Rebound Girl For Hire Chapter 16 "WALA NA bang mas ibabagal pa itong bulok mong kotse, Waris? Pambihira naman! Ka-rich kid mo tapos car mo bulok." Nakasimangot na reklamo ni Emiko habang hindi tinatantanan ng tingin ang cellphone nito. "Style ko 'to, bata para kapag may makisakay sa 'king chick syempre masisiraan kami sa gitna ng madilim na daan at pagkatapos so-shoot na 'ko sa kaserola ni chick through my irresistible charm. Henyo ko 'di ba?" Cool na saad ni Waris na siyang nagmamaneho. "Ay hindi rin, 'tol. Hindi kahenyohan tawag diyan kundi kalandian. Haliparot kang lalaki ka!" Emiko eyed him with boredom. Kahit nakakarindi ang bangayan ng dalawang kasama ni Natasza ay hindi niyon nababawasan ang excitement na nagkakarambola sa kalooban niya. It is only been two weeks pero pakiram