CHAPTER 9 Dahil sa nangyari kagabi ay hindi na nagawang pumasok ni Beatrice kinaumagahan sa Olvidares Manufacturing Corporation. Halos magdamag siyang hindi nakatulog dahil sa kakaisip sa balitang kumalat tungkol sa kanya at sa estranghero sa bar. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya lubos na maisip na ang lalaking iyon ay personal na kakilala pala ng kanyang nakatatandang kapatid. She was even confident that she won't ever see the man again. Pero sino nga ba ang mag-aakala na maaaring makadaupang-palad niya pa rin ito ngayon? Isa pang dahilan kung bakit pinili niya na huwag munang pumasok sa trabaho ay nais niya munang iwasan ang kanyang Kuya Jake. Sa tuwing nagkakaharap silang dalawa ay hindi maiwasang laging nauuwi iyon sa pagtatalo. Lagi na lang ay may dahilan ito upang sermun