Kabanata 2

819 Words
I don't know what I'm feeling right now. I'm not sure if it's hatred, pity, anger or regrets. Kung hindi ko ba ginawa ang desisyon na 'yon ganito pa rin ba ang kalalabasan? Try to think of it. Siguro, kung hindi ako nagpanggap bilang s'ya, baka hindi ganito kasakit ang mararamdaman ko. Baka nagkaroon ako ng panahon para mahanap 'yong taong para sa akin. Siguro, unti-unti ko na noong natanggap na hinding hindi n'ya ako mamahalin. How stupid of me right? Kahit anong gawin ko, hindi ko na mababago pa ang lahat. Kung sana lang, nakinig ako kay Yl. Kung sana tinanggap ko na lang ang tunay na sitwasyon ko. But no! Sumobra nga ata ang tiwala ko sa sarili ko. Yeah, sa desisyon kong 'yon , pinagkatiwalaan ko ang sarili ko. How come na ako mismo ang bumigo sa akin? Pinahid ko ang luhang naglandas sa aking mata. Mula noon hanggang ngayon, s'ya ang dahilan ng pagluha ko. S'ya at s'ya ang dahilan ng mga desisyon ko. Desisyong hindi ko na inalam kung nasa tama pa ba o mali. Noon pa lang, sa kan'ya na tumibok ang bata kong puso. Habang s'ya, sa iba tumitibok ang puso n'ya. Everything about me. He hates it. Ang way ng pananamit ko, way ng pananalita ko, buhok ko. Pati ata paborito kong mga bagay hindi n'ya gusto. Lahat lahat ng maganda sa akin, hindi ko na rin tinignan. Mula noon hangang ngayon, binabago ko ang sarili ko para sa kan'ya. "L, ako na lang ang suklayin mo. Hindi ako maiinis promise." Nakangiti kong sabi sa kan'ya. Subalit sumama naman ang timpla ng mukha n'ya. Para bang may mabaho sa sinabi ko. "Ayoko ng buhok mo. Ang pangit. Tuwid na tuwid, unlike Sar na wavy at maganda ang pagkakakulot." Ngumuso ako sa sinabi n'ya. Lahat kaya ng nakakakita sa buhok ko ay gandang ganda. Sabi nila, hindi na raw kailangan ng kahit na anong ayos. Samantalang lagi namang inaayos ni mommy ang buhok ni Sar kasi kulot nga ito. "Maganda kaya buhok ko. Marami ang nagsasabi. Siguro crush mo ako kaya iniinis mo ako ano?" Bumungisngis ako sa sariling sinabi. Dad said, ang mga boys daw ay nangiinis para mapansin ng crush n'ya. "No. I like Sar more than you. Ayoko sa pangit na tulad mo." May inis na sabi n'ya. Nagumpisang mamasa ang gilid ng mata ko. Hindi ba n'ya alam na dapat hindi n'ya pinapatulan ang bata? Eleven years old na s'ya kumpara sa aking eight pa lang. Bad talaga s'ya. "Salbahe ka talaga L. Sabi ng lahat magkamukha lang kami ni Sar. Kaya kung maganda s'ya, maganda din ako!" Naiiyak na gatol ko. Totoo naman 'yon.   Iisa lang ang mukha namin. Ang buhok at ang pananamit lang namin ang naiiba. Mahilig ako sa damit na maluwag habang nakashort. Sar loves to wear dresses. Palagi pang nakapusod ang buhok nito, samantalang ang akin ay nakalugay lamang. Pero hindi daw kami nagkakalayo. "You're not the same. Mas maganda s'ya sa'yo. Look at your outfit. Babae ka ba talaga? Look at your hair, palagi na lamang nakabuhaghag. Sabog sabog sa mukha. Ang mga gamit mo hindi angkop sa'yo. Madungis ka at walang ginawa kundi maglaro. Unlike Sar na nagaaral palagi. Kita mo na? Magkaiba kayo. I like Sar, I hate you." Doon na tuluyang bumagsak ang luha ko. Bakit ba ayaw n'ya ang lahat sa akin? Hindi naman ako bad. Mabait nga ako eh. Marami nga akong friends. Mataas din ang grades ko. Hindi ko na kailangan basahin ng paulit ulit 'yon para matutunan. Pero ayaw n'ya pa rin sa akin. I asked Sar if she knows why L is mad at me. Sabi n'ya, siguro daw ay dahil sa sinabi ko noon. Dati kasi inakusahan kong bakla si L. Kasi hilig n'ya ang pusuran kami ni Sar, inaayusan n'ya kami ng buhok. Kung 'yon ang dahilan, hindi ba s'ya marunong magpatawad. I said sorry noong fifteenth birthday party n'ya. Nagsuot ako ng dress at takong para lang sa kan'ya. I did curl my hair para magandahan s'ya. Kahit pa nagkapaltos paltos ang paa ko sa takong na 'yon. Nagkarashes ako dahil sa damit na saksakan ng dami ng glitters. Ang buhok ko ay nagkaroon ng damage dahil raw hindi naman sanay sa mga ganoon. Kinailangan ko lang ipapaputol ng hanggang balikat dahil sa damage na nangyari . But still, hindi n'ya ikinatuwa. Mas pinili n'yang si Sar ang isayaw. Akala ko ba ayaw n'ya sa straight hair? Bakit sinabihan n'ya ng maganda ang outfit ni Sar? Ano 'yon? Nakakainis na s'ya. Lalo na kapag nanjan ang iba n'yang kaibigan. Pauli't ulit ang pagpuri n'ya kay Sar. Pagdating sa akin, lahat ata ng mali kong nagawa ang ibinibida n'ya. I am hurt. Pero anong magagawa ko? Kung sa ganoong paraan n'ya ako mapapansin, handa akong tanggapin lahat ng masasakit na papuri n'ya. Kahit pa ang naging hatid noon ay ang kawalan ko ng kompyansa sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD