Chapter 09:UNDERGROUND

1340 Words
"Alauna ng madaling-araw, bumangon si Sabrina mula sa kanyang kama nang maramdaman ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Mabilis niyang binuksan ang ilaw sa kwarto at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom. Mabilis na naglakad si Sabrina sa pasilyo ng mansyon, ngunit bigla siyang napatigil nang maramdaman niyang may mga yabag na papalapit sa kanya. Agad siyang nagtago sa dingding nang mapansin si Hunter, kasama ang ilan pa nilang tauhan, na mabilis na nagtungo sa ikatlong palapag ng bahay. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito, na para bang may malaking problema. Tahimik na sumusunod sa kanila si Sabrina upang makita kung saan sila patungo, ngunit natigilan siya nang mapansin niyang pumasok si Hunter sa isang silid kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok. Mabilis siyang sumilip at nagtaka kung saan sila nagpunta. Inilibot niya ang paningin sa buong silid; kaliwa't kanan ang kanyang tingin, bago dumapo ang kanyang mga mata sa maliit na siwang sa gilid ng divider. Agad sumilip si Sabrina sa siwang at maingat na siniyasat ang lugar bago pumasok. Naglakad siya ng maingat, hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan ni Hunter. Agad na bumagsak ang mga mata niya kay Hunter na nakaupo sa itim na upuan, nabaluktot ang mukha sa galit habang kaharap ang kanyang mga nasasakupan. "Paano natiktikan ng ating mga kaaway ang ating dealing kay Mr. Harsh nang hindi natin nalalaman?" tanong ni Hunter, may halong frustration ang boses niya. "Boss, malakas ang hinala ko na may traydor sa grupo," sagot ni Alessandro. "Kung ganoon, alamin mo kung sino iyon, Aless. Hindi ko hahayaang mag-slide ito. Milyon-milyon ang nalulugi natin dahil sa kanila. Kailangan mong dalhin sa akin ang traydor na 'yon bago sumikat ang araw. Alam mo naman ang kahihinatnan, di ba? "Kamatayan, boss." nabalitaan ko na hindi lang isang beses pumasok si Ms. Brina sa kwartong ito; hindi kaya siya ang spy dito? Biglang nagpanting ang tenga ni Sabrina sa narinig, ngunit nanatiling tikom ang bibig habang pinagmamasdan at nakikinig sa usapan. "Ilang sandali pa, bumulong sa kanya ang isa sa kanyang mga tauhan, na nag-udyok kay Hunter na mabilis na napatingin sa isa pa niyang tauhan. "So, ikaw ang nasa likod nito? Ilang taon ka nang nagtatrabaho sa akin, pero nagawa mo pa rin akong pagtaksilan," wika ni Hunter habang tumatayo at lumapit sa lalaking nasa harapan niya. "Boss, hindi ako. Hinding-hindi ko gagawin iyon sa iyo. I've been working for you for years, but I never betrayed you," nanginginig ang boses ng lalaki. "Aless, you know what to do with him," sabi ni Hunter bago tumalikod at umupo sa itim na upuan. "Boss, trust me, hindi ko magagawa sa'yo 'yun, please, Boss. Pagmamakaawa ng isang lalaki dito, ngunit biglang bumunot ng baril si Hunter sa tagiliran ni Alessandro at walang awang pinagbabaril siya. Nanlaki ang mga mata ni Sabrina sa gulat sa kanyang nasaksihan. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit mahigpit ang pamilyang Kiers dahil sa mga tinatago nilang sikreto. Andun ang underground sa loob ng kwarto na ito kung saan sila nagsasagawa ng death sentence. Hunter, isa kang walang puso, walang awa, mariing sabi ni Sabrina at mabilis na umalis sa lugar at dumiretso sa kanyang kwarto. Nanginginig ang katawan niya sa takot na may halong emosyon. I need to leave here as soon as possible, she said, pero nabaling ang atensyon niya sa pinto ng tatlong katok at kasunod ang boses ni Hunter na nagsasalita. "Panginoon, ikaw na po ang bahala sa akin," bulong niya, mabilis na pinatay ang ilaw at humiga sa kama. Ilang saglit lang, naramdaman niyang bumukas ang pinto ng kanyang silid at ang mga yabag na papalapit sa kanyang kama. "Sabrina, alam kong gising ka pa. Can I have a word with you?" Hindi siya pinansin ni Sabrina at nagkunwaring tulog. Pero nagulat siya nang biglang hinablot ni Hunter ang kumot na nakatakip sa katawan niya. "What's the matter, Brina? Why do you look so terrified, all soaked in sweat?" tanong ni Hunter na marahang hinaplos ang mukha nito gamit ang likod ng kanyang daliri. "Why are you scared of me? Did you discover something?" Lalong bumilis ang t***k ng puso ni Sabrina, hindi alam kung ano ang gagawin. "Bakit ka pumasok sa kwartong iyon? Ano ang nakita mo doon?" tanong ni Hunter sa malamig na boses. "Sabrina De La Peña," tawag ni Hunter sa buong pangalan niya, na may pahid ng galit ang boses. "W-wala akong nakita," matapat na sagot ni Sabrina. "Talaga? Wala kang nakita o narinig? Isa kang malaking sinungaling, Brina. Are you spying on me? Sino ang nag-utos sa iyo na gawin iyon?" tanong ni Hunter. "Hindi! Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Hunter," sinubukang pakalmahin ni Sabrina ang sarili. “Good, sana hindi na maulit, or else I will take the lives of your loved ones,” pagbabanta ni Hunter. "Hunter, please, wala silang kinalaman dito. Kung gusto mo, ako na lang, huwag mo silang idamay," pakiusap ni Sabrina. Ngunit natigilan si Sabrina nang hinawakan ang nanginginig na labi at mapusok na hinalikan ng walang pag-aalinlangan, na naging dahilan ng pagpatak ng kanyang mga luha sa hindi makapaniwalang ikinikilos ni Hunter. Pakiramdam niya ay isa lang siyang laruan nito na puwedeng gawin ang gusto niya. "Simula ngayon, hindi ka na lalabas ng kwarto mo. Naiintindihan mo ba?" "Aless, i-lock mo ang pinto at siguraduhin mong walang makapasok dito. Parang kasing lakas ng hangin ang utos nito. At pagkatapos, mabilis siyang humakbang pasulong, pero napatigil siya nang maramdaman niyang biglang lumuhod si Sabrina. "Hunter, please, huwag ang pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin ng ganito. Simula nang dumating ako dito, wala na akong nakikita sa'yo kundi iparanas sa akin ang sakit. "Alam kong hindi mo ako gusto. Bakit hindi mo ako palayain? Pareho lang nating pinaparusahan ang ating mga sarili," sabi ni Sabrina, na umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad siyang nilingon ni Hunter, saka umupo sa harapan at marahang hinawakan ang pisngi niya. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang lahat, Brina?" tanong niya, bago mabilis na umalis sa harap niya. "Mabilis at malalaking hakbang ni Hunter patungo sa kanyang pribadong opisina. "Pagdating doon, umupo siya sa itim na upuan at maayos na nagbuhos ng inumin, humigop na parang tubig. Pagkatapos ay kumuha siya ng sigarilyo sa pakete na nasa ibabaw ng kanyang lamesa, sinindihan ito at humithit. "Boss, do you really believe that Ms. Brina is the spy here?" tanong ni Alessandro ng diritso. Exhaling a puff of smoke, nagbuhos siya ng isa pang inumin sa baso at ininom iyon ng diritso bago nagsalita. "Aless, take care of her. I know she despises me beyond my words, ngunit walang pagpipilian; kailangan kong gawin ito. Maraming mga espiya sa paligid ko, at hangga't hindi natin malalaman kung sino ang traydor, maaaring malagay sa panganib ang kanyang buhay. "Don't worry, boss, ako na ang bahala kay Ms. Brina. Siyanga pala, nakatanggap ako ng mensahe mula sa ama ni Ms. Brina na si William De La Peña. Gusto niyang makipag-usap sa iyo nang personal. Gusto mo bang makipagkita sa kanya? Alright, I'll talk to him tomorrow; pupunta tayo sa bahay nila. At huwag mo nang banggitin pa ito kay Brina hangga't inaayos ko pa ang problemang ito. "Yes, boss." Matapos ang pag-uusap nila ni Alessandro, agad siyang tumingin sa computer at nakita niya si Sabrina na nakahiga sa kama at walang tigil na umiiyak. Alam mo bang sa simula pa lang, may nararamdaman na ako para sa iyo? But there's no choice; I have numerous adversaries, at kung matuklasan ka nila bilang kahinaan ko, maaari ka nilang gamitin laban sa akin. Ayokong may mangyaring masama sa iyo. Balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit kailangan kong gawin ito sa iyo. Ito ang tanging paraan para mapanatili kang ligtas sa kapahamakan, Brina. Kung kailangan kitang saktan para patigasin ang puso mo, gagawin ko. "I require you to exhibit fortitude in facing all the challenges that will come your way," aniya habang nakatitig sa screen ng kanyang computer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD