KUMUNOT ang noo ni Almary nang tumigil ang kotse ni Cenon malapit sa may dagat. Akala niya'y ibabalik siya ng lalaki sa ospital pero bakit narito sila? Bago pa man bumuka ang kanyang mga labi para tanungin ang lalaki 'e bumaba na ito umikot papunta sa may pintuan ng front seat kung nasaan siya. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang mararamdaman niya o iisipin sa mga kinikilos ng lalaki. "Ano ginagawa natin dito?" kaagad na tanong niya sa lalaki nang mabuksan na nito ang pintuan ng kotse. Inalok nito ang kamay para alalayan siya, dahilan para tumaas ang kilay niya, kanina lang 'e para itong leon na gustong manglapa pero bakit ngayon 'e tila itong isang kagalang-galang na binata at marunong gumalang kung umasta, anyare? "Don't ask question, just take my hand and come with me, princess,"