Chapter 17:EVENT

1122 Words
"Habang nasa kalsada sila sakay ng isang marangyang sasakyan patungo sa venue ng pinakamalaking event na tinatawag na National Cooperation Event sa Manila, kung saan nagtitipon ang mga prominenteng figure at heavyweights mula sa iba't ibang bansa, naramdaman ni Sabrina ang panginginig ng kanyang katawan. "Ito ang unang pagkakataon na dadalo siya sa naturang event kasama si Hunter at ang mga maimpluwensyang personalidad sa industriya. Napabuntong-hininga si Sabrina habang pinagmamasdan ang paligid, ngunit binasag ni Hunter ang kanyang mahabang katahimikan nang magsalita ito sa tabi niya. "Don't do anything stupid, understand, Brina? Remember your mother and sister," sabi ni Hunter bago bumaba ng kotse at inikot ito sa kabilang side para pagbuksan ng pinto si Sabrina pagdating nila. Bumuga ng hangin si Sabrina bago bumaba ng kotse. Agad na napunta ang tingin niya sa malaking gusaling nasa harapan niya bago naglakad patungo sa red carpet, habang hinahawakan ni Hunter ang kanyang kamay na nanlalamig sa sobrang nerbiyos. Marahan niya itong pinisil; lumingon si Sabrina sa kanya, at hindi inaasahang nagtagpo ang kanilang mga mata. Tila kanina pa siya nakatingin sa kanya. "I felt my heart skip a beat. I never expected this man to be so attractive; however, his dark soul was a stark contrast. Despite his good looks, his true nature remains a mystery. He may act like a gentleman in front of many people, Hunter. You will regret later what you did to me; I promise to avenge my father's death," sabi ni Sabrina. Ngunit mabilis siyang nabalik sa realidad nang biglang kumislap ang mga camera sa kanilang harapan, kumukuha ng mga sandali ang cameraman habang naglalakad sila sa red carpet papunta sa event. Nang tuluyan na silang makapasok, dumiretso sila sa isang napakalaking kwarto. Namangha si Sabrina sa ganda ng buong lugar, sa dami ng tao sa kanyang harapan, at puro mayayamang dumadalo sa event na ito habang mahinang nag-uusap sa mga kasama nila, at ang iba ay may hawak na champagne glass habang nakikipag-usap. Sinulyapan niya si Hunter na nasa tabi niya, hawak-hawak pa rin ang kanyang kamay habang ini-scan ng mga mata ang buong kwarto, parang may hinahanap. Nakasuot siya ng itim na tuxedo na nakalugay ang buhok hanggang sa kanyang balikat. Pinatingkad ng kanyang maroon na labi ang kanyang gwapong mukha. "Are you okay? Don't be nervous," sabi ni Hunter. Bumuntong-hininga si Sabrina at ibinaling ang mga mata, na para bang hindi niya narinig ang sinabi nito. "Thank you," sabi ni Hunter sa waiter pagkatapos kumuha ng dalawang baso ng champagne na may laman na red wine. Inabot niya ang isang baso kay Sabrina at saka tumuloy sa isang table. Habang naglalakad sila, biglang may nabangga si Hunter. Kaagad niyang sinulyapan ang mukha nito, ngunit laking gulat niya nang makita ang babaeng pamilyar sa kanya. "Hello, Mr.—oh dear! Parang nakikilala na kita. Ahhh, it's you! Do you recognize me? I'm the girl you saved on Yum-Yum Island," sabi ng babae. "Oh! It's really you?" "Yeah, thank you for being punctual, Mr. Kiers. Kung hindi ka dumating sa oras, malamang malamig na bangkay na ako ngayon," sabi ng babae. Agad namang binitawan ni Sabrina ang kamay ni Hunter at umupo sa isang upuan. Tama ba ang narinig ko na niligtas siya ni Hunter? So, it means hindi naman siya completely heartless? Bulong sa sarili habang sinulyapan ang babaeng kausap ni Hunter. Maganda siya at mukhang galing sa mayamang pamilya. Makikita naman sa kanyang kulay ng balat; bagay sa kanya ang itim na gown na suot na may side split at kitang-kita ang mapang-akit na cleavage nito. Napakaganda ng katawan sa fitted gown na suot niya. Tumayo si Sabrina mula sa kanyang kinauupuan at mabilis na naglakad sa pasilyo ng malaking silid patungo sa banyo. "Saan siya pupunta?" tanong ni Hunter sa sarili habang sinusundan siya ng kanyang mga mata. "Are you alright, Mr. Kiers? Oh, by the way, I'm Amanda Trillion," pakilala ng babae. "Amanda? That's a fabulous name," sagot ni Hunter. "Um, can I have your number, Mr. Kiers? If it's okay with you, maybe I need to speak with you about something." "Sure," sabi ni Hunter, iniabot sa kanya ang itim na card, na sabik niyang kinuha na may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. "Excuse me," paalam ni Hunter, mabilis na umalis sa harapan ng babae para sundan ang direksyon kung saan patungo si Sabrina. "Sabrina, don't make any mistakes today," bulong ni Hunter sa sarili habang nakatayo sa may pintuan ng banyo ng mga babae. "s**t, darn it, Sabrina," pagmumura ni Hunter nang mapansin na mahigit 15 minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya lumalabas ng banyo. Mabilis na sinuri ni Hunter ang loob, ngunit hindi niya nakita doon si Sabrina. Agad niyang tinawagan si Alessandro na nasa labas ng kwarto para hanapin si Sabrina. Agad namang sinunod ni Alessandro ang kanyang mga tagubilin. Nagmamadaling naglakad si Hunter sa hallway para hanapin si Sabrina, ngunit napahinto siya nang makasalubong niya ang kanyang business partner, si Mr. Wang Yue. "Mr. Hunter, nice to see you! Kamusta?" Direktang binati siya ni Mr. Wang Yue. "Hello, Mr. Wang Yue, nice to meet you too. I'm good," mabilis na tugon ni Hunter, ngunit nagdahilan din siyang umalis. Habang mabilis na humakbang si Hunter pataas sa koridor ng gusali, luminga-linga siya sa lahat ng direksyon. "Ano ba kasing tumatakbo sa isip ng babaeng 'yun? Bakit siya umalis? Alam niyang nanganganib ang buhay niya, pero nagawa pa rin niyang lumayo sa akin," pagmumura ni Hunter. Pero ilang sandali pa, huminto siya sa rooftop nang makitang may kausap si Sabrina na isang hindi pamilyar na babae. Tumaas ang isang kilay ni Hunter, hindi mabasa ang kanyang ekspresyon. Mabilis siyang lumapit kay Sabrina at nagsalita. "Anong ginagawa mo dito, Brina?" diretsong tanong ni Hunter sa kanya. "Nagpahangin," sagot ni Sabrina. "Do you know each other?" tanong ni Hunter. "Uhm, not really. Oh! Why are you looking at me like that? Do I have something on my face?" tanong ni Sabrina, nang makita ang nagdidilim na ekspresyon sa mukha nito. "What are you planning to do, Brina? I hope you won't regret your actions." "Wait, what are you talking about, Hunter? I'm not doing anything wrong, and besides, you're the one who did something. Do you remember that, Mr. Kiers? "Okay, fine, I made a mistake. Can we not talk about what's happening? Let's forget about that, Brina," sabi ni Hunter, saka niya hinila si Sabrina pabalik sa kwarto. "Wait, be gentle," reklamo ni Sabrina nang maramdaman niyang sumasakit ang braso niya sa mahigpit na pagkakahawak ni Hunter. Ngunit laking gulat niya nang biglang kinuha ni Sabrina ang kanyang kamay ng pwersahan. "It hurts," ani Sabrina. Agad namang huminto si Hunter at tumingin ng diretso sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD