"Nakatayo sa kalawakan ng isang engrandeng silid, nag-isip si Sabrina ng mga paraan upang matakasan ang isang grupo na bumihag sa kanya. Ngunit bigla siyang napaupo sa gilid ng kama nang biglang bumukas ang pinto, at pumasok ang ilang mga lalaki.
"You're awake, Ms. De La Peña," sabi ng isang lalaki.
"Who are you? Bakit mo ginagawa ito? Please let me go." Desperate to break free, Sabrina pleaded.
"Huwag kang mag-alala, pakakawalan ka namin kapalit ni Hunter Kiers," sagot ng lalaki.
"What? Why him again? Why involve me? Wala akong kinalaman sa mga isyu niyong dalawa," matapang na sagot ni Sabrina.
"Indeed, you're right, Ms. De La Peña. Wala kang kinalaman dito, ngunit ikaw ang magdadala sa kanya sa akin," deklara ng lalaki.
"Are you some kind of jokester? Do you believe he's coming here because of me? Nagkakamali ka; kahit patayin mo ako, hindi siya pupunta dito para iligtas ang buhay ko. Sinasayang niyo lang ang oras niyo sa akin," sabi ni Sabrina.
"Teka lang, saan niyo ako dadalhin?" tanong niya na mabilis hinawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang braso at pilit na inilabas ng kwarto.
"Bitawan mo ako," bulalas ni Sabrina na nagpupumiglas.
Agad na tinakpan ng tape ang kanyang bibig upang maiwasan ang anumang ingay, at mabilis siyang dinala sa isang pribadong silid.
Pagkapasok nila, pinaupo siya sa isang upuan at ang kanyang mga kamay, kasama ang kanyang mga paa, ay nakatali sa likod ng kanyang kinauupuan.
Ilang saglit pa, kinuha ng lalaki ang kanyang cellphone sa bulsa at saka kinunan ng litrato si Sabrina at ipinadala kay Hunter.
Tingnan natin kung hindi lalambot ang kanyang mga buto sa gagawin ko," mahinang sabi ng lalaki, at agad na sumulyap kay Sabrina. Nanginginig ang buong katawan nang dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kinauupuan niya at marahang hinaplos ang mukha patungo sa kumikinang nitong labi.
Umiling si Sabrina, handang tumulo ang kanyang mga luha, ngunit biglang napatigil ang lalaki nang sumulpot sa harapan niya ang isa niyang kasama at nagsalita.
"Nasa kabilang linya si Boss," diretsong sabi nito. Sinulyapan niya muna si Sabrina bago tuluyang umalis.
"Hmm, hmm," ungol ni Sabrina na tila may sasabihin ito. Agad namang lumapit ang isang lalaki at kinuha ang tape sa kanyang bibig.
"Anong sasabihin mo?" tanong ng lalaki.
"Gusto kong gumamit ng banyo," sabi ni Sabrina, ngunit hindi siya pinansin ng mga ito.
"Ano ba, kailangan ko nang umihi at lalabas na, o gusto niyo pang dito ako magkalat ng aking dumi?" wika ni Sabrina. Mabilis na pagsang-ayon ang dalawang lalaki matapos silang magkatitigan at tinanggal ang mga tali sa kanyang mga kamay bago siya dinala sa banyo.
Pagpasok niya, agad niyang kinapa ang bulsa niya.
"Nasaan ang aking cellphone?" takang tanong niya sa sarili.
"Ahhh!" sigaw ni Sabrina mula sa loob ng banyo. Dali-daling pumasok ang dalawang lalaki para tingnan siya at agad tinulungan siyang tumayo mula sa sahig nang makita itong nakaupo. Maingat na kinuha ni Sabrina ang cellphone ng isang lalaki na nasa likod ng bulsa ng kanyang pantalon.
"Thank you for helping me," pasalamat niya habang mabilis na naghahanda para tanggalin ang underwear niya, pero napatigil siya nang hindi pa sila umaalis sa presensya niya.
"Don't tell me tititigan niyo akong umihi dito?" bulalas niya. Agad namang umalis ang dalawang lalaki at iniwan siya sa loob ng banyo.
Mabilis niyang dinial ang numero ni Hunter, ngunit natigilan siya nang maalala niya na kahit tawagan niya ito, hindi siya lalapit para iligtas siya mula sa panganib.
Bumilis ang t***k ng puso ni Sabrina habang nagpupumilit na i-dial ang numero ni Tristan.
"Alam kong walang kasiguraduhan na ililigtas niya ako sa kamay ng hindi kilalang grupo, pero wala akong ibang matatawagan maliban sa kanya. Ayokong mag-alala ang mga magulang ko sa akin dahil sa mga nangyayari. Nababalot sa ere ang takot at desperasyon. Agad na nabalik sa realidad si Sabrina nang sumagot ang kabilang linya.
"Tristan, tulungan mo ako," pakiusap niya, nanginginig ang boses na may halong takot at pagkamadalian. Ngunit bago pa siya makapagsalita, napuno ng tunog ng pagbukas ng pinto ang silid, dahilan para biglang siyang huminto at inihagis ang cellphone sa isang sulok.
"Don't you have any respect?" putol ni Sabrina, may bahid ng galit ang boses habang nagmamadaling ayusin ang gusot niyang damit.
"Meanwhile, "Sabrina, nasaan ka? Anong nangyayari?" Mapilit ang tono ni Hunter; halata sa boses niya ang pag-aalala. Ngunit biglang namatay ang linya.
"Damn it," ungol ni Hunter, na nagmumura at hinahampas ang kamay sa mesa sa frustration. Bakas sa mukha niya ang pagkabigo at pag-aalala nang mapagtanto niya ang bigat ng sitwasyon.
"We need to track that mobile phone, Aless. We have to find out kung saan nila dinala si Sabrina," desididong sabi ni Hunter, nakatutok ang mga mata sa screen habang sinusubaybayan ang galaw ng kanilang mga kalaban sa pamamagitan ng tracking system ng telepono.
Nakatutok ang mga mata ni Hunter sa screen ng computer habang nagsasagawa ng surveillance para matunton ang kinaroroonan ni Sabrina. After 15 minutes, nagsalita na rin si Aless,
"Boss, na-trace ko na ang location ni Ms. Brina, and she's heading to the port," aniya sa seryosong tono.
"Ituloy mo, kailangan natin ang device na iyon para madaling matukoy ang eksaktong lokasyon ni Sabrina," agad na tugon ni Hunter sa mungkahi ni Alessandro. Walang pag-aalinlangan, sinunod ni Alessandro ang mga tagubilin ni Hunter.
"Oh, and make sure to have our team intercept the ship Sabrina's boarding. They can't leave the country," dagdag ni Hunter habang patuloy na sinusubaybayan ang screen.
"Got it, boss," ani ni Alessandro habang mabilis na kinuha ang kanyang cellphone upang ihatid ang mensahe sa mga miyembro ng kanilang koponan.
"Ihanda ninyo ang inyong mga sarili, papunta na tayo sa isla ngayon," utos ni Hunter habang mabilis na tinungo ang isang pribadong silid sa loob ng organisasyon, kung saan nakaimbak ang iba't ibang armas.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas sila sa organisasyon at sumakay sa kanilang mga sasakyan, handa nang sumabak sa kanilang misyon sa isla. Damang-dama ang tensyon sa hangin habang inihahanda ang kanilang mga sarili.
Pagdating nila sa daungan, agad silang sumakay sa pribadong barko at tinahak ang malawak na dagat habang sinusundan ang barkong sinasakyan ni Sabrina.
Habang nasa laot, hindi nakaimik si Hunter na parang sabik na marating ang kanilang destinasyon.
"Sabrina, wait for me," he said while cleaning his gun's caliber. Gayunpaman, naantala siya sa kanyang gawain nang mapansin niya ang ilang tao na sakay ng mabagsik na stern boat na papalapit sa kanila.
Mabilis niyang kinuha ang teleskopyo na nakapatong sa maliit na mesa at pinagmasdan ng mabuti kung sino ang mga tao sa paparating na stern boat.
Makalipas ang ilang saglit, ang mabagsik na stern boat ay nakalapit na sa kinaroroonan nila.
"Boss," banggit ng kanyang mga tauhan,
"mabuti at nandito na kayo," ani ni Hunter at mabilis na bumaba mula sa malaking barko at lumipat sa mabagsik na stern boat kasama ang iba pa niyang mga tripulante. Mabilis na umalis patungo sa kinaroroonan ni Sabrina.
"Makalipas ang isang oras, habang tumatakbo ang kanilang stern boat sa karagatan, nagsalita si Alessandro,
"Boss, we're getting close to them." Agad na tiningnan ni Hunter ang monitor at sinundan ito ng mabuti hanggang sa mamataan niya ang malaking barko na sinasakyan ni Sabrina. Mabilis na isinuot ni Hunter ang kanyang maskara at pagkatapos ay tinakpan ito ng itim na bandana, kasama ang kanyang mga tauhan.
"Get ready," he commanded. "You know what to do. No one should be left alive except Sabrina. Do you understand?" Hunter's eyes blazed with anger as he reiterated his orders firmly. Mabilis na minaniobra ang kanilang mahigpit na stern boat sa tabi ng barko at inihanda ang kanilang mga sarili para akyatin ang barko ng mga kalaban.
Mabilis ang kanilang mga galaw sa pag-akyat sa malaking barko gamit ang mga lubid hanggang sa marating nila ang tuktok. Maingat silang naglalakbay sa koridor ng barko, kasama ang kanyang mga tauhan, habang nilalagyan ng mga bomba ang kanilang bawat madaanan. Biglang huminto si Hunter sa kanyang paglalakad nang makita niya ang ilang indibidwal na may hawak na matataas na kalibre ng baril, na nagmamasid sa malawak na karagatan.
Sa mabilis na paggalaw, nag-react si Hunter sa pamamagitan ng pag-bolting nang mas mabilis at paghawak sa ulo ng isa sa mga kaaway, at walang pag-aalinlangan itong pinaikot, na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.
Agad na sinenyasan ni Hunter ang kanyang mga koponan na palibutan ang buong barko, kasunod ng sunod-sunod na putok ng baril na umaalingawngaw sa buong barko habang nakikipaglaban sila sa isang matinding labanan sa kalabang grupo. Lalong tumindi ang sagupaan ng magkabilang panig habang lumilipad nang pabalik-balik ang mga bala.
Samantala, nakaupo si Sabrina sa isang pribadong silid nang makarinig siya ng malakas na putok ng baril mula sa labas ng silid.
"We were ambushed," sabi ng isang lalaki na biglang sumulpot at nagsalita. Mabilis nilang inihanda ang kanilang mga sarili.
"Anong nangyari?" tanong ng kasama niya.
"Inatake tayo ng hindi kilalang grupo," sagot ng isa sa kanila.
"Sigurado akong si Hunter ang nasa likod nito. Markahan ang bawat landas at siguraduhing makukuha natin siya ngayon, patay o buhay; siya na mismo ang nagdala ng kanyang sarili kay Satanas," sabi ng kanilang pinuno. Mabilis na kumalat ang mga kasama niya sa buong silid habang palakas ng palakas ang sunod-sunod na putok ng baril.
"Tristan, is that you?" sabi ni Sabrina sa sarili.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong niya sa lalaking mabilis na hinila siya palabas ng kwarto. Nagpumiglas siya, ngunit napakalakas ng lalaki kaya wala siyang lakas na lumaban dito.
Aside from being a petite woman, wala siyang lakas kumpara sa lalaking humila sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang taong biglang bumagsak sa kanyang harapan, walang pag-aalinlangan na binaril iyon.
Nanginginig ang buong katawan niya sa takot, halos maiihi na; ang kanyang mga tuhod parang halaya sa sobrang lambot.
"Come here," sabi ng lalaking nakahawak sa braso niya habang hinihila siya pababa sa corridor ng barko.
"Hunter, come out of your hiding place. I know you're behind this, don't be a coward, lumabas ka!" sigaw niya. His eyes widened in shock as he felt the gun barrel pointed at his head, accompanied by the click of the external gun hammer.
"You're like a barking dog," sabi sa malamig na boses habang nakadikit ang baril sa ulo niya, hinawakan si Sabrina at hinila palapit sa kanya.
"Hunter?" sabi ng lalaki sabay taas ng kamay.
"Long time no see, Hudas," sagot niya, ngunit biglang umikot ang mukha ni Hunter nang suntukin siya ng diretso, dahilan upang mabitiwan ang hawak nitong baril at bumagsak sa sahig. Mabilis na gumanti ng mga sipa at suntok si Hunter habang mabilis at lumalakas ang palitan ng mga suntok at sipa sa pagitan nila.
Nakayuko si Sabrina sa sulok, hindi sigurado sa gagawin, pinapanood ang dalawang lalaking nag-aaway sa kanyang harapan. Her fear intensified when she witnessed a head being blown off by a man wearing a black bandana. Nanginginig ang katawan niya habang tinatakpan ng mga kamay ang tenga niya.
"Brina, finally I found you and I wasn't caught," umupo ito sa harapan niya. Napatingin si Sabrina ng diretso sa kanya nang marinig ang boses nito, at mabilis siyang niyakap ng mahigpit.
"Tristan, akala ko hindi ka darating?" she said, nanginginig ang boses niya sa takot.
"Yes, it's me," sagot niya at agad na hinalikan ang nanginginig niyang labi.
"Don't cry, okay? You're safe now; I'm here," sabi nito habang marahang hinahaplos ang pisngi nito bago binuhat na parang bata.
Habang nagmamadaling naglalakad sila sa pasilyo ng barko, lumilibot ang kanyang mga mata sa paligid habang patuloy ang palitan ng putok sa pagitan ng magkatunggaling grupo.
Napahinto si Hunter sa kanyang paglalakad nang makita ang isa pang barko sa hindi kalayuan sa kanila.
Mabilis na ini-scan ni Alessandro kung sino ang nasa barkong iyon gamit ang telescope.
"Boss, mga kaaway," sabi ni Alessandro.
"Inform our men to intercept that ship; find out a way to stop it from coming here," utos niya. Mabilis na tumalima ang mga tauhan niya, umalis sa kanyang harapan at sinenyasan ang mga kasama nila na sakay ng pribadong barko.
"Boss, go. Kami na ang bahala dito," sabi ni Alessandro.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita ng sarili kong mga mata na sila ay nagiging alabok. I will send them to hell," Hunter's voice filled with anger. Mabibigat ang mga hakbang niya nang bumaba sila mula sa malaking barko at sumakay sa mabangis na mabagsik na stern boat.
Mula sa kanyang kinatatayuan, pinanood ni Hunter ang kanyang mga tauhan na nakikipaglaban sa isa pang barko.
"You know what to do, blow up that ship," he commanded his men, who immediately threw bombs and grenades, causing the large ship to burst into flames within moments.
Pagkatapos ng mga pangyayari habang nasa dagat patungo sa Isla ng Lala, hindi napigilan ni Hunter ang kagalakan na nailigtas niya ang babaeng mahal niya. Nakaupo si Sabrina sa tabi niya, mahimbing na natutulog habang yakap-yakap siya.
Brina, naliligaw na ako kung saan hahantong ang kilos ko sa harap mo. I know that someday you'll uncover the truth about me. I'm afraid that one day you'll completely slip away from me. Alam kong nagtitiis ka dahil sa akin; let me make it up to you," he said before passionately kissing her shimmering lips.
Pagdating sa Isla ng Lala, mabilis na binuhat ni Hunter si Sabrina papunta sa kanyang silid at marahang inihiga sa malambot na kama, pinagmasdan ang buong katawan.
Humihingi ako ng tawad sa sobrang sakit na naidulot ko sa iyo, Brina.