikot sa akin ang pamilyar na amoy nya at ganun din ang init ng katawan niya.  "Mas mabuti sigurong mahiga ka muna." Nagaalalang sabi niya. Umiling ako at tipid na ngumiti sa kanya. "Sigurado ka, Mela? " tanong ni Ms Kath.  Nakalimutan kong nandito din pala siya.  Sandali niya kong tiningnan at inanalisa ang lagay ko.  Naramdaman ko namang nanumbalik na ang init sa mga pisngi ko kaya malamang na bumalik na rin ang kulay sa mukha ko.  Napatango si Ms Kath. "Sige.  Manatili ka muna dito.  Kapag ayos na ang pakiramdam mo saka na kayo tumuloy ng Lumiere.  Hindi ba at dun na din ang punta mo pagkatapos dito? " tanong ni Ms Kath.  Sinulyapan nya rin ang gamit na nabitawan ko malapit sa mesa niya kanina. "O-opo." Medyo nanginginig pang sabi ko. Lumapit sa akin si Tyrone at pinaikot sa akin ang isang braso niya.  Na para bang napakanatural na gawin yun. Napatingin ako sa kanya. "I'm just keeping you warm." Parang nahihiyang sabi niya.  Pagkatapos ay kumunot ang noo niya at tumingin sa paligid niya.  "Asan ba kasi ang mga kumot? "Tanong niya at bumaling kay Ms Kath. Nakita kong nagpigil na ngumiti si Ms Kath at tumalikod.  "Nasa laundry. " sagot niya at pumunta na sa mesa niya. "Lahat?" Nagdududang tanong ni Tyrone. "Yup." Sagot ni Ms Kath at umupo. "So do your part as her Hunter.  Keep her warm. Para maging komportable siya. " sabi niya at parang gusto ko siyang yakapain sa mga oras na to.  "But!  Don't do something inappropriate. Nakabantay parin ako rememeber. " banta pa niya. Parang kamatis siguro ang pagkapula ng mukha ko sa sobrang hiya dahil sa sinabi niya. Napamaang naman si Tyrone.  "Grabe!  Ganyan po ba ang reputasyon ko?  Kung si Simon magisip nun nanitindihan ko pa.  Pero kayo? " sabi niya at napailing. Napangiti nalang si Ms Kath.  "Oo na. Huwag ka ng maingay at may gagawin pa ko.  Istorbo ka." Sabi niya at inilabas mula sa drawer ng mesa nya ang ilang folder. Muling napabuga ng hangin si Tyrone pero hindi naman na siya nagsalita pa. Naramdaman kong hinimas niya ulit ang mga braso ko. "Nilalamig ka pa ba? " tanong niya. At kahit pa sinubukan niyang itago ay nahimigan ko pa rin ang pagaalala sa boses niya. Tumango ako. "Oo." Sagot ko at humilig sa balikat niya.  Naramdaman ko ng matigilan siya saglit bago muling narelax ang katawan niya. Napangiti ako at ipinikit ang mga mata ko.  Kahit sandali pa.....  Kahit konting oras pa. Nanamnamin ko muna ang mga sandaling ito. "Tyrone.." Pabulong kong tawag sa kanya. "Hmm? " "Your not my enemy. " sabi ko.  Naramdaman ko ang pagkilos niya at kahit hindi ako magmulat ng mata ay alam kong nagtataka siyang yumuko sa akin. "What you said earlier.  Gusto ko lang klaruhin.  Hindi kita kaway.  I never treated you as one.  Never. " sabi ko. Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim pero hindi na siya nagsalita pa. "Thank you. " bulong ko pa. Ilang minuto din ang lumipas bago ko naringi ang sagot niya. "Your always welcome." Pabulong ding sagot nya. ________________________________ A. N WEEE... nakapagupdate din.  Hehe sorry for the long wait.  Medyo busy na sched this November.  T_T Salamat sa votes and comments. Shane_Rose
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD