NAKALIGO na ako at nakabihis na rin ng usual na damit na sinusuot ko. Mamaya lamang ay dadaanan na ako nila Kuya Jerome, nasa backpack ko na rin ang ibang damit na susuotin ko sa contest, pang-casual, sports, swimsuit wear and ang aking gown, hindi pwedeng makalimutan iyon lalo naʼt nasa box pa siya. Hindi ko inalis baka kasi magkaroon ng alikabok at saka hindi naman mabaho. Wala talaga akong kinalimutan, nagbaon nga rin ako ng extrang white shirt for sa casual wear and damit para sa after ng event ay magpapalit ako. Iyong mga sapatos naman ay provided ni Mia, wala kasi akong shoes na babagay sa gown ko at sa sport wear — wala akong white shoes. Mabuti na lamang ay magka-size lang kami ng paa. Laking ginhawa namin nang dahil doon. “Isla, nandito na ang boss mo! Naka-ready na ba lahat ng