Rebound Girl For Hire Chapter 7 “NAIINTINDIHAN ko kung bakit kailangan mong umalis sa trabaho, hija. Marahil ay hindi sapat ang sinasahod mo rito sa souvenir shop kaya nawiwili kang mag-resign.” Nabalot ng panghihinayang na hinaluan ng lungkot ang tinig ni Professor Johnson na siyang may-ari ng pinapasukang souvenir shop ni Natasza. Sa araw na iyon ay sinadya niyang kausapin si Professor Johnson upang magpaalam na aalis na siya sa trabaho. Mahigit isang linggo pa lang siyang namamasukan bilang saleslady sa naturang shop pero kung umarte si Professor Johnson ay dinaig pa ang mawawalan ng isang kidney. Kung sabagay minahal nga naman niya ang pagiging saleslady doon kaya ganoon na lamang kung manghinayang ang may-ari sa biglaang pag-alis niya. “‘Di naman ho sa ganoon, Sir. Hayaan mo’t p