Prologue

1224 Words
Kasalukuyang inihanda ni Trivor McCain ang kanyang paboritong 50 cal sniper riffle para sa pagdating ng grupo ng kanilang mortal na kaaway. Hector Salvatore. Siya ang naatasang mamuno sa grupo na naiwan sa mansyon ng pinsang si Courage. Ayon kay Heinz Cordova, ang kanang kamay ng pinsan na mahahati sa dalawang grupo ang mga tauhan ni Hector Salvatore. Ang unang grupo ay papunta sa abandunadong gusali kung saan dinala ng mga pinsan si Valerie, ang anak ni Hector Salvatore at ang babaeng lihim niyang minahal habang ang pangalawang grupo ay lulusub sa mansyon ng mga Calibre. Habang nag-lo-load ng bala si Trivor narinig niya ang pagsigaw ng kakambal na si Travis mula sa earpiece. "Let the battle begin!" Kasabay na sunod-sunod na putok ng baril ang naririnig ni Trivor. "Boss Tri, nandito na sila." ani ng isang tauhan. Dali-daling pumwesto si Trivor at nakikipagbarilan na rin sa mga kalaban. Puro putok ng baril at mga sigaw ang siyang maririnig sa buong mansyon. Gano'n din ang naririnig ni Trivor sa kabilang linya. Sa kalagitnaang ng barilan biglang kinabahan si Trivor na siyang naging dahilan upang mawalan siya sa konsentrasyon. "Sh*t!" aniya. "Valerie!" Rinig niyang sigaw ng kakambal. Nagulat siya sa sigaw ng kakambal. Pilit niyang iniwaksi ang nasa isip na baka nabaril ang babae. "Kams, wala na si Valerie." Malungkot na ani ng kakambal sa kabilang linya. Nangunot ang noo niya. "Patay na si Valerie, Kams." ani pa nito. Ayaw niyang pinawalaan ang sinabi ni Travis. Kilalang-kilala niya ang kakambal at siguradong binibiro na naman siya nito. Lagi naman talaga siyang binibiro ng kakambal patungkol sa nararamdaman niya para sa babae. "Bro, I'm sorry. Hinarang ni Valerie ang bala na para sana sa'kin." ani ni Chris, ang asawa ng pinsan niya. Natulala si Trivor sa sinabi ni Chris sa kabilang linya. Kung kanina ayaw niyang maniwala sa kakambal ngayon parang nagdadalawang isip na siya. Chris, wouldn't make fun of him at kahit hindi niya sinabi ang nararamdaman para sa babae ay alam niyang may hinala na ito. "Boss!" ani ng isang tauhan nang makitang nakatuon ang baril ng kalaban sa boss na nakatulala. Agad na iharang ng isang tauhan ang sarili nito kay Trivor at ito ang tinamaan ng bala. Do'n tauhan si Trivor nang bumagsak ang tauhan sa harap niya. Walang tigil na pinagbabaril ni Trivor ang bumaril sa taong nagligtas sa buhay niya. Kahit wala ng buhay ay tinadtad pa rin niya ito ng bala. Naghalo ang galit at panghihinayang ang naramdaman ni Trivor. Galit para sa taong gumawa nito kay Valerie at panghihinayang dahil hindi man lang niya nasabi sa babae ang nararamdaman. ---***--- "Kams, hindi mo ba pupuntahan si Val? Ngayon na ang huling araw ng lamay niya baka naman gusto mo siyang makita sa huling pagkakataon. " ani ni Travis nang tabihan niya ang kakambal sa bar counter sa mansyon. Hindi pinansin ni Trivor ang kakambal at nagsalin ng panibagong alak sa kanyang baso. Wala ng ibang ginawa si Trivor kung di ang uminom matapos magtagumpay sa laban sa mga Salvatore at nang mamatay ang babaeng mahal nito. Hindi matanggap ni Trivor na wala na talaga si Valerie. Ni hindi man lang niya nasabi rito ang nararamdaman. Mas gugustuhin pa niya na makita si Valerie sa piling ng iba kaysa ganito hindi na niya makikita kahit kailan. Inagaw ni Travis ang baso at inilayo kay Trivor. Hindi na niya kayang makitang unti-unting nilulunod ng kakambal ang sarili nito sa alak. "Ano ba?! Akin na nga 'yan. Kumuha ka ng sa'yo. Ang daming baso r'yan. Hindi 'yung kukunin mo ang sa'kin." Pilit na inaagaw ni Trivor ang baso kay Travis pero itinaas lang ng huli. Dahil sa nakainom at hindi na makatayo ng maayos sumuko na lang ito at pabagsak na muling naupo sa upuan. "Kams, sa tingin mo ba masaya si Val na nakikita kang nagkakaganito?" ani ni Travis. "Ano sa tingin mo?" Balik na tanong ni Trivor. "Ewan ko sa'yo. D'yan ka na nga. 'Wag kang tatakbo sa'kin 'pag nagpakita si Val sa'yo." ani ni Travis. "Sana nga magpakita siya sa'kin nang masabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal." ani nito saka nilagok ang alak. Malungkot na tinitigan ni Travis ang kakambal. Alam niya kung gaano kamahal ng kakambal ang babae at walang makakapantay sa sakit na nararamdaman nito ngayon ay wala ng tsayansang masabi pa nito ang nararamdaman sa babae. Kinabukasan inihatid na sa huling kanyang hantungan si Valerie Florencio. Tanging sina Travis, Chris, iilang kaklase at malalapit na guro lamang ang nasipaglibing. Parang nilukot ang puso ni Trivor habang tinatanaw mula sa malayo ang unti-unting pagbaba ng kabaong ni Valerie sa hukay. Mayamaya'y nagsiuwian na ang nasipaglibing kasama sina Travis at Chris matapos tabunan na ng lupa ang kabaong ni Valerie. Nang masiguro na ni Trivor na wala ng tao saka siya dahan-dahang lumapit sa puntod. Inilapag niya ang dalang bulaklak at nagtirik ng kandila sa puntod. "Hi Val, pasensiya ka na kung ngayon lang ako lumapit. Ayoko kasing makita ka sa ganyang kalagayan. Gusto ko ang nagniningningan mong mga mata at mga ngiti sa labi ang siyang huli kung maalala sa'yo." Biglang sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Trivor nang maalala ang nakangiting mukha ni Valerie. "Alam mo Val, sobra akong nagsisisi ngayon. Kung sana dati pa sinabi ko sa'yo ang nararamdaman ko para sa'yo na kahit alam kong hindi mo ito masusuklian. Kahit alam kong si Chris ang mahal mo. Mas gugustuhin ko pang makita sa piling ng iba kaysa hindi na kita makikita pa kahit kailan." Gusto niyang sisihin ang kaibigan sa sinapit ng babaeng mahal niya. Nang dahil sa pagmamahal ng babae sa kaibigan isinakripisyo nito ang sarili. Pinunasan niya ang mukha na may isang butil ng luha ang nakatakas mula sa mga mata. "Pero sasabihin ko pa rin sa'yo kahit alam kong hindi mo na ito maririnig. Valerie Florencio, mahal na mahal kita na kahit wala ka na, nandito ka pa rin sa puso ko." Nag-alay ng kaunting dasal pagkatapos nagpaalam na si Trivor. Dumeritso sa isang bar si Trivor pagkagaling sa sementeryo. Ayaw niya munang umuwi at makita ang pamilya na kinaaawaan siya. Nang namatay si Valerie nalaman ng pamilya niya ang nararamdaman niya para rito nang dahil din sa kakambal niya na napakalalaking tao pero tsismoso. "One Herradura." aniya sa bartender na agad din namang kumilos. Pagkaabot ng bartender ng inumin niya, agad niya itong nilagok at nag-order ulit. Nakailang shot na rin Trivor at may tama na ng alak. "Isa pang Herradura rito." aniya. Nagdadalawang isip ang bartender kung bibigyan pa ba niya ito ng isa pang baso. Hindi naman sa hindi na makakabayad si Trivor kundi lasing na lasing na ito. Pero sa huli binigyan na lang ito nang pagbantaan ang pobreng bartender. Mayamaya'y may isang babaeng lumapit kay Trivor. Maganda, matangkad at nakasuot ng pulang dress. Hindi naman masyadong revealing ang suot ng babae pero hindi maitatanggi ang ganda ng hubog ng katawan nito. "Hi, Hotsome! I've been looking at you earlier and I assume that you're alone. Do you need accompany?" ani ng babae sabay upo sa kandungan ni Trivor at nilalaro ang necktie nito. Napatitig si Trivor sa babae. Tila hindi makapaniwala kung sino ang babaeng nasa harapan niya. Bigla niya itong hinalikan sa pag-aakalang si Valerie ang nasa harap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD