Synopsis

288 Words
Isla Montellano Series #4 'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti? *R18 *Read at your own risk *Not suitable for young readers
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD