Kanina pang hindi maipinta ang mukha ni Vanessa habang pinipilit na ayusin ang cellphone niya. Nakalimutan niyang nasa bulsa niya iyon at nang maalala ay mabilis niya iyong kinuha pero huli na ang lahat. Naipit iyon ni Angelo kanina habang nakadagan sa kanya at hindi na 'yon mabuhay. Nadamay ang kawawang cellphone niya sa kalandian nito. Natuluyan na ang mumurahin niyang cellphone na kasama niya buhat pa noong una dahil iyon ang una at huli niyang cellphone na bigay pa ng mama niya. Tuluyan na itong sumuko at kasalanan iyon ni Angelo. Mula nang lumabas siya sa kwarto nito ay hindi na niya ito nakita. Iniwan niya ito sa kwarto kanina nang tumawag ang mom nito dahilan nang pagtigil nito sa pagpapak sa labi niya. Halata ang pagkainis nito sa mukha nang sagutin iyon at sinamantala na niya