Nakatayo sina Ben at Sandro habang pinapanood ang kanilang mga amo na naglalaro kasama ang dalawang bata na parang mga bata na naghahabulan sa malawak na hardin. "Sana lagi nalang ganito, San, laging masaya at walang problema. Napakasarap sa pakiramdam. After so long, now that things are finally happy again, tingnan mo si boss Hunter. I'm happy for him because his family is finally whole," sabi ni Ben na tumabi sa kanya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Sandro habang palipat-lipat ang tingin sa paligid. "Siyanga pala, pagkatapos ng ating misyon na puksain ang Shadow na organisasyon, ano ang iyong mga plano? Uuwi ka na ba sa inyo, Ben?" tanong ni Sandro. "Uuwi? Saan naman? Tanging si Boss Hunter lang ang pamilya ko. Nakalimutan mo bang wala na akong pamilya? Nasa kabilang buhay s