NAGISING si Almary sa higaan na hindi pamilyar sa kanya, napabalikwas siya ng bangon at kaagad na nilibot ang tingin sa paligid.
"Nasaan ako?" mahinang tanong niya sa sarili at bumaba sa kama para tumungo sa may pintuan. Nang akmang bubuksan niya iyon ay napakunot ang kanyang noo nang mapansin niyang lock iyon at hindi niya mabuksan.
Humawak siya sa kanyang ulo. Ang pagkaalala niya ay tumungo siya sa may birthday party ni Will tapos…her uncle Cenon appeared out of the blue and force her to go with him. Kaya ba siya nandito? Nakatulog ata siya sa pagod at haba ng bayahe.
"Ano na gagawin ko ngayon? Paano ako makaaalis dito?" mahinang giit niya at nilibot ang tingin sa kabuan ng silid. Malaki iyon at halatang lalaki ang may ari dahil sa kulay at sa mga gamit na naroon lalo na ang kulay ng kama at amoy na naaamoy niya. Cenon's scent makes her close her eyes. Ang sarap kasing aamuyin ang panlalaking amoy ng lalaki.
Mabilis na sinampal-sampal niya ang sarili nang mapagtanto niya ang kanyang ginawa. Hindi niya pwede pagnasaan ang kanyang Uncle, bukod sa pamangkin siya nito ay malaki kasalanan ng lalaki sa kanya, he lied to her and look what he did now. Dinukot lang naman siya nito.
Huminga siya ng malalim at humakbang patungo sa may bintana ng kwarto. Nagbabakasali siyang pwede siyang dumaan mula roon para makaalis sa silid na iyon ngunit ang katiting na pag-asang sumibol sa puso niya ay naglaho nang sinubukan niyang buksan ang glass window na malaki, lock din iyon at kahit ano gawin niyang hila ay hindi gumagalaw. Hopeless na napaupo siya sa sahig.
Napatayo siya nang mahagip ng kanyang paningin ang kanyang cellphone, kaagad siyang lumapit sa kinaroonan niyon at kaagad na hinahanap ang kanyang cellphone. Mahawakan na niya ay kaagad niya iyong binuksan pero napamura siya at muntik na niya iyon matapon nang hindi iyon mabuksan, marahil ay lowbat. Bumalik siya sa bintana, napansin niyang umaga na pala ng mga sandaling iyon kaya't ang liwanag ng paligid. Tanaw niya mula sa kanyang kinakatayuan ang malapad na garden, puno ng iba't-ibang uri ng bulaklak at iba't-iba halaman na hindi niya mapangalan. Nang tumingin siya kaliwa ay napabuka ang kanyang labi sa pagkamangha ng tumambad sa kanyang paningin ang fountain at di kalayuan ay may malapad na swimming pool.
"Hindi kaya't nasa may isang hotel ako o resort? Bakit kay lapad naman ata ng garden at pool. Huwag mo na dagdag ang hallway–"
Naputol ang kanyang sinasabi nang makarinig siya nang katok. Mabilis na umayos siya ng upo at tumungo sa may vanity mirror para tignan ang sarili. Nagulat siya nang mapansin niyang iba na ang suot niya. Bubuka sana ang bibig niya para murahin si Cenon dahil alam niyang ito ang may pakana ng pagbihis sa kanya nang marinig niya mula ang pagkatok. Umuusok ang ilong at magkasalubong ang mga kilay na nagmartsa siya palapit sa pinto at malakas na sinipa iyon sabay sumigaw siya.
"BUKSAN MO ANG PINTO!!!!"
Napa-atras siya nang marinig niyang mag-click iyon at dahan-dahan bumukas ang pinto. Sisinghalan na niya sana at tao sa labas na akala niya'y ang kanyang Uncle pero sumira ang mga labi niya at nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa kanyang mga mata ang isang babae na sa tingin niya kasing edad lang niya. May bitbit itong tray na may pagkain na hula niya'y para sa kanya.
Nang ngumiti ang babae sa kanya ay napakurap-kurap siya.
"Pwede ba ako pumasok?" magiliw na tanong nito.
Tumango siya at akmang hahakbang palabas nang bigla na lamang may lumitaw na dalawang malalaking tao at hinarang siya. Tumaas ang kilay niya na at nameywang siya sa harap ng mga ito.
"Bilin ni boss, hindi ka daw pwede lumabas sa inyong silid, ma'am–"
"At bakit??" inis na tanong niya.
"Mawala kasi ngayon si Cenon sa mansion at binilin niyang huwag ka palabasin at dito na lang siya hintayin," singit ng babae nasa likuran niya.
"Wala akong planong hintayin ang hinayupak na iyon. I just want to go home!" inis na sagot niya at sinubukan niyang lumagpas sa dalawang mama pero hindi talaga siya binibigyan ng pagkakataon ng mga ito.
"ANO BA!! PADAANIN NINYO AKO!" galit na sigaw niya.
"Mag-aaksaya ka lang ng lakas at laway kapag pinagpatuloy mo iyan, wala kang laban sa mga iyan, day."
Lumingon siya sa babae at huminga siya ng malalim at mariin siyang mapapikit.
"Mabuti pa ay bumalik na lang dito at kumain, hintayin mo na lang si sir bumalik—"
"I don't want to see him! I hate him!" mariing wika niya.
Umangat ang gilid ng labi ng babae pero wala itong sinabi. Nanlaki mga mata niya nang hinawakan siya ng dalawang mama sa magkabilang braso at binuhat siya papasok sa loob ng silid at bago pa man niya magawang magreklamo ay binaba na siya ng mga ito at mabilis na sinirado ang pinto. Sa inis niyang tinadyakan niya ang pinto ng malakas habang sumigaw na parang kinakatay na baboy.
LUMIPAS ang limang araw na nakakulong lang siya sa loob ng silid na iyon. Para na ngang siyang mababaliw kasi tanging tv lang ang pwede niyang kaaliwan bukod sa pinapuntahan siya ni Erika, iyong babaeng naghahatid palagi nagkain niya. Sa pagkakaalam niya, anak ng mayordoma ang babae, pinaaral daw ito ni Cenon kaya't bilang kabayaran ay tumutulong ang babae sa mga gawaing bahay sa mansion. Na labis niyang pinagtaka, akala kasi niya ay katawan ng babae ang hihingiin kapalit ni Cenon pero hindi si Erika mismo ang nagsabi.
"Hindi ganung lalaki si sir, sa tagal ko rito ay never ko pa siyang nakitang nagdadala ng iba't-ibang babae dito sa mansion. At never din niya ako pinagnasaan, kahit nga tumingin sa mukha ko ay hindi niya ginagawa, kaya nga't kahit papano ay na inggit ako sa iyo dahil ikaw pa lang ang unang babaeng dinala niya dito at mukhang mahalagang-mahalaga sa kanya dahil mismong kwarto pa niya ang pinagamit niya sa iyo. At alam mo bang araw-araw ay tumatawag siya sa aking ina para kamustahin ang lagay mo?"
Hindi na siya noon sumagot dahil alam niyang kahit sabihin pa niya sa babae ang side niya ay hindi pa din magbabago ang paghanga nito kay Cenon. Binagsak niya ang kanyang ulo sa may malambot na kama, napapikit siya nang aamoy niya ang pamilyar na amoy ni Cenon sa unan at bedsheet ng kama. Dumapa siya at niyakap ang unan, she doesn't know why she's feeling this way, she hates him at the same time, she feels empty without him. Napa-angat ang kanyang ulo nang bigla na lamang bumukas ang pinto at niluwa roon si Cenon. Mabilis na bumangon siya, nakasuot ng formal attire ang lalaki. Hindi niya maiwasang humanga sa angking kagwapuhan nito lalo na nang mapansin niyang makasuot ito ng salamin. He looks like a terror professor, who likes to punish his stubborn students in an intimate way.
"Don't come near me," habol hiningang pigil niya nang humakbang palapit sa may kama si Cenon.
"Why?" mahina ang boses na tanong nito at tinignan siya ng direkta sa mga mata.
"Just don't," mabilis na aniya at sumiksik siya sa may headboard ng kama.
May nababasa siyang sakit sa mga mata ng lalaki pero kaagad din nawala ng kumurap ito at biglang tumalikod sa gawi niya.
"You should eat. Stop skipping meal, Almary, magkakasakit ka–"
"Mabuti pa ngang magkasakit ako para makaalis na ako sa silid na ito. Why do you keep me here? Ano ba talagang gusto mo?" seryosong giit niya.
Lumingon sa gawi niya si Cenon at nagpamulsa ito.
"I can allow you to get out of this room in one condition…"
"Anong kondisyon?" mabilis na tanong niya.
"Promise me that you will not try to escape from this mansion. You can go to the pool, garden and anywhere inside of this mansion. Ngunit hindi ka pwede lumabas sa gate, dito ka lang–"
"AT BAKIT? ANO BA PALAGAY MO SA AKIN? PRISO? NA BAWAL LUMABAS–"
"That's my conditions, if you can't do it then you will stay in this room–"
"Talagang nababaliw ka na! I have a life, l have a dream to fulfill, Uncle! So, please, stop this madness and let me go–"
"I can't," mabilis na wika ni Cenon.
"Why not?!" galit na tanong niya. Tumayo siya at humakbang palapit sa lalaki, tumigil siya sa harap nito at tumingala siya dito.
Hindi umiimik si Cenon, tumingin lang ito sa kanyang mukha.
Huminga siya ng malalim. "Sabi mo, you are now my guardian right? So, can you please act like one. Hindi iyong para kang mister ko na ayaw akong palabasin sa bahay dahil lang ayaw niyang makita ako ng ibang lalaki–"
"That's exactly the reason. I don't want to see you with other man–"
"f**k you, Cenon! Sira na talaga ulo mo, no?! Hindi mo ako pag-aari kaya't wala kang karapatan pagbawalan ako sa mang gagawin ko—"
"Hate me if you want but l will keep you by my side, whether you like it or not."
Nanlaki ang mga mata niya at bumukas-dili ang kanyang mga labi sa narinig.
"Go take a bath and change. I will wait for you downstair, you will join me–"
"I will not take any order from you–"
"You have no choice but to do it, princess or else…"
"Or else what? Ikukulong mo ko dito hanggang sa mamatay ako?" matapang na tanong niya.
"You will join me at dinner tonight, don't make me repeat myself or don't you dare to disobey me because if you will, i'll make you as my dinner instead," seryosong giit ni Cenon at hinawakan ang baba niya habang direkta itong nakatingin sa mga mata niya na para bang sa papamagitan niyon ay hinihigop nito ang lakas niya at ang katinuan ng utak niya.
Bago pa man siya makaisip ng isasagot ay mabilis na bitiwan ni Cenon ang kanyang baba at tumikod ito at dire-diretsong lumabas sa silid at iniwan siyang nakatulala at nanghihina ang mga tuhod.
-Binibining Mary