Kinabukasan, nagtataka si Angelo kung bakit nasa loob siya ng sariling kwarto at nakahiga sa sariling kama. Dahil ang huling natatandaan niya ay nakipag-inuman siya sa kinikilalang ama ni Vanessa at hindi niya maalala kung papaano siya nakabalik sa bahay ng kanyang Ate Caren. Inihatid ba siya ng Tito Ziggy niya? Pero sino ang ang nag-asikaso sa kanya? At bakit boxer short na lang ang natitirang saplot niya sa katawan? Fuck! Ganun pala ang pakiramdam uminom ng alak. Nakakaadik kahit na masama ang lasa. Parang habang tumatagal lalong sumasarap at mabuti na lang dahil wala siyang hangover. Pero papaano siya magkakaro'n ng hangover kung hindi pa nga niya nauubos ang isang bote ng beer ay lasing na agad siya. That was his first time at noon niya lang nalaman na mahina pala ang tolerance niy