Pagkatapos ng kanilang umagahan ay mabilis lang niligpit ni Angelo ang ginamit niya sa pagluluto at ang mga pinggan na ginamit nila ni Vanessa. Bumalik agad siya sa kwarto at nanatili doon kasama ang kanyang asawa. Tinabihan niya ito sa kanyang kama at niyakap ito. Wala naman itong naging pagtutol at yumakap din ito pabalik sa kanya. Lihim na lang siyang napangiti dahil kay gandang pagmasdan ng posisyon nilang dalawa. Magkatabi at magkayakap habang nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama. Dumating ang tanghalian at si Vanessa na ang nagluto ng kakainin nila. Bumuti na ang pakiramdam nito at nawala na rin ang lagnat na ipinagpasalamat niya. Tinulungan na lang niya ito habang binabantayan niya ang bawat galaw nito. Ayaw naman niyang map'wersa ito lalo na at masakit ang nasa pagitan ng hita nit