Nagising ako sa sunod sunod at sabay sabay na alulong mula sa labas. Agad akong nagmadali. I hear voices, screams and growls.
Napasok kami. Mula ng pumasok ako rito ay hindi ako nakapagpalit ng damit, ngunit hindi ko na initindi pa 'yon. Ang mahalaga ay mahanap ko ang kinalalagyan nila daddy.
Bawat madaanan ko ay magulo. Nagkalat ang mga patay na katawan ng mga hunters. I know, talagang di nila kami titigilan hanggat hindi nakukuha ang pinuno nila. It's their fault. Nananahimik kami at sila ang sumusugod.
I heard Sar's voice. Agad akong nagpunta sa kwarto n'ya. Nanlaki ang mata ko ng makita ang sitwasyon n'ya. Sinong lycan ang magtatangkang sakalin ang prinsesa ng pack na 'to?
Kahit nakatagilid ay kita ko ang galit na galit na mata nitong matalim na nakatitig kay Sar. Tila ba parang gusto n'ya na itong paslangin.
"What do you think you're doin'? No one dares to touch her! Leave. Her. Alone." May diin na sambit ko. Takot? Wala akong nararamdaman noon. Taliwas na taliwas sa nakikita ko sa mukha ni Sar ngayon. Sa aming dalawa, ako ang palaban at s'ya ang ipinaglalaban. Noon pa man, ako ang talagang nahilig sa gulo. Alam kong mahina pa ako kung ikukumpara sa lycan na narito ngayon. I'm just Seventeen, gayon pa man, wala akong balak umurong. I am not called Devilous for nothing.
Unti-unti s'yang humarap sa akin habang hawak pa rin ang kapatid ko. Hindi ko inaasahan na ihahagis n'ya na lang si Sar bigla. Tuluyang nagliyab ang galit na nararamdaman ko.
Mabilis na nagbago ang aking anyo. Mula sa isang babaeng nakasuot ng bestida ay naging puti ang balahibong nakabalot sa katawan ko. Ang mga matutulis kong kuko ay mas lalo pang humaba.
Mabilis na pagtakbo patungo sa kan'ya ang ginawa ko.
Sa una'y lamang ako. Ngunit ang lakas ko'y hindi sapat. Walang kahirap hirap n'ya lamang akong naibato. Sa sementadong pader tumama ang likod ko. God! For Pete's sake! It hurts. Naririnig ko na rin ang hikbi ni Sar.
Bumangon ako at agad na tinalon ang nakatalikod na lycan sa akin. Kung may balak talaga s'yang pumatay, bakit kay Sar lang palagi s'ya nakatingin? And Sar won't let this happen. May kakayahan s'ya kahit papaano.
Muling pagtama ng ulo ko sa pader ang naramdaman ko. Ngunit bago mawala ang paningin ko, nakita ko ang pagdating ng isa pang Lycan na kanina ko pa inaasam na dumating. Hindi na ako nagpakahirap pang tumayo para ipagtanggol si Sar. Alam kong ligtas na s'ya. Nand'yan na si L para iligtas s'ya.
I open my eyes and everything is blurry. But not the voices I am hearing right now. The hatred is evident in that voice.
"Tito, s'ya lang naman ang gagawa noon! Look what happened to Sar. She don't deserve this. S'ya ang ang nagdudusa sa ginawa ng kakambal n'ya." It's me. It's me he's talkin' about right? Ano na namang kasalanan ko? I didn't do anything.
Tumayo ako upang agawin ang atensyon nila. Madali lamang ang naging paghilom ng sugat ko. I am a lycan after all.
Sabay na bumaling ang tingin nila sa akin. Bumalikwas si mommy at agad akong niyakap. Asking me if I'm okay. I just nod then face dad and him again.
I'm confused about the things he said.
"What do you mean?" Walang buhay kong tanong. Ramdam ko ang titig ni mommy sa akin. I didn't look at her, instead I directly look at him, straight in his eyes.
"I said, what do you mean? What did I do again?"
Unti-unting sumilay ang hilaw na ngisi sa labi n'ya. Pagkuway nagsalita.
"Come on Sam! Don't play innocent here. Walang ibang papatay sa taong 'yon kung hindi ikaw. You're the one who do the tresspass in Welsh. Ngayon si Sar ang nagdudusa!" Bawat sinabi n'ya ay parang saksak sa akin. I don't understand him.
Wala akong natandaang may pinatay ako. Dad told us not to kill if we don't have a reason. Bakit sa akin nakaturo ngayon?
"I didn't do it dad! You know me." I said. Nakipagtagisan ako ng tingin sa sarili kong ama. Pero si mommy lang ata ang kakampi ko sa mga sandali na 'yon. Even my own dad questioned me.
He didn't believe me. Since that day. He didn't even look at me in the eye. Matatanggap ko sana kung ako talaga ang may kasalanan. I don't even know kung sino ang lycan na 'yon. Hanggang ngayon hindi mag sink in sa utak ko na nasa kamay ng lycan na 'yon si Sar. Hindi ko alam kung bakit pinabayaan s'ya ni L. He's there. Malakas s'ya. He is destined to be the next alpha. How come na nakuha sa kan'ya ang kakambal ko?
Wala akong magawa kundi ang umiyak. Mom is always there for me. S'ya ang naging sandalan ko. Tumungtong ako sa edad na labinwalong taon pero walang nangyaring celebration. Mom is the only one who greeted me a Happy Birthday. Buong Lourden ay masama ang tingin sa akin.
Bakit nga naman hindi? The mistake I didn't know that I've did is the reason why my sister is in jail with that Alpha. Kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit mabilis na naipasa kay L ang posisyon na 'yon. Kailangan n'yang tapatan ang kakayahan na meron ang Alphang si Drebwqon Brenden.
But even without that title, I know he can. Anak s'ya ng Alpha ng Mourcy. And now the current alpha of the pack. Sapat na ang kakayahang mayroon s'ya.
Three years had passed. Sa loob ng isang taon ay hindi ako nagpakita kahit na kanino. Sapat na siguro ang dalawang taon ng pagpaparamdam na wala akong halaga sa kanila. I think of my mom, of course also with my dad. I bid my goodbye but I didn't told them where am I going.
That's when I meet Freel Moretz Leurken. My bestfriend. The Alpha of the mysterious pack Golduoin.
Kung normal na babae lang siguro ako ay makararamdam ako ng takot sa kan'ya. Akalain mo nga namang napilit ko s'ya na doon ako mabilang sa pack n'ya? Sa una'y napakahirap n'yang pakisamahan. Masungit at seryoso. Pero kapag nakilala mo na, sa kabila ng seryoso n'yang pananalita kadalasan doon ay biro. Hindi n'ya lang daw maexpress ang joker side n'ya since he's an Alpha.
Sa kan'ya ako natuto ng mga estante sa pakikipaglaban. Kung paano ko kokontrolin ang wolf ko kapag galit na galit na ako. He's the best. S'ya ang naging sandalan ko sa bawat problema ko. To tell you honestly, he's my ideal man. Akala ko may nararamdaman akong kakaiba sa kan'ya pero wala. Sa t'wing naririnig ko ang pangalan ng lalaking nanakit sa akin ay nararamdaman kong hindi pa rito natatapos ang kalbaryo ng puso ko sa kan'ya. He still owns my heart. Minsan nga'y inaasar na ako ni Freel na mamatay na ako sa sakit sa puso.
Sa kan'ya ako palaging umiiyak kapag naririnig ang balitang napakalaki na ng ipinagbago ng L. He became a monster. Kung noon ay hindi s'ya pumapatay ng tao, ngayon ay hindi. Pagkatapos n'yang gamitin ang isang babae ay pinapatay n'ya na rin ito.
Ngunit hindi pa 'yon ang dahilan ng kadalasang pagiyak ko. Kundi ang sakit na nararamdaman ko sa kaibuturan ng puso ko. Tila ba parang may pumipiga roon. Gabi gabi kong nararamdaman 'yon. Mas tumitindi nga lang ito sa di ko malamang dahilan. Naisip ko tuloy na baka malapit lang sa akin ang mate ko at nasasaktan s'ya sa ngayon.
Sometimes I asked myself. Handa na ba akong makilala ang mate ko? Paano kung hindi ko s'ya mahalin? Paano kung hindi ko s'ya kayang tanggapin?
But fate is playful. Isang gabi na naglalayag ako sa kakahuyan ay nakarinig ako ng alulong ng dalawang lycan. Agad akong nagtungo roon. Unang tingin pa lang ay alam ko ng s'ya ang isa doon. Panay lamang ang kalmot sa isa't isa kasabay ng pagbalibag. Sa una'y sinisino ko ang lycan na kalaban n'ya. Saka na lamang ako natauhan ng mapagtanto na ito rin ang lycan na nakaharap ko tatlong taon na ang nakalilipas. Drebwqon Brenden. The Rebelious Alpha of Welsh.
Agad itong tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. Hindi ko nagawang umilag dahil sa pagkabigla. Ang tanging naramdaman ko na lamang ay ang higpit ng kapit n'ya sa leeg ko at ang pagtama ng likod ko sa puno. Mabilis akong nagbago ng anyo ngunit bago pa ako makaamba ay humiwalay na s'ya sa akin at tumama sa isa pang puno.
Dahan dahan kong nilingon ang gumawa noon? Doon ko nasabing sana ay nanatili na lang ang tingin ko kay Dreb, kaysa salubungin ang mapanuring tingin ng lalaking kaharap ko ngayon.
Isang tili ang lumabas sa bibig ko ng hablutin nito si L at igayod sa dibdib nito ang matatalim nitong kuko.
Sinubok kong agawin ang atensyon n'ya. Nanlaban ako at napuruhan ko s'ya sa bandang kanan ng mukha. Bago n'ya kami iniwan ay nakita ko pa ang ngisi nito sa akin.
Walang lakas na napahiga ako sa lupa. Hindi pa nagtatagal ay naramdaman ko na ang sakit na matagal ko ng nararamdaman. Huli na ng narealize ko kung kanino galing ang sakit na 'yon. Galing sa lalaking nagiisang dahilan ng pasakit ko sa buhay.