CHAPTER 16 Nang sumunod na araw ay tanghali na nagising si Beatrice. Dahil sa linggo naman ay hindi siya nabahala kung tanghaliin man siya ng gising. Kagabi, pagkatapos niyang makipagkita kay Paul at sadyang iwan ito sa restaurant ay tumuloy siya sa isang mall at doon ay nagpalipas pa ng ilang minuto. Alam niya na aalamin ng binata kung nakauwi na siya sa kanila at nais niyang isip nga nito na may pinuntahan pa siya pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa, kahit na ang totoo ay nasabi lamang niya iyon upang inisin ito. After almost an hour of staying at the mall ay saka lamang nagpasya ang dalaga na umuwi ng kanilang bahay. Ngayon nga ay pasado alas-onse na ng tanghali nang lumabas siya ng kanyang silid. Matapos makapaligo at ayusin ang kanyang sarili ay tumuloy na siya sa kanilang komed